CHAPTER 5

6.3K 107 14
                                    


Gunshots

"Saaavaaaannaaaaaah!" Isang malakas na sigaw na gumising sa akin.

Namulat akong nakatali na ulit sa silya. Kung hindi ako nagkakamali ay hapon na naman, at hinang hina na ako. Dito na yata ako mamamatay.

Isinasarado na ni Raffy ang gate na medyo nakaawang kanina at lumapit siya sa akin pagkatapos.

"Look, baby", inangat niya ang isang dyaryo. "Your beloved parents are now looking for you", tumawa siya ng matinis. Parang demonyong nasa kaanyuan ng nakakatakot na clown.

I hate clowns!

Miss na miss ko na sina Mommy at Daddy. Si Demet, si Kisha, ang ibang office mates ko at si Bryden. Ang dami kong kailangang gawin sa office. Ang tigas na ng buhok ko at pakiramdam ko tutubuan na ako tagihawat dito.

Ang hikbi ko ay muling naging hagulgol sa dami ng mga naiisip ko.

"Mahal ko, here we go again", sabi ni Raffy at pinaglaruan ang manggas ng blouse ko. "Palagi ka na lang bang iiyak? Gusto mo ba paligayahin na kita?"

Hindi ko na alam ang gagawin ko. Hindi ko na alam ang sasabihin ko, ayoko na! Ayoko nang magsalita, magpumiglas o kung ano pa man. Kung mamamatay ako rito, wala na akong ibang magagawa kundi tanggapin iyon.

Umupo siya sa silyang nasa harapan ko at tinitigan niya lang ako ng hindi ko alam kung ilang oras. Dumilim na naman sa labas at tanging dilaw na bombilya lang ang nagbibigay liwanag.

"Bossing, pasensya na kung hindi na naman kayo natuloy ngayon. Pahirapan talaga itakas ang sasakyan niyo, baka malaman ho ng daddy niyo, kaya heto ho."

Hinanap ko ang boses kung saan nanggaling at mula sa likuran ko ay lumakad ang isang lalaki palapit kay Raffy.

"Ito na po ang ticket, mamayang alas dos ng madaling araw ang alis niyo", inabot nito iyon sa kanya.

"Sige, ayusin mo na lahat ng gamit namin", seryosong utos naman niya at saka umalis ang lalaki sa harapan namin.

"Raffy, patayin mo na 'ko", halos pabulong kong sabi.

Kumunot naman ang noo niya at humangos.

"Ano?" Kinulong niya ang mukha ko sa mga palad niya. "Kung gusto kong patayin ka, pwes, papatayin kita sa sarap! Okay, sige huwag na nating patagalin ito. Ibibigay ko ang kahilingan mo."

Takot na takot ako sa kanya, pero hindi na ako natatakot mamatay. Ubos na rin ang lakas ko para magpumiglas pa o sumigaw. Ubos na ang mga luha ko at gusto ko na lang mamahinga. Hindi na ako makakatagal na kasama siya.

Kinalagan niya ako at ihiniga sa malamig na semento. Hinalik-halikan niya ang mga labi ko, tainga at leeg habang mahigpit niyang hawak ang mga kamay ko.

Mom, Dad, I'm sorry for all the headaches I've put you through. For all my bad deeds. For all the hurt. Sana huwag kayong masyadong mahirapan sa pagkawala ko. Mahal na mahal ko po kayo.

Demet, I'm so sorry for being stubborn. You're the best, best friend ever. You've been a kuya, a tatay, a tito and a nobyo to me. I love you very much. Thank you for everything.

Tito, Tita, thank you for being my second parents. I love you, guys, as much as I love Mommy and Daddy.

Bryden, my love...

Binubuksan ni Raffy ang mga butones ng blouse ko, nang biglang kumalabog ng malakas ang gate. Paulit ulit na kalabog.

"Joriz!" Sigaw ni Raffy at lumapit ang lalaking utusan niya. "Akala ko ba pinatay mo na si Bong, bakit natunton pa tayo ng mga taong 'yan?! O baka ikaw ang nagturo sa mga pulis?! Putang ina niyo mga wala kayong silbi! Buksan mo 'yung pinto sa taas putang ina ka!"

SAVANNAH'S HEARTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon