Chapter Forty
Naramdaman ko na may yumugyog sa akin..
"Beeeeyyyy!"
Sinubukan kong idilat 'yung mga mata ko. Failed! Lemme sleep moreeee.
Broken hearted ako. Masakit puso ko. Need ko ng tulog at pagkain.
Niyugyog nya pa ko nang mas malakas. Tangna parang magnitude 10 na e.
"Bey naman, e. Huhu."
Dahil may maingay na baliw sa kwarto dinilat ko na 'yung mata ko.
Potek. Feeling ko ambigat ng mga mata ko.
"Hala! Para kang kinagat ng ipis. HAHAHAHA." Tawa ka pa d'yan.
Tinitigan ko lang s'ya.
Teka anong nangyayari?
Kinunotan ko s'ya ng noo.
Kumain ba ko nang madaming chocolates tas nalagyan ko 'yung mata ko kaya inipis?
Ghad. That's gross. Huhu.
"Ipis?" tanong ko kay Krista..
Napa-facepalm s'ya.
"Hala. Maligo at mag-toothbrush. Bad breath."
"'Di ako bad breath."
"Oo na. Still need to interrogate you. Hala tayo! Kelangan ko ng chismis!"Napaikot ang mata ko sa paligid.
Nasa bahay na nga pala ako.
Tumayo na lang ako. Pumunta sa cabinet ko at kumuha ng mga damit.
Wala akong boxers?
Napakunot noo ko. Ay iniwan ko nga pala kasi nagdrama ako kahapon. Sabi ni Sui dadalhin n'ya yung mga gamit ko.
NAKAKAHIYA!!!!! E kaso nangyari na. Ano pa nga bang magagawa ko?
Kumuha na lang ako ng kahit na anong pwedeng suotin saka pumasok sa banyo at naligo.
Pagtapos ko maligo e dumerecho na agad ako sa kwarto. Haha andito nga pala si Krista!! Bakit ba kasi kapag kagigising ko lang e ang tamlay-tamlay ko??
Pagpasok ko sa kwarto ay may pizza at fries at coke at... at... chips! May malalamon sa kama ko!! Agad na nanlaki ang mata kooooo!!
Fooooood!!!
(Neko's note: babala wag gayahin. Hahaha hindi ideal na breakfast)
Tumakbo agad ako sa kama. Halos magtatatalon na ako.
My goooossshhh!!
"Wala to kanina, a?" sabi ko kay Krista habang naglalaway.
"Nagpa-deliver ako kanina bago kita gisingin. Dumating nung nasa banyo ka na," sabi ni Krista kaya napatalon ako saka niyakap sya."Waaaah I so love you," sabi ko saka kiniss sya sa pisngi nang pabiro.
"Eew. Wag ganyan bey," sabi n'ya saka tinulak ako nang pabiro
"No homo," sabi ko saka nag-peace sign.Nag-roll eyes naman sya nang pabiro. I laughed. I really missed Krista! namiss ko 'yung best friend ko since sperm cell!
Umupo na ako sa kama ko saka kumuha ng fries! Nom nom! Yaman ni Kristaaaa ~~ nag-order sa magkaibang fastfood. Hehe swerte ko sa bespren koooo!
"Ang aga mo, a?"
"Syempre bey. Kelangan mo nang ichikka sa akin ang lahat lahaaaat ng detalye," sabi n'ya saka tumawa.Oo nga pala.

BINABASA MO ANG
Zipper Mo Bukas (Completed)
RomanceZia Cortez is living her plain and simple life when she met Keanu Fuentes who unfortunately saw her underwear through her zipper. Little did she know that Keanu is her childhood friend-Kevin Fuentes' brother who resided in America. Everything seemed...