WARNING!
SPG|RAYOR
—Runaway Bride
Nagising ako at agad tiningnan ang cellphone.
4:10AM.
Hindi pa rin naaalis sa isip ko si Demet at kahit inis ay nag-alala pa rin akong baka giniginaw na siya kaya pinuntahan ko siya para dalhan ng kumot at unan. Tinitigan ko siya habang mahimbing pa ang tulog niya.
Demet, why? Why am I being like this? Si Bryden ang gusto ko pero bakit ikaw ang hinahanap-hanap ko? Bakit ikaw ang palaging nasa isip ko? Ginugulo mo ako! Nililito mo ako!
Gusto ko sanang simulan ng maganda ang araw ko kaya tinanggal ko ang mga kuwestyon sa isip ko. Matapos ko siyang kumutan ay pumunta naman ako sa kubo para maghanap ng makakain sa mga dala namin. Nag-init din ako ng tubig sa isang takure para ipang kape at saka ko itinuloy ang paghahalungkat ng mga gamit.
Kahit biscuits lang, nagugutom talaga ako!
Tumunog ang paglapag ng takure sa kalan at agad akong napalingon.
Si Demet.
His hand was tucked inside the pocket of his shorts and the other one is busy fiddling his cellphone.
"A-anong ginawa mo?" Kunot-noo kong tanong.
"Dinagdagan ko lang 'yung tubig. Magkakape rin kasi ako", sagot niya namang hindi man lang ako nililingon.
Naiinis pa rin ako. This is the worst outing ever!
Lumapit ako dahil nasa tabi niya ang mga baso, pero bago ko pa maihanda iyon ay tiningnan niya ako ng seryoso. Hindi ko mabasa ang nasa isip niya, kung galit ba siya o ano. Hindi ko siya pinansin at naglagay ako ng kape at asukal sa dalawang basong hinanda ko.
Pumihit si Demet at nangalumbaba para titigan ako. Hindi ko maiwasang ma-conscious kaya napatigil ako sa ginagawa.
"Demet, ano ba?" Inis kong sabi sabay tingin ng matalim sa kanya.
Bumaba ang mga mata niya sa leeg ko at pababa sa dibdib at iyon ang tinitigan niya habang dinidilaan ang mga labi niya. Hindi ko alam kung paano magre-react kaya napalunok na lang ako. Napapaso ako sa tingin niya!
Nagsisimula na naman siya! Nakakainis siya! Ayoko na nga lang magkape! Letche!
Padabog kong nilapag ang kutsara at lalabas na sana nang bigla siyang nagsalita.
"Saan ka pupunta?"
"Babalik na ako sa hotel", sagot ko namang nakapako sa kinatatayuan ko.
"Bakit?"
Ang daming tanong!
"Natural, matutulog pa ako!" Bulyaw ko nang lingunin siya.
Tumango siya. "Okay, sige. Matulog ka pa. Mukha ka kasing napuyat eh. Pinagod ka ba ni Bryden ng husto?"
Kumulo ang dugo ko at hiningal habang nagtitiim bagang, pero kinalma ko pa rin ang sarili ko. Ayoko ng gulo.
Muli akong pumihit para umalis na, nang bigla na naman siyang nagsalita.
"Oo nga pala..."
I turned my head to him again.
"Sabihin mo rin diyan sa boyfriend mo na dagdagan niya pa 'yang mga chikinini sa dibdib at leeg mo. Ang konti kasi eh!" Umismid siya.
Tiningnan ko naman ang dibdib ko at ang dami ngang mga marka, pero malabong si Bryden ang may gawa nito!
Lumapit ako at sinampal siya.

BINABASA MO ANG
SAVANNAH'S HEART
General Fiction"Dude, you don't understand me!" Mariing sabi ni Trius sa kaibigang si Theo habang nag-iinuman sila sa isang bar. "It's not that I don't understand you, what I'm telling you is that, you guys have known each other for a long time! Malay niyo matutun...