CHAPTER 38

5.7K 120 28
                                        

Whole

Muli siyang tumayo sa harapan ko at tumore sa akin. Matapang kong sinuklian ang mga titig niya. Hinaplos niya ang pisngi ko at hinayaan ko siyang gawin iyon. Nagulila ako sa mainit niyang palad na dumadampi sa balat ko, matagal na panahon. Marahan iyong gumapang sa balikat ko, sa braso, papunta sa tiyan ko. Hinaplos niya ang maliit na umbok dito habang tinititigan.

"Magpakasal na tayo", bigla niyang sabi sabay tingin sa akin.

Tiningnan ko rin siya at pilit binasa kung seryoso ba siya sa sinabi niya, ngunit tanging lungkot lang ang nakita ko sa mga mata niya.

"Demet, may asawa ka na", malamig ko namang sagot habang humihikbi pa.

"Wala nga akong asawa, Vannah, hindi ko asawa si Marié-"

"Eh ano?!" Nabasag ang boses ko at tumalas ang tingin. "Parausan?! Ang laki na ng anak niyo tapos parausan lang ang tingin mo sa kanya?! Napakawalang kwenta mo!"

Umiling siya at muling hinawakan ang mga balikat ko. "Vannah, please, makinig ka-"

"Mommy?"

Napasinghap ako sabay lingon sa arko. Ang anak ko, nagkukusot ng mata.

Shit! Mabuti na lang at hindi ang eksena kanina ang naabutan niya!

"Fo-Fourth, anak!" Pinalis ko ng kamay ang luha ko.

Nagtama ang mga mata nila ni Demet at ito na nga ang pinakakinatatakutan ko.

"Hi, Fourth", mahinang bati niya rito.

Humakbang ang bata at sa halip na sa akin ay kay Demet ito lumapit at saka inunat ang mga kamay para magpakarga.

"Daddy..." malambing nitong sabi at yumakap sa kanya.

Parang sasabog ang ulo ko sa sinambit ng anak ko. Bakit niya tinawag na daddy si Demet?

"Fourth", sinubukan ko itong kunin mula kay Demet pero muli itong nagsalita.

"Daddy, Mommy, are you two fighting?" Tanong nito sabay hilig sa dibdib ni Demet.

"No, anak, we're just talking about something important", tugon naman niya at hinaplos ang pisngi ng bata.

'anak'?

"Why Mommy's crying?"

Hindi na ako makapagsalita. Pilit ko na lang pinahihinto ang mga mata ko sa pagbuhos ng mga luha pero sadyang ayaw nitong tumigil.

"It's... tears of joy. She's crying of too much happiness, because I'm already here. Did you miss me?"

Kumunot na naman ang noo ko. Ano bang nangyayari?

"Yes, Daddy. Did you miss me too?" Ngumiti ang anak ko na para bang gusto nitong makipaglaro sa kanya.

"Of course, Baby. I missed you and Mommy", hinalikan niya ito sa noo bago humalik din sa noo ko.

Kahit nalilito ay ang saya saya ko ngayon. Nandito siya para sa amin. Ang sarap ng pakiramdam na para talaga kaming buo na akala mo'y walang lamat ang relasyon namin.

Naglakad si Demet at sinundan ko siya. Pumunta siya sa kuwarto ni Fourth at inilapag ito sa kama at saka tinabihan.

"Matulog ka na, anak, it's late", malambing niyang sabi at tinapik ang pigi nito. "Bukas maglalaro tayo, okay?"

"Daddy, sing for me", nakangusong pakiusap naman nito sabay yakap sa kanya.

Nakasandal lang ako sa gilid ng pinto at masaya silang pinagmamasdan habang lumuluha pa rin. Para bang ang tagal na nilang magkakilala at iyon ang dahilan kung bakit maraming tanong sa isipan ko.

SAVANNAH'S HEARTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon