Neko's note: 50 chapters na guys. Di pa ba kayo nabo-bored? Okay pa naman?? :( i hope okay pa kasi I need assurances af. Kasi feeling ko sobrang haba na and wala pang happenings masyado. :(
Chapter Fifty
"Dakyu Keanu Fuentes," bigla ko na lang nasabi sa sobrang inis nang biglang may nagtakip sa mata ko. Sa sobrang gulat ko ay nasiko ko siya sa tyan. Malakas.
Badtrip din kasi. 'Di na nga ako okay manloloko pa.
Kung holduper yan, fight me. I am more than ready. Kung ako broken hearted I'll make sure he has broken bones. Para kahit papaano pantay 'di ba?
"Shit." Narinig kong daing n'ya.
Oo n'ya.
Boses pa lang kilala ko na.
Yes. That feeling again.
I smiled secretly. He's here!
"Keanu!!" gulat kong sabi saka humarap sa kan'ya. Kita ko 'yung sakit sa mukha niya baka dahil napalakas 'yung pagsiko ko. "Hala sorry. Okay ka lang ba?"
Tumango-tango siya.
"Grabe ka Zia. Mapanakit."
"Ikaw rin naman, a. Mapanakit," bigla kong hirit pero I realized na mali pala because naging awkward na naman dahil sakin. Zia why so bobo? "Hehehehehe joke lang pala," sabi ko saka binatukan siya which is kelangan kong mag-exert ng effort kasi hellooo? Ang tangkad kaya niya!Pumunta kami sa pool para magsawsaw ng paa. Hahaha. Libreng footspa. Jk jk. La namang isda e.
"Bakit mo nga pala ako tinext na pumunta rito?"
He shrugged.
Haaaa??
"Na-miss lang kita," he said looking in my eye intently. No hint of joke? Or umaasa lang ako.
???????????
I felt the rush of my blood towards my cheeks. Magsalamin man ako o hindi sure akong namumula ako dahil sa init ng mukha ko at the moment. Napaiwas tuloy ako ng tingin at nag-focus sa pool habang ginagalaw ang mga paa ko.
Parang nagkaroon ng singer sa tabi ko while singing "Akin ka na laaaangggg ~~"
"H-huh??" tanong ko kahit na dinig na dinig ko naman kung ano 'yung sinabi n'ya. Hindi ko na mapigilan 'yung ngiti at kilig ko sa kan'ya. Napatingin ulit ako sa kan'ya kasi hindi ko rin mapigilan. Gusto kong malaman kung anong nasa isip n'ya.
"Na-miss kita. Na-miss ko 'yung dating tayo," seryoso niyang saad habang nakatingin sa akin.Ako rin naman, e. :(
"Sorry," mahina kong sabi.
"For?"
"Confessing what I feel." I heard him chuckle. Ugh bakit ba ang pogi ng mga lalaki kapag ginagawa nila 'yan? Bakit ako parang witch na kinikiliti na ewan?
"I can't blame you, Zia." Bakit ang hot ng pagtawag n'ya sa pangalan ko???? "Cause if that's me aamin din ako."'If that's you' so it means wala talagang pag-asa? Napangiti ako nang mapakla. Boom. Umasa again.
Nanahimik kami ng ilang minuto. Hindi ko na nasagot 'yung sinabi niya kanina. Sa totoo lang gusto ko nang umalis kanina pa kasi parang tinutusok 'yung puso ko sa sobrang sakit. The good thing is hindi na ako naiiyak.
Tanging kuliglig at tubig lang ang maririnig sa sobrang katahimikan.
"Zia," tawag n'ya sa akin. Bumilis ang tibok ng puso ko. Parang may hinahabol na kung ano. Pagbanggit pa lang ng pangalan ko gan'yan na reaction ko. Tangina Keanu, ano ba ginagawa mo sa'kin?

BINABASA MO ANG
Zipper Mo Bukas (Completed)
RomantizmZia Cortez is living her plain and simple life when she met Keanu Fuentes who unfortunately saw her underwear through her zipper. Little did she know that Keanu is her childhood friend-Kevin Fuentes' brother who resided in America. Everything seemed...