CHAPTER 21

4.4K 90 1
                                    

I Love You

SAVANNAH:

"Demet?" Tawag ko nang makarating sa living room, na hawak sa dibdib ang nakabalot na kumot.

"Oh my God! Oh my... Sorry, guys, for interrupting!" Hiyang hiyang nag-iwas ng tingin si Devon sa akin. "I... guess I should go."

Oh my God! Akala ko naman kasi kung sinong babae!

"Dev, no!" Agap ko naman. "It's okay, uhm—"

"Dito ka na mag-lunch", putol ni Demet sa pangungusap ko at hinila ako pabalik sa kwarto.

"Demet, nakakahiya, huwag na nating ituloy!" Sabi ko at dinampot ang mga damit ko.

"Alright", tipid niya namang pagsang-ayon at nagbihis na rin. "We still have an unfinished business", he said and gestured 'I'm watching you'.

Magkasunod lang kaming lumabas ng kwarto para balikan si Devon.

"Kuya, I've brought you some spices from UK! Sorry, ngayon ko lang naalala", sabi nito habang inaabot ang supot kay Demet.

"Thanks! Sinong naghatid sa'yo?" Tanong naman niya at kinuha ang supot at saka dinala saglit sa kusina.

"Si Kuya Ariel", she smiled. "Pero bukas wala silang lahat. Si Daddy kasi pupuntang Antipolo. Si Mommy pupuntang Parañaque. Pwede bang ikaw ang mag-drive para sa akin?"

Umupo ako sa tabi nito, at saka binuksan ang TV para roon tumuon.

"Saan ka pupunta?" Tanong ni Demet at umupo naman sa tabi ko.

"Magkikita kami ng Best Man mo."

"NO!" Biglang angil niya na ikinagulat ko dahil sa tainga ko siya sumigaw.

Muntik pa akong mapamura.

"Why not?! Kuya, magkakape lang kami—"

"Alam ko na 'yang magkakape na 'yan, tumigil ka Devona Louisse!"

Pasimple lang akong nakikinig dahil wala ako sa mood makialam. Wala rin naman akong magagawa dahil hindi naman ako mananalo kay Demet pag si Devon ang pinag-uusapan.

"Wala naman kaming gagawing masama!"

"I said NO!"

Bumagsak ang mga balikat ni Devon sa pagsuko at ngumuso na lang siya. Nabalot kami ng katahimikan at di nagtagal ay tumunog ang cellphone niya

"Hello, Mommy?" Mahina niyang sambit. "Po?!"

Napalingon kami sa kanya at nakita siyang namumutla habang tulalang nanlalaki ang mga mata. Dahan-dahang ibinaba niya ang hawak mula sa tainga.

"What happened?!" Hangos naman ni Demet nang makita ang reaksyon niya. "Devon, ano ba?!"

"Dev", pinisil ko ang balikat niya at tila doon pa lang nanumbalik ang ulirat niya at saka tumingin sa amin.

"Kuya, si... si Daddy", hikbi niya at lumandas ang butil ng luha sa pisngi.

Mistulang piloto si Demet na pinalipad ang kotse patungong ospital kung saan isinugod si Tito Aio. Naabutan din namin doon si Daddy na siyang sumalubong sa amin.


"Dad!" I hugged him.

"Tito, what happened, where is he?!" Hangos ng dalawa.

Hindi na sumagot si Daddy at sinamahan na lang kami papasok sa kuwarto ni Tito Aio. Sinumpong daw siya ng sakit niya ayon naman kay Tita Divina. Maayos naman na raw ang lagay niya at kailangan lang magpahinga at manatili rito para ma-monitor. Bakas sa mukha ng magkapatid ang sobrang pag-aalala. Ilang minuto pa ay umalis na rin si Daddy dahil walang ibang kasama si Mommy sa bahay.

SAVANNAH'S HEARTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon