CHAPTER 17

4.2K 85 4
                                    

Into The Woods

Nang paahon na ako ay namatahan ko si Bryden na nakikipag-picture sa mga nakakakilala sa kanya at napangiti ako. Hindi siya tulad ng ibang sikat na hindi makikihalubilo sa hindi nila kapwa. Sa pampang naman ay naroon sina Demet, Kisha at ilan pa. Lumapit ako sa kanila.

"Hi, Kish! Tapos ka ng mag swimming?" Tanong ko habang pinipiga ang buhok.

"Mamaya na lang, sobrang ginaw eh", nakangiwi niya namang sagot.

"Wow, Vannah! Nakita kitang lumalangoy kanina", sabi ni Yssa habang nanginginig na balot ng tuwalya. "Grabe ang galing mo palang sumisid!"

Ngumiti lang ako.

"Mas magaling akong sumisid", sabat naman ni Demet bago tumingin sa akin. "Di'ba, Vannah?" Kumindat siya at ngumisi ng may kahulugan.

Leche! Gago talaga!

Nagtiim-bagang ako habang tinitingnan siya ng matalim.


Nagmistulang survivor series ang hapon nang sabihin ni Ritch na hahatiin kami sa tatlong team at kailangan naming pasukin ang masukal na gubat para makahanap ng pagkain at dapat ay makabalik kami bago mag alas cinco. May naghihintay daw na surpresa sa kung sinumang mauuna. Ang iba ay natakot, may ilan namang natuwa at na-excite. Ako? Okay lang.

Inis na inis ako nang malamang magkahiwalay kami ng team ni Bryden. Nasa Team Yssa siya at ako naman ay nasa Team Jewel. Team Demet naman sina Kisha at iba pa. Napaka masiyahin at competitive naman ni Bryden, game na game siya s kahit ano, nakakatuwa.

Sinabihan niya akong mag-ingat at huwag lalayo sa mga team mates ko. Ganon din naman ang binilin ko sa kanya bago kami maghiwalay ng landas.

"Guys, huwag kayong magmadali", ani Jewel habang binabagtas namin ang kagubatan. "Take your time sa paghahanap ng foods!"

"Paanong hindi magmamadali eh papadilim na", sabi naman ni Mellow, ang isa naming office mate.

"O.A. Teh ah! 3:30 pa lang kaya!" Sabi naman ng bading at nagpatuloy kami sa paglalakad.

Kung alam ko lang na ganito, sana nag long pants ako. Bwisit 'tong si Demet hindi man lang ako sinabihan! Naiirita na rin ako sa mga sandburs na dumidikit sa medyas ko eh, maya't maya kailangan kong tanggalin! Ugh! I hate it!

"Ayuuuuun! May mga nalaglag na buko!" Sigaw ni Mellow kaya lumapit kami sa banda niya.

Tinulungan namin siyang pulutin ang ilang pirasong buko at isinilid sa plastic bag.

"Nice! We will make it, guys! Ang saya sayaaa!" Nagkekendeng naman ang aming team leader.

"Dada, look oh!" Tinuro ng thirteen years old na anak na babae ni Jewel ang isang puno ng kaimito.

Marami itong bunga ngunit matataas.

"Aaaay! Winner ang baby girl ko!" Sigaw ni Jewel at lumapit kami sa puno.

Nakahanap ako sa di kalayuan ng isang mahabang kawayan. Dinampot ko iyon at ginamit panungkit. Nakaabang sila sa bawat mahuhulog dahil malalambot ang bunga at nabibiyak kapag bumagsak sa lupa. Medyo marami kaming nakuha kaya naglakad kami ulit para maghanap pa ng iba.

Tiningnan ko ang relo ko at 4:00 na. Hindi ko iyon sinabi sa kanila para walang mataranta. Medyo malamok dito sa gubat pero siguro naman walang dalang sakit ang mga ito, sadyang masasakit lang mangagat.

Kumusta kaya si Bryden my love ko? Marami na kaya silang nahanap na pagkain? Sana okay lang siya.

Medyo maputik din sa dinadaanan namin kaya panay ang paalala ni Jewel na mag-ingat. Syempre kahit hindi niya naman sabihin, iingatan ko talaga ang sarili ko!

SAVANNAH'S HEARTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon