WARNING!
SPG|RAYOR
—Confused
Nag-shower ulit ako makalipas ang ilang minuto at nagsuot ako ng oversized na t-shirt at sweat pants. Paglabas ko ng banyo ay ibinaba ni Demet ang binabasa niyang libro at tumuon sa akin.
"Bakit ka naman nagdamit agad? I'm not done with you yet", sabi niya sabay ngisi.
Nagpantig ang tainga kaya agad akong napasugod sa kama. Sumampa ako at inagaw ang libro sa kanya at pinagsasapok siya gamit iyon.
"Gago ka talaga! Manyak ka!" Sigaw ko.
"Aray, aray!" Natatawa naman siyang ipinansasalag ang mga kamay laban sa pag-atake ko. "Tama na, marunong naman akong makuntento sa isang round, isang oras eh!"
Lalong kumulo ang dugo ko at sumampa naman ako sa ibabaw niya at saka siya muling pinagsasapok.
"Tarantado ka! Dinala mo ba ako rito para lang doon?! Para ulitin ang nagawa nating pagkakamali?!"
Natigilan ako nang mahawakan niya ang mga palapulsuhan ko at tila naging seryoso ang mukha niya. Tumingin siya sa mga mata ko na para bang kinukuwestiyon ako.
"Pagkakamali pa rin bang maituturing ito, Vannah? Hindi ka naman lasing ah? May malay ka at alam mo ang lahat ng mga nangyari mula sa umpisa hanggang matapos! You embraced the whole thing!" Medyo tumaas ang boses niya at tila nagsisimula na siyang magalit. "Ginusto mo rin ito, ni hindi ka nagpakita ng kahit katiting na pagtutol! Hanggang ngayon ba iiwas at iiwas ka pa rin at ako na lang lagi ang sisisihin mo na para bang ako na lang ang nakikita mong mali?! Bakit hindi mo tanggapin sa sarili mo?" He tilted his head as he frowned. "Na sa pangalawang beses, bumigay ka sa akin at bumigay ka nang walang pag-aalinlangan!"
Napasinghap ako at natulala. Napagkuwan ay umalis ako sa ibabaw niya at naupo na lang sa sofa na di rin kalayuan sa kama. Hindi na ako nakipagtalo dahil alam kong tama siya. I embraced the whole thing at naiinis ako sa sarili ko dahil nagustuhan ko iyon.
Napatalon ako nang tumunog ang cellphone ko. Kinuha ko iyon sa side table at nakita ang pangalan ni Bryden sa screen kaya agad kong sinagot.
"Hello..." Medyo malamig kong bungad.
["Hi, Vannah"], tugon niya naman sa napakakalmadong boses. ["Ilang araw ka nang hindi sumasagot sa texts at tawag ko. Nasaan ka ba?"]
"Huh?! Uhm..." nasaan ako? "Nandito lang naman. Sorry kung hindi ako nakaka-response. Medyo busy kasi sa trabaho at ngayon naman, masama ang pakiramdam ko."
["Ganon ba? Uh, can you open the door? Nandito ako sa labas."]
Bumilog ang mga mata at labi ko sa sinabi niya. Nasa labas siya ng unit ko?!
"Uh, Bryden, kasi..."
["I know you need someone to look after you. Kailangan mo ng mag aalaga habang may sakit ka, tutal hindi naman ako busy."]
Nakakarelax ang tono ng pananalita niyang punong puno ng pag aalala, pero sinampal ako ng ulirat ko at nagising sa realidad.
"Bryden, wala kasi ako sa unit ko. Nandito ako sa... sa bahay ng parents ko, at huwag kang mag alala, inaalagaan naman nila ako rito", nilingon ko saglit si Demet at nakita siyang umiiling sa kawalan.
![](https://img.wattpad.com/cover/139588382-288-k661537.jpg)
BINABASA MO ANG
SAVANNAH'S HEART
Ficción General"Dude, you don't understand me!" Mariing sabi ni Trius sa kaibigang si Theo habang nag-iinuman sila sa isang bar. "It's not that I don't understand you, what I'm telling you is that, you guys have known each other for a long time! Malay niyo matutun...