Setting Priorities
Tahimik akong umiiyak palabas ng village nang makarinig ako ng yapak na sumusunod sa akin pero wala akong pakialam kung mapahamak man ako ngayon, hindi ako natatakot.
"Vannah..." Mula sa likuran ay may yumakap sa akin at napahinto ako sa paglalakad. "Sandali lang."
Kumalas naman ako at pumihit para harapin si Demet. Malambot ang pagtingin niya sa akin na tila punong puno ng pagsamo.
"Alam mo?" Mariin kong tanong sabay palis ng luha. "Alam mo ang tungkol doon?"
"Uhm..." He pursed his lips as he looked away.
Tumangu-tango naman ako. Hindi ko na kailangang marinig pa, silence means yes.
"Kailan pa?" Tanong ko ulit.
"Listen, Vannah. Wala naman akong balak na—"
"SUMAGOT KA, DEMET!!!" Bulyaw ko sabay duro sa kanya.
Wala na akong pakialam kung nag-eeskandalo man ako. Wala namang dumadaang tao dahil malamang tulog na.
"Noong... noong pagka-graduate ko ng college."
Fuck! Ang tagal na!
Bumagsak ang mga balikat ko na parang natalo sa isang laban.
"You should've told me! Halos araw-araw tayong magkasama, Demet, bakit hindi ka nagsalita?!" Muling lumandas ang luha sa mga pisngi ko.
"Sinubukan naming sabihin. Naalala mo ba noong unang beses kang natulog sa unit ko noong pumunta silang apat kinabukasan? At noong gabing magdi-dinner sana tayo, noong... na-kidnap ka."
Hindi ko mawari ang gusto kong marinig. Hindi ako makuntento sa mga pinagsasabi niya kaya tinalikuran ko na ulit siya pero pinihit niya na naman ako.
"Ihahatid na kita, hintayin mo ako rito—"
"No, Demet, please hayaan mo ako."
"Savannah, hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag may nangyari na namang masama sa'yo!" Mariin niyang hinawakan ang mga balikat ko.
Huminga naman ako ng malalim at tumango bilang pagsang-ayon.
Buong biyahe ay wala kaming imik sa isa't isa. Hindi niya rin binuksan ang radyo at nang makarating naman sa condo ay hindi niya na ako hinatid sa mismong unit ko.
Tiningnan ko ang cellphone ko matapos sumalampak sa kama ko at binasa ang message ni Bryden.
Mi Amor:
'Hi, Savannah! Sorry if I didn't have time to call you, I was busy the whole day. Sobrang ganda rito sa Batangas, wish you were here with me.'
Napangiti ako pero hindi naman mawala ang kurot sa puso ko. Nagsisimula pa lang kami, nagkaganito na. Nagsisimula pa lang akong maging masaya. Nagsisimula pa lang mabuo ang pundasyon ng relasyon namin. Kahit minsan lang kaming magkasama, nakukuntento na ako sa mga simpleng sweet gestures niya. Sa pag-alalay niya tuwing naglalakad ako, sa pag-akay niya tuwing nakainom ako, sa paghahain niya tuwing kumakain kami, sa paghalik niya sa noo ko tuwing hinahatid niya ako. I couldn't ask for more.
Bigla namang tumunog iyon sa tawag ni Kisha, na agad ko ring sinagot.
["Drinks?"] Bungad niyang nagpangiti sa akin.
"You really know what I need, yeah?"
["Of course. Ako pa ba?"] Tumawa siya at saka ko pinatay ang tawag para kitain siya sa isang bar.
"Ano ngayon ang plano mo?" Nag-aalala niyang tanong habang magkatabi kami sa bar.
"Ewan ko, Kish", tugon ko naman habang pinaglalaruan ang baso sa kamay ko.

BINABASA MO ANG
SAVANNAH'S HEART
Fiksi Umum"Dude, you don't understand me!" Mariing sabi ni Trius sa kaibigang si Theo habang nag-iinuman sila sa isang bar. "It's not that I don't understand you, what I'm telling you is that, you guys have known each other for a long time! Malay niyo matutun...