CHAPTER 40

6.4K 116 8
                                    

A Chance To Take

Mag-isa na lang akong naiwan sa hapagkainan dahil ako ang pinakamatagal matapos kumain.

"Titooo!!! When are we going back to the theater?" Tumakbo papalapit sa akin si Therion at umabot ng isang saging mula sa plato.

Ibinigay niya iyon sa akin para balatan ko.

"Sasama ka pa ba? Natutulog ka lang naman doon eh", natatawa kong sagot at ibinalik sa kanya ang saging.

Kunot-noo siyang kumagat at nagsalita habang ngumunguya.

"Hindi na, promise!" Bulol niyang sabi.

"Do not talk when your mouth is full, sinabihan na kita!" Pinandilatan ko siya ng mata para sindakin.

Lumapit naman si Devon at kinarga siya.

"Kuya naman eh, maiimpatso na 'to ang dami na masyadong nakain eh!" Inis niyang sabi sabay irap sa akin.

"Eh sa gusto pang kumain ng bata eh, ito talaga-"

"Ser", lumapit si Manang Yolly at saka umalis naman si Devon dala ang anak niya. "Telepono po."

Kinuha ko mula sa kanya ang telepono at saka sinagot pagtalikod niya.

"Hello, good afternoon!" Bungad ko.

"Try, si Toffer 'to. Uh, may lakad ka ba today? Pwede ba tayong magkita? May gusto lang akong itanong", walang preno niyang sabi.

"Oh, Toffer! Pwede naman, wala naman akong lakad", tugon ko.

Nagkita kami sa isang coffee shop di kalayuan sa 3D Building. Mukhang seryosong bagay ang pag-uusapan namin, o siguro ay tungkol sa business dahil nagbukas pa talaga siya ng laptop.

"Toffer, ano ba 'yung gusto mong itanong?" Nakangiti kong sabi pagkarating ng inorder naming kape.

"Trius, may nakaraan ba kayo ni Savannah?"

Napawi ang ngiti ko at ginapangan ng kaba, hindi dahil natatakot ako sa kanya kundi dahil naalala kong asawa ni Savannah ang kaharap ko ngayon. Huwag sana akong atakihin ng sakit ko, huwag sana ngayon.

Pinilit kong ngumiti at umasta lang ng normal.

"Uhm... ano ka ba, syempre wala. At saka kung meron man, hindi niya naman siguro ililihim sa'yo di'ba, kasi you're married for... ilang years na nga?"

"Hindi kami mag-asawa."

Umawang ang bibig ko at binalot naman ngayon ng pagkalito ang sistema ko.

"What?" I frowned.

"Hindi kami mag-asawa ni Savannah kung iyon ang iniisip mo, walang namamagitan sa amin. Ngayon sabihin mo. May nakaraan ba kayo? Ikaw ba ang nakabuntis sa kanya noon? Ikaw ba ang ama ng anak niya?" Tensyonadong tanong niya.

Ako ang ama ng anak ni Savannah?

Nag-flashback sa isip ko 'yung gabing unang beses kaming nagkita sa teatro, nung may tumawag sa kanyang 'mommy'.

Anak ko ang batang 'yon?!

Labis-labis na tuwa ang naramdaman ko. May anak kami, may pag-asa pa ako sa kanya, sa kanila. Magkakasama kami ulit at ngayon bilang isa nang pamilya!

Pero... ako nga ba ang ama?

"Uh..." Huminga ako ng malalim at tumikim muna ng kape. "We were about to get married, when she cheated on me. Sobrang sakit at hindi ko matanggap lahat kaya ako na ang nakipaghiwalay at hinayaan ko siyang umalis sa puder ko pero... wala siyang sinabi sa aking buntis siya noong time na 'yon, paano kung... paano kung hindi ako ang ama ng anak niya?-"

SAVANNAH'S HEARTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon