CHAPTER 16

4.5K 91 8
                                        

Fifty Fifty

SAVANNAH:

Matapos isarado ang pinto ay nagmadali akong bumaba sa carpark kung saan naghihintay si Demet.

"Anong nangyari sa'yo?!" Gulat kong tanong pagsakay ko ng kotse.

Mukha kasi siyang hindi natulog. Sobrang pungay at namumugto ang mga mata niya. Mukha siyang pagod na pagod at maraming maliliit na galos sa kamao niyang nasa manibela.

"Where did you get that?!" Kukunin ko sana ang kamay niya pero mabilis niyang iniwas iyon.

"Wala", sagot niya namang hindi ako nililingon.

Pinaandar niya ang makina, at saka ko lang naisip na lapitan siya para amuyin.

"Amoy alak ka!" Mariin kong puna. "Magta-taxi na lang ako, hindi ako sasabay sa'yo na lasing ka, Demet! Kung gusto mong magpakamatay, huwag mo akong idamay!" Sabi ko sa sobrang inis.

Huminga ako ng bayolente. Siya naman ay nanahimik lang, at hindi nagtagal at inunlock ang pinto.

Hindi niya ba ako pipigilan?!

Pagbaba ko ng kotse ay tumanga pa ako sa gilid noon, sa pag aakalang bababaan niya ako ng bintana at aaluking sumakay ulit, pero hindi. Agad siyang nagmaneho paalis. Kainis!

Nag-taxi lang tuloy ako papunta sa trabaho at hindi ko siya inimik doon. Nang magtanghalian naman ay inaya niya akong kumain, na para bang walang nangyari nang umaga. Okay na ang lahat kaya hindi ko na siya kinulit pa.



Naging abala kami sa mga unang buwan dahil sa pag-aayos ng mga papeles para sa kasal namin. We had also attended pre-marriage counseling and family planning seminars.

"Kisha, samahan mo naman kami ni Demet. Fitting namin today eh", anyaya ko. "Please, ang bait bait mo talagang pinsan, I love you, Kish! Mmuah! Daanan ka namin huh, 9:00. Bye!"

Hindi ko na siya pinagsalita pa at binaba ko na ang cellphone ko dahil baka tumanggi pa siya.

Hindi ko alam kung bakit kailangan pang mag fitting ng lalaki eh ang dali dali lang naman maghanap ng size nila. Small, medium, large lang naman, hindi tulad sa babae na kailangang detalyado ang bawat sukat.

Pagkatapos ko ay si Demet naman ang sinukatan, kaya nagpaalam muna akong iikot lang kami ni Kisha saglit sa malaking boutique na ito at babalik din agad.

"Ganyan 'yung sa'yo di'ba?" Tanong ni Kisha habang tinitingnan ang gown na kapareho nga ng napili ko.

Isang puting flowing gown na may kapa, kung saan magmumukha akong greek goddess.

"Yup, ang ganda 'no?" Sabi ko naman at tumitig din doon.

"Oo, siguradong hindi ka patutulugin ni Trius sa unang gabi niyo", pilyo niyang sagot.

"Duh, para naman iyon ang unang beses na magtatabi kami!" Sabi ko naman sabay irap.

"Kahit na. Tingin niya pa lang sa'yo eh. Buti hindi mo siya nahuhuling tumutulo ang laway?" Biro niyang ikinatawa ko rin.

Malapit sa pinto ay narinig namin ang tilian ng ilang babae na parang kinukurot ang mga tinggil.

"Problema ng mga 'yon?" Kunot noong tanong ni Kisha at kibit balikat lang ang isinagot ko.

"Savannah?"

Kahit lumakas ang tilian ay narinig ko pa rin ang tumawag sa pangalan ko. Nilingon ko naman agad iyon.

SAVANNAH'S HEARTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon