Performance
SAVANNAH:
Pinagbuksan ni Mara ang kumakatok sa pinto, si Tomi. Pinuntahan niya ako sa living room kung saan nag-aayos ako ng sarili ko sa harap ng tukador.
"Happy birthday", abot tainga ang ngiti niya nang batiin ako, at saka iniabot sa akin ang bugkos ng pulang rosas at mga tsokolate.
"Oh my God, thank you", tugon ko naman at niyakap siya.
"Pasensya ka na, hindi kita mabigyan ng off ngayon, kailangan ka kasi talaga sa theater dahil maraming mga manunuod ngayon eh, may kaibigan din akong inimbitahan."
"Okay lang, ano ka ba. At saka lalabas naman tayo pagkatapos kong mag-perform di'ba?" Tanong ko.
Kinuha ko ang bag ko at sinilip ang anak ko sa kwarto niya kung nakabihis na rin ba.
"Yup", ani Tomi at binuhat ang anak ko paglapit nito. "Hello, big boy!" Itinaas niya ito sa ere at agad ding inilapag. "Alright, go to yaya first."
"Yayaaaaaa!" Agad namang tumakbo ang bata palapit kay Mara.
"Ang bigat niya na", sabi ni Tomi sa akin. "Hindi ko maiwasang ikumpara ang timbang niya noong baby pa siya, at ngayon. Biruin mo, 5 years old pa lang siya pero pang 7 years old na yata ang bigat!"
Natawa ako at pinalo siya sa balikat. "Matakaw kasi eh. Pero ang mahalaga, hindi siya sakitin."
Nagkibit balikat lang siya at nakangiting inayos ang takas na buhok sa tainga ko.
Natuloy ang plano namin na magtrabaho ako sa teatro niya bilang performer tatlong buwan pa lang matapos akong manganak. Nakakatuwa dahil samu't sari ang mga nakakahalubilo ko. May bata, matanda, mga dalaga at binata. May mga kumakanta, sumasayaw, umaarte at kung anu-ano pa.
Madalas ako ang kumakanta sa backstage kapag may interpretation dance. Iba-iba rin ang konsepto kada gabi, at dumedepende rin sa panahon. Minsan naman ay kumakanta lang ako sa stage bilang solo performer o kaya'y may ka-duet.
Bumiyahe kaming apat papunta sa teatro. Lalabas kami pagkatapos kong kumanta kaya isinama na namin sina Fourth at Mara. Sabi ni Tomi ay marami raw mga manunuod ngayon at pupunta rin ang mga kaibigan niya kaya kailangan kong galingan. Gusto ko siyang maging proud, pati ang anak ko dahil ito ang unang pagkakataong mapapanuod ako nito sa entablado.
Nasa gitna na ako pero patay pa ang ilaw at madilim. Nags-snap ako ng daliri habang mabagal na nagpi-piano si Lyra.
Tuwing nire-rehearse namin ni Genesis ang kantang ito ay palaging pumapasok sa isip ko si Demet. Hindi ko akalaing hanggang ngayong dito mismo sa kinatatayuan ko ay nandito pa rin siya.
Nagsimula akong kumanta at nangibabaw ang malamig kong boses sa katahimikan ng buong lugar.
"I'd like to say we gave it a try... I'd like to blame it all on life. Maybe we just weren't right. But that's a lie. That's a lie..."
Unti unting nagliwanag ang spotlight na nakatutok sa akin.
"And we can deny it as much as we want. But in time, our feelings will show. 'Cause sooner or later, we'll wonder why we gave up. The truth is everyone knows..." Lumakad ako ng dahan-dahan papunta sa pinakaunahan. "Almost. Almost is never enough. So close to being in love", ipinikit ko ang mga mata ko at hinayaang makita ko si Demet sa likod ng mga ito. Inalala ko ang masasayang sandali naming dalawa at pinilit iwasan ang malulungkot. "If I would have known that you wanted me the way I wanted you. And maybe we wouldn't be two worlds apart, but right here in each other's arms. And we almost. We almost knew what love was. But almost is never enough."

BINABASA MO ANG
SAVANNAH'S HEART
General Fiction"Dude, you don't understand me!" Mariing sabi ni Trius sa kaibigang si Theo habang nag-iinuman sila sa isang bar. "It's not that I don't understand you, what I'm telling you is that, you guys have known each other for a long time! Malay niyo matutun...