Forgetting The Unforgettable
Ilang na ilang akong kausapin si Demet nang makasakay kami ng kotse. Parang gusto kong lumubog sa kinauupuan ko. Hindi ako makatingin sa kanya dahil sa nagawa ko kanina, kaya inabala ko na lang ang sarili ko sa pagbabalat ng labi.
"Hoy, Pusa", aniya at binuksan ang radyo bago paandarin ang kotse. "Anong problema mo?"
Napalingon naman ako at sinubukang tumingin sa mata niya. "H-huh?"
"Kanina mo pa ako hindi iniimik. Hindi naman na ako galit eh. At saka huwag kang mag-alala, hindi ako magsasampa ng kaso laban sa'yo, dahil sa ginawa mong pangha-harass sa akin."
What?! Agad kumunot ang noo ko at dinapuan ng inis. Nagsisimula na naman siya!
"Hoy, gago! Wala akong ibang intensyon kundi pakalmahin ka! Effective naman di'ba?! Kaso huli na, nasira mo na lahat ng gamit sa office mo, pati ang laptop mo!" Paliwanag ko at humalukipkip na nagtitiim-bagang. "Kung hindi nga kita hinalikan baka pati ako napatay mo na eh!" Dugtong ko pa at tumingin sa kalsada.
"Hindi ko gagawin iyon 'no! Mahal kita eh!" Napapreno siya bigla at nag-iwas ng tingin. "Kasi di'ba, best friends tayo."
Mabuti naman at nilinaw niya dahil kung hindi ay bababa na ako ng sasakyan na 'to!
"Pero, Vannah..." sambit niya at muling nagmaneho.
Nilingon ko naman siya para hintayin ang susunod niyang sasabihin. May nagtatagong ngiti sa kabilang sulok ng labi niya.
"Saan mo nga pala natutunan iyon?" Tanong niya habang pasulyap-sulyap sa akin.
"Ang?"
"Ang humalik ng ganoon. Ang galing mo ah?" Ngumisi siya ng pauyam sabay hagikgik.
Shit naman! Upuan, lamunin mo na ako!
Hinawakan ko ang mukha ko para hindi niya makita kung namumula man, at kinagat labi ko habang nag-iisip ng isasagot.
"S-sa... sa mga... m-movies... love stories... romance, duh!"
"Ah, okay", sagot niya at nabalot na kami ng katahimikan.
Thank God!
"Kung sabagay", muli na naman siyang nagsalita. "May experience ka naman na roon eh, naalala mo ba, first kiss natin ang isa't isa? Hay grabe, hindi ko man lang naranasan ang smack sa'yo. French kiss agad!"
Napasinghap ako at lumuwa ang mga mata. Alam ko kung ano'ng sinasabi niya at hindi niya na dapat naaalala pa iyon! Kumakarera tuloy ang puso ko.
"Hi-hindi ko... kino-consider na f-first kiss ko 'yon 'no! Grade two pa lang ako noon at ikaw naman, first year high school! Pinagloloko mo ako noon kaya ako pumayag!" Medyo dumiin ang pagsasalita ko.
Kung gugustuhin lang ng katawan kong magpadala sa pagtalon ng puso ko ay siguradong tumatalbog na ako sa kinauupuan ko at umuuntog sa bubong.
"Oh, oh, chill!" Sabi niya naman at tumawa. "Sinunod lang naman kita. Sabi mo gayahin natin 'yung ginawa noong nasa TV, doon sa pinanunuod ni Yaya—"
"Ikaw ang mas nakatatanda! Ikaw ang nakakaalam ng tama at mali, Demet!" Sumimangot ako at humilig na lang sa bintana habang siya ay mapang-asar pa ring tumatawa.
"Nagustuhan mo naman di'ba? Kaya nga hindi ka nakapasok noon sa school eh, you told me you want to do that all day—"
"Fuck you!" Sisipain ko sana siya kaso nag-alala akong masyadong matulis ang takong ng sapatos ko ngayon, so I just raised my middle finger right up at his face.
BINABASA MO ANG
SAVANNAH'S HEART
Ficção Geral"Dude, you don't understand me!" Mariing sabi ni Trius sa kaibigang si Theo habang nag-iinuman sila sa isang bar. "It's not that I don't understand you, what I'm telling you is that, you guys have known each other for a long time! Malay niyo matutun...