CHAPTER 31

4.1K 111 14
                                    

Farewell

Naisipan kong ipagluto ng almusal si Demet ngayon. Next week kasi ay aalis na ako at hindi ko na siya makikita pa.

"Sir, para sa inyo po", sabi kong nakangiti at iniabot sa kanya ang maliit na container.

Binuksan niya iyon, kasabay ng pagbukas ng pinto dahil pumasok si Mike.

"Sir, ito na po 'yung report", anito at inilapag ang folder.

Tinitigan naman ni Demet ang luto ko.

"Ano 'to?" Kunot noo niyang tanong.

"Hotdogs", tipid ko namang sagot.

"Ngayon lang ako nakakita ng kulay itim na hotdog", aniyang nang-iinis. "Safe ba itong kainin?"

Nangilid ang luha sa mga mata ko. Kung ayaw niya, sabihin niya na lang! Ang arte arte niya!

"Sir, hindi 'yan itim na hotdog. Sunog lang talaga 'yan", gatong naman ni Mike at humalakhak pa bago tumingin sa akin. "Pero alam niyo, Sir, ang swerte niyo! Kasi may nagluluto ng pagkain para sa inyo. Ako, mula nang mamatay ang mama ko wala nang nagluluto para sa akin eh. Kaya kung si Vannah, magluluto para sa akin, aba! Maa-appreciate ko talaga kahit mukha pang uling 'yan!" Dagdag niya pa at muling tumawa.

Alam kong may ipinahihiwatig si Mike at hindi lang basta inaasar ako. Naiiyak naman ako dahil mukhang diring diri si Demet sa luto ko.

"Kung ayaw niyo niyan, Sir, akin na lang!" Sabi ni Mike at akmang kukunin na ang container pero mabilis niya iyong iniwas at saka tumingin dito ng masama.

"Sir, okay lang po kung ayaw niyo", tumigil ako sa pagsasalita nang mapahikbi. "Akin na po, itatapon ko na lang", kinuha ko ang container pero binawi niya agad.

"No! Binigay mo na ito sa akin kaya akin na ito. Kakainin ko 'to", seryoso niya namang sabi.

Kahit paano ay may kaunting tuwang namuo sa puso ko. Kakainin niya ang luto ko kahit sunog. Hindi ko naman kasi sinasadya iyon eh. Nagbabasa lang ako ng aklat tungkol sa pregnancy, tapos nakaligtaan kong may niluluto pala ako.


Nang mag lunch time ay bumaba ako sa pantry para kumain kasabay nina Kisha at ng iba pa. Siguradong kumakain na rin si Demet kasabay ang girlfriend niya sa restaurant.

"Hoy, ituro mo sa amin kung saan ka lilipat huh para madalaw ka namin", ani Yandell.

"Oo naman", ngiti ko. "Salamat sa inyo, guys. Mahal na mahal ko kayo..."

"Suuuus mahal ka rin namin, Vannah!" Ngumuso si Yssa. "Ingatan mo ang sarili mo huh, baka saka na lang kami dumalaw kapag nakapanganak ka na."

"Oo. Okay lang iyon, thank you talaga!"

"Sana kamukha mo ang baby", ani Kisha.

"Paano pag kamukha ni Sir Trius?" Tanong naman ni Gudaiva.

"Keri lang 'no! Gwapo kaya ni Sir Trius!" Irap naman ni Jewel.

Natatawa lang ako sa kanila. Hindi na siguro mahalaga kung sino ang kamukha sa aming dalawa. Ang importante ay malusog ang bata.

Matapos ang break time ay bumalik na ako sa office. Naabutan kong patay pa ang ilaw, ibig sabihin ay wala pang tao sa loob. Pagpasok ko ay ako na ang nagbukas ng mga ilaw. Nadaanan ko ang trash bin at nakita ko roon ang niluto kong hotdogs.

Napaluha ako ng di oras nang bigla na lang akong masaktan ng sobra. I hate this part of pregnancy, being too emotional!

Sabi niya kakainin niya raw pero tinapon niya lang? Nakakainis siya!

SAVANNAH'S HEARTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon