Lies and A Broken Heart
DEMETRIUS:
Dumating ang araw ng engagement party namin. Pagkakita ko pa lang kay Savannah ay nanghina na ang mga tuhod ko. She just made me believe that Goddesses are real!
Walang pagpapanggap sa ipinakita ko ngayong gabi. Totoo ang sayang nararamdaman ko habang binabati kami ng mga bisita.
"Demet... ang sama ng pakiramdam ko", matamlay niyang sabi makalipas ang ilang sandali.
"Huh? Bakit, anong nangyari? Halika, maupo ka muna. I'll get you a glass of water-"
"No, gusto ko nang umuwi... gusto ko nang magpahinga", putol niya sa pangungusap ko.
Bakit biglaan naman yata? Kanina lang ay ang ayos ayos niya.
Nang magpumilit pa siya ay pumayag na lang ako sa kagustuhan ding umayos
ang pakiramdam niya. Hinatid ko siya sa condo at nagpumilit siyang huwag ko na raw siyang bantayan kaya umakyat na rin ako sa unit ko.Tinawagan ko siya makalipas ang halos isang oras pero hindi niya sinasagot. Nag-alala ako kaya naman pinuntahan ko na lang siya. Panay ang doorbell ko pero walang nagbubukas ng pinto. Ganoon ba kalalim ang tulog niya?
Naisip kong subukan ulit ang dati niyang lock code at sa kabutihang palad, gumana iyon. Does it mean I am welcome in her home again?
Pagpasok ko pa lang ay agad gumapang ang kaba sa katawan ko nang makita ang mga pinagbihisan sa sahig. Tumakbo ako papasok sa kwarto niya at wala siya roon. Kinagat ko ang labi ko nang mapagtantong naisahan niya ako.
Tinawagan ko si Kisha para alamin kung sinong kasama niya at sinabi niyang si Jewel lang daw dahil naroon pa rin sila sa party.
Walang anu-ano ay bumaba ako sa carpark at pinaharurot ang sasakyan ko. Hinanap ko siya sa lahat ng bar na pinupuntahan niya. Sa restaurant kung saan sila nagkita ni Bryden noon. Sa park na posible pang pasyalan pero wala siya roon!
Nang mapagod ay umuwi muna ako saglit pero bago pa ako makarating sa carpark ay nakita ko ang isang pamilyar na kotse. Kotse ni Bryden. Bumaba siya at pinagbuksan din si Savannah at matamang nag-usap sila. Hindi nagtagal ay hinalikan niya ito sa labi ng ilang segundo.
Kuyom na kuyom ang mga kamao ko habang tinititigan sila ng matalim, sa puntong hindi ko na namalayang tumutulo na pala ang mga luha ko sa galit. Gusto kong bumaba ng sasakyan. Gusto ko silang sugurin. Gusto kong patayin si Bryden, pero hindi ko magawa lahat iyon! Bakit?! Dahil ba nakikita kong masaya si Savannah?! Dahil ba alam kong totoo ang mga ngiti niyang kakumpa-kumpara sa mga pekeng ngiti niya kanina habang ako ang kasama niya?!
Hindi ko na hinintay na makaalis pa si Bryden at inunahan ko na siya. Nakipagkita ako kay Theo sa isang bar at naglasing kami. Hindi niya ako pinipigilan ngayon at hinahayaan lang na malunod sa alak.
"Ang sakit! Sobrang sakit! Ipinaramdam niya sa akin na ako ang pinakawalang kwentang lalaki sa buong mundo! Ganoon ba ako kawalang puwang sa puso niya, para gawin niya iyon?! Nagsinungaling siyang masama ang pakiramdam at tinalikuran niya ang engagement party namin para lang makipagkita sa lalaking iyon?! Putang ina!" Tumungga ako ng dalawang magkasunod na shots ng black label. "Putang ina, Theo! Siya lang ang babaeng minahal ko, for fucking Pete's sake! Siya lang! Kahit sinubukan kong ibaling ang nararamdaman ko sa iba, hindi ako nagtagumpay! I even felt bad for the girls I had used! Ano bang meron sa Bryden na 'yon at ganoon siya kahalaga kay Savannah?! Ano ha?!"
Namalayan ko na lang na nakatitig sa akin si Theo na takot na takot habang hawak niya ang mga kamay kong nasa kuwelyo niya.
"Dude, don't kill me! I'm not Bryden!" Natawa siyang sarkastiko ang dating.
BINABASA MO ANG
SAVANNAH'S HEART
Fiksi Umum"Dude, you don't understand me!" Mariing sabi ni Trius sa kaibigang si Theo habang nag-iinuman sila sa isang bar. "It's not that I don't understand you, what I'm telling you is that, you guys have known each other for a long time! Malay niyo matutun...