CHAPTER 30

4.4K 108 11
                                    

Help

Pagpasok ko ng opisina ay agad kong binuksan ang computer ko at sinimulan ang trabaho. Hindi ako nagpapa-apekto sa mga titig ni Demet na nakikita ko sa gilid ng mata ko. Bahala siya sa buhay niya, titigan niya ako hanggang matunaw ako para mawala na lang ako sa paningin niya.

"Hindi ka ba maggu-good morning?"

Napatalon ako sa bigla niyang pagsasalita at napatingin sa kanya. Kailangan kong lagyan ng ngiti ang labi ko kahit pilit.

"Good morning po... SIR", sambit ko sabay ngisi.

"I want to see a genuine smile, Ms. Ledesma", aniyang may awtoridad sa tono.

Tang ina, siraulo yata ang isang 'to eh! Matapos niyang hindi ako payagang mag-resign umaasa siyang makakakita ng 'genuine smile' ngayon?!

Wala. Hindi ko napilit ang sarili ko sa letseng inuutos niya. Nanggigigil ako sa kanya!

Nang hindi niya nakuha ang gusto ay tumayo siya at lumapit sa akin. Tiningala ko naman siya at tiningnan ng masama. Inilapag niya sa mesa ko ang sobreng ibinigay ko kahapon. Kinuha ko naman iyon at agad inilagay sa bag.

"Hindi mo man lang ba babasahin?" Tanong niya.

"Sir, alam ko na po ang nakasulat doon dahil ako ang gumawa noon", may diin kong sagot.

Itinagilid niya ang ulo niya sabay taas ng isang kilay na para bang pinipilit ako.

Fine!

Kinuha ko ulit ang sobre at tiningnan ang laman. Napangiti ako ng malapad nang makitang may pirma na niya iyon.

Pumayag na siya! Makakaalis na ako!

"Now, that's a genuine smile", patuya niyang sabi at tumalikod na.

"Sir, thank you!" Sabi ko naman at nahuli ang sarili kong nakayakap na pala sa kanya. "Ay! Sorry po", kumalas ako at ngumisi. "Sino pong magiging kapalit ko? Para maturuan ko na."

"Saka na lang ako maghahanap, pag nakaalis ka na."

"Hmm? Okay po, Sir."

Yiiiiie aalis na ako rito! Hindi ko na sila makikita ng girlfriend niyang naghahalikan sa harapan ko! Hindi na halos araw araw didikdikin ang puso ko!

Pero isang buwan pa akong magtitiis, mabilis lang 'yan! Think positive, Vannah!

Nang mag-lunch break ay kusa na akong nagpasalamat kay Kisha dahil alam kong may ginawa siya para makumbinsi si Demet. Nalulungkot siyang aalis na ako pero naiintindihan naman niya ang kapakanan ko.



Naglo-lotion ako nang tumunog ang doorbell. Binuksan ko ang pinto nang makita si Toffer sa peephole.

"Nako, Toffer! Hindi ko inexpect na ganito ka kaaga", sabi kong may pag-aalangan nang patuluyin siya. "Schedule kasi ng check-up at ultrasound ko ngayon eh. Akala ko kasi mga after lunch pa natin pupuntahan 'yung apartment."

Sinuklay ko ang buhok ko sa harap ng tukador habang siya ay nasa sofa sa likuran ko.

"It's okay, sasamahan na lang kita", nakangiti niya namang sagot.

"Ay, huwag na! Bukas na lang ako—"

"NO", putol niya sa pangungusap ko. "Sabi ni Gudaiva maselan ang pagbubuntis mo. Hindi mo pwedeng i-delay ang check-up. At saka excited kang malaman ang gender ng baby mo di'ba?"

Napakadaldal talaga ng Gudaiva na 'to!

"Uh, oo naman. Siyempre. Pero hindi pa naman yata makikita 'yon kasi nga three months pa lang ang tiyan ko", inayos ko ang sling bag ko kung saan inilagay ang cellphone at wallet.

SAVANNAH'S HEARTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon