CHAPTER 37

5.1K 116 13
                                        

WARNING!
SPG|RAYOR

SAVANNAH!!!

"Mommyyyy! I'm hooome!" Tuwang tuwa si Fourth na pinuntahan ako sa kuwarto ko at niyakap.

"Hi Anak, how's school?" Malambing ko namang tanong.

"I got 3 stars in recitation, look!" Pinakita niya ang kamay niya kung saan siksikang nakatatak ang stars.

"Wow, ang talino naman ng baby ko!" Gigil ko siyang hinalikan at pinisil ang pisngi.

"Syempre, matalino ang daddy ko eh", tawa siya ng tawa matapos niyang sabihin iyon.

Hindi ko naiwasang magtaka. Kahit kailan ay wala pa siyang tinawag na 'daddy ko', kahit pa si Tomi.

Gustuhin ko mang magtanong ay hindi ko ginawa. Baka kasi gumulo lang ang isip ng anak ko at baka magsimula pa siya ng kung anu anong mga katanungan. Agad ko na lang siyang binihisan habang si Mara ay naghahanda naman ng meryenda.



Kahit tatlong buwan pa lang ang tiyan ko ay nagsusuot na ako ng maluluwang. Kinokontrol ko rin ang emosyon ko dahil nararamdaman ko na naman ang pagiging maselan ko. Minsan ay isinasama ko si Fourth kapag pumupunta ako sa clinic para magpa check-up. Nag-iisip pa ako ng idadahilan ko kay Tomi para umalis sa teatro. Naayos ko na rin naman ang mga papers namin ni Fourth para maglaylo muna sa Japan kung nasaan si Kisha.

"Sigurado ka na ba diyan? Pag-isipan mong mabuti, kundi dudukutin ko 'yang fallopian tube mo pagkatapos mong manganak!" Pabirong banta ng pinsan ko habang magka-FaceTime kami.

"Kish, okay na lahat ng papeles mukha pa ba akong hindi sigurado?"

"Mahihirapan ka, Vannah buti kung hindi ka buntis! Mahihirapan din si Fourth! Paano ang pag-aaral niya?!" Inis niyang sabi sabay irap.

"Isang taon lang naman siyang hihinto, saka advance naman siyang inenroll kaya okay lang 'yon. Hindi ko na alam ang gagawin ko eh", aburido ko namang sagot sabay sapo sa noo. "Paano kung malaman 'to ni Demet? Kukunin niya ang mga anak ko tapos ano? Titira ang mga bata kasama ang pamilya niya? Paano kung apihin sila roon? Ayoko, Kisha!"

Napapikit siya sabay kagat sa labi.

"Bakit ba kasi ayaw mong ipaalam sa kanya? Kahit pa may bago na siyang pamilya, magiging dalawa na ang anak niyo, may karapatan siya! At FYI lang huh! Nauna ka niyang anakan kaysa sa Marié na 'yon! Nanggigigil ako sa'yo!"

Halos ibato niya ang cellphone niya sa inis habang ako ay tumataas na rin ang presyon.

"Kisha, kasal sila, anong laban ko?! Tang ina naman ikaw ang hindi nag-iisip diyan eh!" Singhal ko.

"Ah ganon?" Tinapunan niya ako ng mapagmataas na tingin. "Okay. I gotta go. Text ka na lang pag nasa Haneda Airport na kayo. Good luck, sana makaalis kayo", malamig niyang sabi at saka pinutol ang conversation.

Bumagsak ang mga balikat ko at nabalot na naman ng pagkalito. Aalis ba kami o hindi? Sasabihin ko ba kay Demet ang lahat o hindi? Haaay natatakot lang naman akong mawalay sa'kin ang mga anak ko!



"Vannah, you wanna eat something?" Tanong ni Tomi pagkatapos kong mag-perform.

"Red velvet!" Mabilis ko namang tugon.

"Hindi ba masyadong matamis iyon? Masisira ang boses mo."

Bigla na lang sumama ang pinta ng mukha ko. Nakakainis, bakit ba mas marunong pa siya sa akin?!

"I'm just kidding", bawi niya naman na tila nakahalata. "Halika na, baka magsarado ang cafeteria!"

SAVANNAH'S HEARTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon