CHAPTER 29

4K 116 14
                                        

Happily Never After

Kinabukasan ay nagsimula ako ng panibagong trabaho. Dinala ko ang mga gamit ko sa opisina ni Ritch na katabi lang ng kay Demet. Itinuro niya sa akin ang mga ginagawa niya. Mga projects, scheduling ng meeting ni Demet, mga updates at kung anu-ano pa.

Maya maya ay ipinatawag ako ni Demet at agad naman akong pumunta sa opisina niya. Bumungad sa akin ang medyo may kataasang patong ng mga folders sa mesa niya.

"Ibaba mo 'yan kay RJ at ipa-shred mo", utos niya.

"O-okay po."

Lumapit ako at tinantiya lang ang kaya kong dalhin, nang biglang pumasok si Red.

"Sir, ito na po", inabot nito ang isang clear book kay Demet.

Ako naman ay lalabas na sana pero pinigilan ako nito.

"Oy, oy, oy! Akin na 'yan, ako na!" Kinuha nito ang dala kong folders at wala akong nagawa kundi ibigay iyon. "Ikaw, tigas din ng ulo mo eh 'no! Sinabihan na ngang huwag gagawa ng mabigat na trabaho eh!" Anito at saka lumabas.

Lumapit naman ako para kunin ang natirang kaunting folders sa mesa.

"May sakit ka ba?" Tanong bigla ni Demet pagtalikod ko. "Bakit bawal kang gumawa ng mabibigat?"

"Wala po", sagot ko naman nang lumingon. "Medyo na-stress lang ako nitong mga nakaraan kaya... iyon."

Tumalikod na ako ngunit muling pumihit.

"Oo nga pala, Sir, pwede ba akong mag-leave sa Friday? May pupuntahan lang akong importante", paalam ko.

Tumayo naman siya ng tuwid at namulsa.

"Wala ka na bang ibang mas malupit-lupit pang dahilan? Pwede mo naman akong diretsuhin kung makikipagkita ka lang kay Bryden."

Umakyat ang lahat ng dugo ko sa ulo ko pero sa halip na magalit ay pinilit kong kumalma. Huminga ako ng malalim.

"Sir, hindi po. May lakad lang po talaga ako—"

"Hanggang ngayon ba naman, Vannah? Mag-isip ka naman ng maganda-gandang kasinungalingan. 'Yung madali namang paniwalaan."

Kusang tumulo ang mga luha mula sa mata ko at hindi ako nakapagpigil pa. Lumapit ako sa kanya at matapang siyang tiningala.

"Hindi ako makikipagkita kay Bryden dahil wala na nga kami! Akala ko ba matalino ka?! Bakit hindi ka nakakaintindi?! May lakad nga akong importante eh! Importante, Demet! Mas importante pa sa'yo o kahit sino rito sa mundo!"

Tila nagulat siya sa bigla kong paghagulgol. Sunud-sunod ang pagkurap niya habang hindi malaman ang sasabihin. Sa panghihina ay nabitiwan ko naman ang mga folders at hindi ko agad iyon nadampot.

Schedule ng monthly check-up ko sa araw iyon at hindi ko pwedeng ipagpaliban. Kung bakit ba kasi naging maselan ang pagbubuntis ko.

"Uh... sorry... I'm sorry, Ms. Ledesma", aniyang ibinalik ang pormalidad sa pagitan namin. "Sige. Pinapayagan na kita. Pero sa Thursday, kailangan mong mag-overtime."

Pinalis ko naman ang luha ko at tumahan.

"Okay... pasensya na po, Sir", sabi ko na lang at saka dinampot ang mga folders at lumabas.



"Siraulo ka ba? Eh kung mapagod ka ng husto?!" Iritadong sabi ni Kisha nang sabihin kong mag o-overtime ako ngayon.

"Isang gabi lang naman, Kish. Hindi na ako papayag kapag tinanong niya pa ulit ako", sagot ko naman. "Oh sige na, aakyat na ako, mag-ingat ka pag-uwi!"

SAVANNAH'S HEARTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon