Spin The Bottle
Napagpasyahan naming lumipat sa tabi ng bonfire para masimulan na ang inuman. Naglatag ng maliit na sapin si Ritch, na pinalibutan din namin. Si Demet naman ay umupo sa pinatayong case ng beer na katapat namin ni Bryden.
"Let's play a game!" Sigaw ni Ritch at hinanda sa gitna ang isang basyo. "Spin the bottle!"
"Bet ko 'yaaan!" Masayang sabi naman nina Gudaiva at Jewel.
"Okay lang ba kay Sir Trius 'yan?" Pag-aalala ni Yandell. "Baka may mga kung anu-anong maganap diyan ha!"
Tumawa si Demet. "Okay lang. Don't worry, guys. We're not here as employee-boss. We're here as friends at pantay-pantay tayo ngayon dito."
Nagtanguan naman sila at hindi nagpakita ng pagkontra.
"Paiikutin ko ang bote at kung kanino matapat, makikipag bato-bato-pick sa akin. Kapag nanalo ako, DARE, pero kapag natalo ako, TRUTH! Kung sino ang itinuro ng bote, siya ang susunod na mags-spin", saad ni Ritch.
"Game!" Excited na sabi ni Yssa.
"Wait, there's more!" Dagdag pa ni Ritch at itinaas din ang isang asul na kahon. "Kailangan niyang bumunot ng papel dito, kung TRUTH ang magiging resulta ng laban! Dito naman kung DARE", itinaas niya naman ang pulang kahon. "Then tuluy-tuloy lang. GAME!"
Halos kabado ang lahat habang pinaiikot niya ang bote. Ang unang pagkakataon ay natapat iyon kay Mike.
"Hala!" Napabalikwas ito at natawa kaming lahat sa reaksyon niya.
Natalo niya si Ritch sa bato-bato-pick kaya magtatanong ito sa kanya ng nakabase sa nabunot niyang papel sa asul na kahon.
"Hatred", sambit ni Ritch. "Sino ang pinaka-kinaaayawan mo sa aming lahat sa office? At bakit?"
Kanya kanyang kantiyawan sila habang nag iisip ng sagot si Mike.
"Si Gudaiva po", natatawang sagot niya. "Parang lagi kasing nagpapapansin sakin eh."
"Kapal mo!" Angil naman ni Gudaiva habang kami ay nagtatawanan.
Si Mike naman ang nagpaikot ng bote at natapat iyon kay Kisha. Nanalo siya kaya gagawin nito ang kung anumang nabunot sa nito sa pulang kahon.
"Hot & spicy, ano to pancit canton?" Tawa ni Mike. "Kisha, halikan mo si Aki mula sa labi hanggang sa—"
Hindi pa tapos magsalita si Mike ay sinunggaban na ni Kisha ang boyfriend niya at hinalikan ng marahas.
"Woooaaahhh!!!" Hiyawan naman nila.
Tinanggal niya ang butones ng polo ni Aki at binaybay ng dila niya ang leeg nito at dibdib hanggang sa pusod. Napaka-wild niya talaga pag nalalasing.
"Hoy tama na 'yan!" Gigil kong saway at sinabunutan siya para tumigil.
Kagat labing natawa naman si Aki.
"That turned you on, Aki. Aminin!" Pilyong sabi naman ni Jewel habang ikinakawag ang hintuturo.
Pinaikot ni Kisha ang bote at tumapat kay Bryden. Natalo ito kaya bumunot sa pulang kahon.
"Hot and spicy rin, bakit paulit ulit?" Tanong ni Kisha.
"Natural, binabalik lang naman diyan ang nabunot eh", supladang sagot naman ni Jewel.
"Bryden..." sumulyap si Kisha sa akin at kay Demet bago muling bumaling sa kanya. "Halikan mo nga rin si Vannah."
"KISHA!!!" Mabilis ko namang angil dahil pakiramdam ko ay awkward iyon sa harap ng maraming tao.
BINABASA MO ANG
SAVANNAH'S HEART
Narrativa generale"Dude, you don't understand me!" Mariing sabi ni Trius sa kaibigang si Theo habang nag-iinuman sila sa isang bar. "It's not that I don't understand you, what I'm telling you is that, you guys have known each other for a long time! Malay niyo matutun...