SAVANNAH:
Kinailangan kong pabalikin si Mara para magsilbi ulit bilang kasambahay ko. Gulat na gulat siya nang makitang nandito si Demet. Tawa kami ng tawa sa reaksyon niyang hindi makapaniwala sa kuwento ng pag-iibigan namin.
Nang bumalik naman sina Tomi rito sa Pilipinas ay kinita namin siya para magpasalamat. Kundi dahil sa tulong niya, baka hindi ko na ulit naramdaman ang ganitong saya. Sinabi rin namin sa kanyang aalis na kami sa apartment na pagmamay-ari pala niya, dahil lilipat na kami sa bahay namin.
Kinailangan ko ring i-transfer ng school si Fourth dahil masyadong malayo iyon sa dati niyang pinapasukan.
Hindi na rin pinatagal pa ni Demet at nagpakasal na kami sa korte. Ilang witnesses lang ang naroon kabilang sina Tomi at ang asawa niya, ang doktor ko at si Mara. Lihim muna ito maging kay Kisha at sa kanya-kanya naming pamilya.
Nagising ako at napatingin sa wall clock. Alas dos ng madaling araw.
"Kuya Toto, what's that?" Tanong kong maasim ang mukha nang makita siyang may kinakaing nakakadiri.
Hindi iyon tipikal na nilagang itlog dahil may kung anong itim sa loob noon.
"It is called 'balut'. It is baby chicken inside the egg!" Paliwanag naman niya habang tinuturo ang sisiw. "You want to try, bibi? It's yummy delicious! When you eat this, you will be wonder woman because your bones strong!"
Inabot niya sa akin ang balut at dahil bata pa ako ay nauto niya ako. Tinikman ko ang sabaw noon at nagustuhan ko pero nang makita ko na ng buo ang sisiw ay nasuka ako. Hinagod ng matanda ang likod ko at pinainom ako ng tubig. Diring diri talaga ako pero hinanap-hanap ko ang lasa noon, kaya madalas akong tumambay sa gillage kasama ang mga nakatira roon hanggang sa natutunan ko na ring kainin 'yung sisiw.
"Hon", inugoy ko ang balikat ng asawa kong nakatalikod sa akin. "Honey, wake up."
"Mmmm", tugon niya lang at pumihit paharap.
"Gusto ko ng balut."
Dahan-dahan niyang iminulat ang mga mata niya at tumingin sa akin.
"Sarado pa ang department store, Hon", sagot niyang ikinatawa ko.
"Anong department store?"
"Ano ba kasing babalutin mo? Si Mara na lang ang utusan mo bukas", inis niyang sabi.
"Honey, hindi balot. Balut, 'yung pagkain!" Giit ko naman at nilakasan ang pag-ugoy bago pa siya muling makatulog. "Demet, sige naaaa! Gusto kong kumain ng baluuuut!"
Sumabay siya sa pagbangon ko at nagkusot ng mata.
"Saan ba 'yon nabibili?" Tanong niya.
"Kila Aling Ponyang, doon sa gillage", excited ko namang tugon.
"WHAT?! Seriously, Savannah?! 2AM gusto mong pumunta sa gillage?! Ang daming tarantado roon eh! Gusto mo bang makapatay ako?!" Impit niyang bulyaw.
"Patay agad?" Biro ko naman. "Hon, mababait sila, I swear! Sige na please! Bibili lang naman tayo tapos uuwi na."
Tumayo na ako at nagbihis ng suot para wala na siyang magawa. Sumunod naman siya sa akin at ibinilin kay Mara ang pag-alis namin. Nagmaneho siya sa medyo masikip na daanan sa loob ng gilid ng village na tinitirhan namin dati, hanggang sa matunton namin ang hanap.
Pagbaba namin ay dinig ko agad ang bulungan ng mga tao sa gilid.
"Uy, mayaman, may kotse!"
"Oo nga, mukhang masarap holdapin!"
BINABASA MO ANG
SAVANNAH'S HEART
General Fiction"Dude, you don't understand me!" Mariing sabi ni Trius sa kaibigang si Theo habang nag-iinuman sila sa isang bar. "It's not that I don't understand you, what I'm telling you is that, you guys have known each other for a long time! Malay niyo matutun...
