Intermittent Explosive Disorder
SAVANNAH:
Tulala kong dinadama ang kalasingan habang solo ang isang bilog na mesa sa gilid ng pool. Nahihilo na ako at medyo inaantok na. Ito na yata ang pinakamalungkot na birthday celebration ng pinsan ko or maybe just for me because I'm just really damn sad.
"Huy!"
"Fuck you, bitch!" Gulat na gulat kong reaksyon nang bigla na lang siyang sumulpot sa tabi ko. "Don't you fucking do that again, Kisha, or else I will kill you!"
Pinukol ko siya ng matalim na titig habang siya naman ay humalakhak hanggang makaupo sa tabi ko.
"Eh masyado ka kasing seryoso diyan eh. Bryden na naman ba?" Patuya niyang tanong at sumimsim ng vodka mula sa baso ko.
Sumandal ako sa upuan, humalukipkip at nagtiim-bagang. Sapat nang tugon iyon sa tanong niya.
"Hay nako. Didn't I tell you so many times to forget about him? Inaaksaya mo ang oras mo kaiisip sa kanya. Inaaksaya mo ang pera mo sa kabibili ng mga magazines na covered ang hubad niyang katawan, samantalang hindi mo naman binabasa ang nilalaman noon!" Nagsimula na siyang magsermon kaya inihanda ko ang pambuwelta ko.
Huminga muna ako ng malalim bago nagsalita.
"Kisha—"
"At tigil-tigilan mo na 'yang kapupunta mo sa mga fashion shows at guestings niya huh, wala ka namang napapala eh!" Hindi pa siya nakuntento sa bibig niya, at sinabayan niya pa ito ng nakakainis na hand gestures. "Sinasabi ko sa'yo, Vannah, pakinggan mo ako, kundi tatanda kang dalaga! Kahit isa lang sana sa mga manliligaw mo ang pagbigyan mo! Nandiyan 'yung doktor, 'yung teacher, 'yung bank manager, 'yung anak ng mayor, o kahit 'yung nerdy Mama's boy lang!"
Natawa kami sa huli niyang binanggit, at saka ako sumimsim din ng vodka.
This Bryden Villa Alegre is my ultimate crush since college. He's a sizzling hot super model slash singer. Napakagwapo niya at talagang maganda ang boses kaya naman maraming babae ang nababaliw sa kanya at isa na ako roon. Halos lahat na yata ng klase ng pagpapapansin nagawa ko na, pero wala pa ring epekto sa kanya.
Noong nakaraang buwan lang, pumunta ako sa Baguio dahil may cover signing siya roon. Nawala pa nga 'yung isa sa mga magazines na dala ko eh, iniipon ko pa naman iyon.
Gustong gusto ko talaga siya, pero naaawa na ako sa sarili kong nagmumukhang tanga. Sino nga ba naman kasi ako? Isa lang naman akong hamak na tagahanga. Isa lang sa libo. Kaya naman kahit masakit at mahirap ay nagdesisyon na ako.
"Oo na. Kalilimutan ko na 'yang Bryden na 'yan", mahina kong sabi habang nakatanga sa basong nasa mesa. "Actually may pinaunlakan na nga akong date eh", dagdag ko pa, na ikinalaki ng mga mata ni Kisha.
"Oh my Gosh! Really?!" Halos pasukan ng lamok ang bibig niya sa laki ng awang, para bang isang himala sa kanya ang gagawin kong pakikipag-date. "Who's the lucky guy?!"
"Eh di 'yung anak ng mayor."
"Nice, marunong ka talagang pumili! Teka, si Trius wala pa ba?" Tanong niya at itinukod ang siko sa mesa habang salo ang kanyang ulo.
"Nasa office pa raw", sagot ko naman matapos basahin ang text nitong two hours ago pa.
Inubos ko ang natitirang laman ng baso at saka huminga ng mabigat.
"Office, alas dose ng hating gabi? Baka nasa kanlungan ng babae niya?" Aniya.
"Or baka 'yung babae ang nasa kanlungan niya?" Gatong ko naman at tumawa kami.
BINABASA MO ANG
SAVANNAH'S HEART
Fiksi Umum"Dude, you don't understand me!" Mariing sabi ni Trius sa kaibigang si Theo habang nag-iinuman sila sa isang bar. "It's not that I don't understand you, what I'm telling you is that, you guys have known each other for a long time! Malay niyo matutun...
