Forty Five

1.3K 61 20
                                        

Neko's note: story time, 2015 ginawa ko 'tong story na 'to. I never thought na magkakaroon ako ng friends dahil dito. Hindi lang kayo readers you guys are my friends. 2017, nirepost ko 'to kasi namimiss ko na magsulat and I gained even more. But I stopped, not because I gave up, but because some fucker stole my phone. 2018. Nirepost ko ulit to continue it and here I am... super natutuwa kasi hinding-hindi n'yo iniwanan 'tong story na 'to. You supported me no matter what. You guys are the best. ❤️❤️ Plus, you guys encourage me all the time. 💕 If ever na napansin n'yo 'yung changes ng pagsusulat ko, that's because I wrote this story in different time frames. So ayun guys, the point is... I love you all. 😘😘😘

Oh. Alchemistic_Me eto yung chapteeer.

Chapter Forty Five

Okay. What the duck?? In-analyze ko 'yung situation ngayon at kung anong nangyayari.

Bakit may alien things sa kwarto ko????

"I am Dakota Sanchez. Your hair and makeup artist."

Whatttt???

"And etong kasama ko is Barbie." Turo n'ya sa bakla na nakatayo sa harap ng isang salamin ngumiti naman s'ya kaya ngumiti rin ako.

Hopeless akong tumingin kay Pia na hanggang ngayon e nakangiti pa rin nang nakakatakot. Jusko po. Napa-sign of the cross ako mentally dahil sa ngiti n'ya.

"Paki-explain nga po." Na lang ang nasabi ko kasi sobrang gulat ako ngayon.

DAKYU PIA WALA TO SA USAPAN E HUHUHU.

Through the big mirror nakita ko na clueless na tumingin sa akin si Miss Dakota. Ang ganda n'ya talaga

"Hayaan nyo na lang po s'ya. Simulan na 'yan!" Pumalakpak pa na parang seal si Pia. Dakyu talaga. Ilagay kaya kita sa waterpark nang makita mo??

"Please make her the prettiest woman today," mahinang sabi ni Pia kay Miss Dakota na narinig ko naman. Ngumiti naman ya saka tumango. Si Pia umupo sa isang upuan kaharap ng salamin.

"Babantayan kita baka mamaya tumakbo ka, e."

Nag-roll eyes na lang ako kasi I know na wala naman akong kawala.

"Do whatever you want." I sighed. 'Di na nga aangal 'di ba?

*****

I stared at myself in the mirror. My mouth is open.

There's no way that that's me.

Nakangiti lang ng proud si Miss Dakota. Malamang obvious sa mukha ko na I am really impressed.

Black and white ang theme ng debut ni Kevin. His favorite colors. Naka-tube gown ako ngayon na abot hanggang sa paa ko. Tapos may parang buntot (dahil mahaba 'yung sa likod, nakasayad sa lupa). Kulay black ang top n'ya then unti-unting nagiging white gamit ang mga bilog na sequins. Smokey eye ang tema ng makeup ko ngayon. Focused on my eyes.

Parang ako tuloy 'yung debutant.

Once in a while okay rin naman pala na magganito. Besides, hindi pwedeng humindi kasi I shouldn't ruin the party—Kevin's day dahil lang sa kaartehan ko.

"O eto." Hinagis ni Pia 'yung sapatos na isusuot ko siguro—at Vans na itim 'yun. Tumawa ako dahil sa kagagahan ni Pia. "Hindi naman makikita, e."

Isinuot ko 'yun.

Shet. Para akong prinsesa. Wearing a vans shoes tho.

Tiningnan ko s'ya. Naka-black na dress s'ya ngayon below the knee. May malaking ribbon sa gitna na kulay white. Light lang makeup n'ya, narinig ko na inaway n'ya si Barbie kanina na pag kinapalan n'ya 'yung makeup sa kan'ya e babasain n'ya lahat ng makeups na ginamit sa kan'ya. Naka-vans din s'ya na sapatos. Gagu talaga si Pia.

Zipper Mo Bukas (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon