CHAPTER 20

4.5K 87 4
                                        

WARNING!
SPG|RAYOR

Bitterness

DEMETRIUS:

Inis na inis ako nang malamang kasama si Bryden sa outing namin kaya nagalit ako kay Savannah, pero kaysa naman masolo siya nito ay hinayaan ko na lang na sumama sila. Nang makarating sa venue ay mabilis na inorganisa ni Ritch ang lahat para kumain sa isang kubo kung saan nakalagay din ang lahat ng mga gamit. Naligo rin sila at pagsapit ng hapon at saka niya sinabi ang pagsubok para sa outing na ito. Sinabi ko rin sa kanyang paghiwalayin ng team sina Bryden at Savannah, at kailangang nasa team ko si Kisha para hindi ito makakuha ng pagkakataong makausap ang pinsan. Ayokong gumulo ang isip ni Savannah ngayon. Gusto ko siyang maging masaya at walang inaalalang problema.

Habang naglalakad sa kagubatan ay nasa isip ko siya. Saan kaya sila banda? Okay lang kaya siya?

"Sir!" Tawag ni Ritch. "It's almost 5, ang kaunti pa lang po ng nahahanap nating pagkain."

"Okay lang yan, guys. Ang mahalaga, meron tayong madadala pabalik", tugon ko naman at nagyaya na nga.

Lungkot na lungkot ang mga miyembro kong kami ang pinakahuling dumating. Hinanap naman agad ng mata ko si Vannah pero wala siya kaya lumapit ako kay Jewel na kinakausap din ni Bryden.

"Oo eh, ang sabi niya susunod siya", malungkot na sabi niya.

"Oh, God! I hope she's okay, we have to find her right away!" Sabi naman ni Bryden na nakasapo sa noo.

"Why, what's the problem?" Tanong ko.

"Savannah is missing", sagot ni Bryden.

Para akong binuhusan ng malamig na tubig at halos manigas ako sa kinatatayuan ko.

"Wha-WHAT?! HOW? KAYU-KAYO ANG MAGKAKASAMA!" Bulyaw ko agad kay Jewel at halos mapayuko siya malamang sa takot.

"Sir, kasi po nadulas siya. Tapos hindi siya makalakad, sabi niya mauna na raw kami—"

"AND YOU LEFT HER?!" Halos sugurin ko siya sa inis. Ano ba naman ito?!

Dahil sa lakas ng boses ko ay lumapit na rin ang iba sa amin.

"Maghiwahiwalay tayo para mabilis natin siyang mahanap", Bryden suggested.

"Right. Pero kailangang maiwan ang iba para maghintay sa kanya rito", dagdag ko naman.

"Kami na lang po", sabi ni Ritch at sumang-ayon naman sina Kisha at ang ilan pa.

Humiwalay ako sa kanila para hanapin ko si Vannah ng mag-isa, ayoko kasi ng may kasama dahil dagdag lang sa aalalahanin ko. Hindi ako papayag na may mangyaring masama sa kanya, kung kinakailangan suyurin ko ang buong kagubatang ito, gagawin ko!

"Vannah!" Maya't maya kong sigaw sa bawat daanan kong direksyon. "Savannaaaah!"

Papadilim na. Nahanap na kaya siya? Malawak-lawak na rin ang naikot ko. Lord, please don't let anything bad happen to her. Hindi ko maiwasang sisihin ang sarili ko. Kung nasa team ko sana siya, hindi mangyayari ito. Ano ba kasing pumasok sa utak ko at hiniwalay ko pa siya sa akin?! Napakatanga!

Sa kabila ng huni ng mga hayop ay nakarinig ako bigla ng pag iyak. It's her! She's here!

"SAVANNAH!" Sigaw ko.

"DEMET, I'M HEEERE!" Tugon niya naman at nabuhayan ang puso ko.

Hinawi ko ang makakapal na dahon at nakita siyang nakaupo sa isang bato at umiiyak.

"SAVANNAH!" Tumakbo ako agad palapit para daluhan at yakapin siya.

Awang awa ako sa kanya at sobrang sakit talagang makita siyang takot na takot kaya pinilit kong ibigay ang comfort na kailangan niya. Gusto kong iparamdam na walang mangyayaring masama habang kasama niya ako.

SAVANNAH'S HEARTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon