FOREVER
Kinabukasan ay pumasok ako sa opisina. Ibinilin ko sa assistant kong huwag papasukin dito si Savannah dahil ayoko siyang makausap, pero nakagawa ito ng sarili niyang paraan. Sinubukan niya pang magpapaliwanag pero pagod na akong makarinig ng kasinungalingan kaya hindi ko na siya pinayagan. Sa kanya lang lumalambot ng husto ang puso ko pero siya rin ang dahilan kung bakit bato na ito ngayon.
"Kuya..." Malungkot na lumapit ang kapatid ko habang nagtitimpla ako ng kape, sa bahay namin. "Bum-bumili ulit akong ticket. Uwi muna tayo ng Cebu para... para malibang ka naman. Para makapagsaya ka ulit."
Nilingon ko siya matapos haluin ang kape.
"Ilan ang binili mo?"
"Dalawa", pilit siyang ngumiti at inangat ang mga ticket para ipakita sa akin.
Napaihip naman ako sa kawalan. Patawarin sana ako ng lola ko pero wala akong ganang umalis-alis ngayon. Pwede ko naman siyang dalawin kahit hindi niya death anniversary.
"Si Theo na lang ang isama mo", malamig kong sabi at naglakad muna papuntang sala.
"Kuya!" Bigla na lang siyang umiyak habang nakayakap sa akin mula sa likod. "I thought everything was fine! I admired her a lot because I saw you happy with her! I believed in fairy tales because of you two! I thought..." Ako na ang pumihit para magharap kami. "I thought everything was perfect!"
"Devon-"
"I heard everything, Kuya! I followed her when she chased you, that's how! Don't worry, we love you, we're here for you!"
Bumagsak ang mga balikat ko at naawa sa kanya, pero natuwa ako dahil sa pag-aalala niya sa akin.
"Hey, princess", sambit ko at pinalis ang luha niya. "I'm okay-"
"No!"
"I'm okay-"
"No, I know you're not! I'm just young, Kuya, but I wasn't born yesterday!"
Haaay, ang prinsesa namin!
"But... I swear, I'm just fine. Kaya ko 'to, isa pa hindi ako pwedeng umalis dahil madalas na akong absent nitong mga nakaraan. Hindi ko pwedeng pabayaan ang kompanya", malumanay kong paliwanag.
Di kalaunan ay humupa ang iyak niya, then I gave her a reassuring smile.
"At saka aalis naman na ako ng condo. Lilipat na lang ako sa bahay na binili ko last year para sana tirhan namin. I'll be fine with that."
"You sure?" Tanong niyang nakanguso pa.
"Yup."
"And, uhm... pumapayag kang pumunta kami ni Theo sa Cebu na kaming dalawa lang?" Kinagat niya ang pang-ibaba niyang labi bago siya napayuko.
"Hindi. Binabawi ko na ang sinabi ko-"
"Pero Kuya!"
"Bata ka pa, Devon. Mahirap na, baka kung saan pa mapunta 'yang tagpo niyo", paliwanag ko namang pilit ipinaiintindi sa kanya ang lahat. "At saka ngayon niyo pa lang nakilala ng personal ang isa't isa. Kami nga ni Savannah oh, mula pagkabata magkasama na kami. Magpapakasal na sana kami pero naghiwalay pa rin kami."
"That happened because she's a slut!"
"DEVON!" Nagtiim-bagang ako nang hindi magustuhan ang sinambit niya.
"Kuya... he won't hurt me, mabait si Theo."
Unti-unti kong napagtantong maliban kay Savannah ay may isa pang nakakapagpalambot ng puso ko nang ganoon kabilis.

BINABASA MO ANG
SAVANNAH'S HEART
Ficção Geral"Dude, you don't understand me!" Mariing sabi ni Trius sa kaibigang si Theo habang nag-iinuman sila sa isang bar. "It's not that I don't understand you, what I'm telling you is that, you guys have known each other for a long time! Malay niyo matutun...