Twenty Eight

1.4K 59 12
                                    

Chapter Twenty Eight

Ilang oras na ang nakalipas nang makauwi kami ni Kevin pero hanggang ngayon ay 'di ko pa rin makalimutan 'yung sinabi nya sa akin.

"Please, pigilan mong ma-fall nang sobra kay kuya."

Naaalala ko pa 'yung tingin n'ya sa akin. 'Yung mata n'yang nangungusap. 'Yung pagiging seryoso ng mukha n'ya.

Kevin, tingin ko huli na e. Sobrang hulog na ako kay Keanu. Ano bang alam mo?

Mabilis man... tanggap ko na. Hindi nababase sa bilis o tagal ng panahon ang pagmamahal. Nakadepende sa'yo 'yun.

Hindi ko alam kung anong klase ba ng mundo 'tong napasok ko. Bakit ba kasi naisipan nila inay na patirahin kami sa kanila eh kaya naman naming mabuhay. May karendirya naman, pwede naming mag-prito. May noodles naman.

Napaisip tuloy ako kung boring pa rin ba ang buhay ko kung 'di ko nakilala tong magkapatid, natutulog lang ba ako at nagbabasa sa wattpad maghapon?

Hindi tulad ngayon na namomroblema ako dahil sa puso ko. Dahil sa pagmamahal na 'to.

Napatigil ako sa page-emote nung narinig kong nag-ring 'yung phone ko. Tiningnan ko 'yung caller.

Si Sui pala.

Tangina si Sui.

Shet. I’m dead. Guys. Pagdasal n'yo na lang kaluluwa ko. Malamang icha-chopchop ako neto tapos ipapakain sa aso. Huhu momeeehh.

Kahit na medyo natatakot ako sa sasabihin n'ya e sinagot ko 'yung tawag n'ya.

“TANGINA ZIA ANO NA NAMAN BANG GINAWA MO?! PUNYETA!”

Huhu nakakatakot na sigaw na naman' yung binigay n'ya sakin.

“Oo na. muntik na naman akong umamin.”

“HINDI 'YUN! 'YUNG ISA PA!”

Agad na napakunot noo ko.

“Ha?”

“Aish. Nag-date daw kayo ni Kevin?!” pasigaw n'yang tanong..

“Ah. Oo. Bakit?” Hindi ko pa nga pala nakukwento kay Krista 'yung nangyari.

“Putangina naman talaga oo. Sumama ka?”

“Bakit ba galit ka?” tanong ko sa kan'ya. Wala namang dahilan para magalit ah?

“Sagot.” Naiimagine ko na mukha na namang mangangain si Sui. Shet.

“Oo. Bakit ba?”

Narinig kong bumuntong hininga s'ya.

“Ugh. Pota. Nag-eenjoy dapat ako sa Palawan ngayon eh. Bat ba pinoproblema ko 'yung pinsan ko.”

Narinig kong bulong n'ya sa sarili n'ya.

“Bakit umamin ka kagabi? Ano twice a row mo gustong ma-reject?”

Aray. Reject talaga ha? Ibig sabihin ba wala na talagang pag-asa?

“E wala na akong masabi eh. Narealize ko na lang na mas mabuti pang umamin kesa magsinungaling... kasalanan naman talaga ni Pia kung ba't ako napunta sa sitwasyon na 'yon.”

“Well tama ka, kasalanan naman talaga ni Pia. At magpasalamat ka kay Pia na ginawa n'ya 'yun dahil naalog utak ng pinsan ko.”

“Huh?”

“Nevermind.”

Shet. Kakaiba si Sui ngayon ah?

“Anong nangyari sa'yo? Ba't wala akong deaththreats na natatanggap from you?” nagtatakang tanong ko.

Zipper Mo Bukas (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon