"Dude, you don't understand me!" Mariing sabi ni Trius sa kaibigang si Theo habang nag-iinuman sila sa isang bar.
"It's not that I don't understand you, what I'm telling you is that, you guys have known each other for a long time! Malay niyo matutunan niyo ring mahalin ang isa't isa habang nagsasama kayo-"
"Bullshit!" Gigil na gigil niyang ibinagsak sa counter ang kristal na baso kaya tumapon ang kaunting laman noon. "What I feel for her is just pure lust! I don't see myself with her in the damn future!"
Huminga naman ng malalim ang kaibigan at tinapik ang braso niya.
"Huwag kang magsalita ng tapos. Hindi mo naman alam ang mangyayari sa future", sabi nito habang pinahahaba ang pasensya sa kanya. "Bakit hindi mo siya ligawan? Tutal alam mo kung anong mga makapagpapasaya sa kanya, kilala mo naman siya eh."
"Iyon na nga eh. Kilala ko siya! Kilalang kilala!" Humithit siya ng sigarilyong nangalahati na bago niya iyon idiniin sa ashtray para patayin ang baga. "She's selfish, insensitive, a bully, napakasutil, matigas ang ulo, maarte, hindi marunong maglaba, hindi marunong magluto! Sige nga, sinong siraulong lalaki ang magkakagusto sa ganoon?! She's a guillotine!"
Ito ang usapan ng magkaibigan pitong taon na ang nakalilipas. May nagbago kaya sa nararamdaman ni Trius para sa matalik niyang kaibigang nakatakdang maging asawa niya sa hinaharap?
---•---
This is a work of fiction. Any names or characters, businesses or places, events or incidents, are fictitious. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.
MATURE CONTENT!
READ AT YOUR OWN RISK!---•---
PS:
Typographical and grammatical errors are along the way. Bracing myself for nazis =D

BINABASA MO ANG
SAVANNAH'S HEART
General Fiction"Dude, you don't understand me!" Mariing sabi ni Trius sa kaibigang si Theo habang nag-iinuman sila sa isang bar. "It's not that I don't understand you, what I'm telling you is that, you guys have known each other for a long time! Malay niyo matutun...