WARNING!
SPG|RAYOR
—Once More
Madalas manuod sa teatro si Demet at ang asawa niya. Sinasanay ko ang sariling makita silang malambing sa isa't isa para masaktan ako ng masaktan hanggang sa mamanhid na lang. Iyon na lang ang tanging paraan. Kailangan kong puwersahin ang sarili kong maka move on. Hindi ko naman magawang umalis sa trabaho kong ito dahil dito na ako masaya. Naiibsan ang stress ko sa tuwing nakikitang napapasaya namin ang mga manunuod, lalo na tuwing cute na cute na mga bata ang nagpe-perform sa stage.
Wala si Tomi ngayong gabi, dahil pupuntahan niya ang planta ng bago niyang negosyo. Si Dominic ang nagsilbing superior para gumabay sa amin.
"40 minutes, Ate Vannah", aniya nang katukin ako sa dressing room.
"Okay!" Masigla ko namang tugon.
Nagbihis ako ng off-shoulder na short evening dress na kulay lavender at bumagay naman ito sa bridal hairdo ko.
Sinagot ko ang cellphone nang tumawag si Mara, pero ang narinig ko ay boses ng anak ko.
"Fourth? Anak, why are you using Yaya's phone?"
["Mommy, I can't sleep"] malungkot niyang sabi.
"Nasaan si Yaya?"
["Tulog na po. Sing me to sleep Maaaaaaaaaa!"]
Diyos ko po! Ang sakit sa tainga ng boses niya, ang tinis masyado!
"O-okay, baby. But put the phone down first huh? Baka makatulog ka, bumagsak pa 'yan sa mukha mo."
["Okay..."]
Tumikhim muna ako bago nagsimulang kumanta.
"Why are there so many songs about rainbows, and what's on the other side. Rainbows are visions but only illusions. Rainbows got nothing to hide..."
Pinakinggan ko ang kabilang linya at mukhang tulog na agad siya. Ibababa ko na sana nang bigla na naman siyang sumigaw.
["More, Maaaaaa!!!"]
"Okay!" Muli akong tumikhim. "All of us under its spell. We know that it's probably magic. Have you been half asleep, and have you heard voices. I hear them calling my name..."
Maya maya pa ay wala nang umaangal tuwing titigil ako sa pagkanta kaya ibinaba ko na ang tawag at muling tiningnan ang sarili ko sa tukador.
Napasinghap ako kasabay ng pagluwa ng mga mata, nang makita sa salamin ang nasa likuran ko.
"Demet!" Napatayo ako at agad naghuramentado ang puso.
Pumihit ako para tingnan kung hindi ba ako namamalikmata.
"Vannah... I missed you calling me that name..." Paisa isa siyang humakbang palapit, hanggang sa kaaatras ko ay napasandal na ako sa tukador.
"A-anong...ginagawa mo rito?! Ba-bakit? anong... k-kailangan mo?!" Nanginginig ang katawan ko sa nerbiyos.
Hindi ko makaya ang presensya niya lalo pa't dalawa lang kami. Pakiramdam ko ay hindi ako makahinga sa loob ng maliit na silid na ito.
"Hindi mo alam kung gaano ako nangulila sa'yo. Sabik na sabik ako sa'yo, Vannah", hinapit niya ang baywang ko at pumalag ako.
Baka may makakita sa amin at ang malala, baka ang asawa niya pa. Pasimple ko siyang inamoy para alamin kung lasing ba siya, pero hindi. Ang bangu-bango niya...
No, this can't be! Huwag kang mahuhulog sa patibong niya!
"Demet, umalis ka na!" Mariin kong utos. "Umalis ka na, baka makita pa tayo rito ng kung sino—"

BINABASA MO ANG
SAVANNAH'S HEART
General Fiction"Dude, you don't understand me!" Mariing sabi ni Trius sa kaibigang si Theo habang nag-iinuman sila sa isang bar. "It's not that I don't understand you, what I'm telling you is that, you guys have known each other for a long time! Malay niyo matutun...