Bothered
Abala ako sa computer ko habang nage-edit ng isang pahina ng magazine, nang biglang nag-vibrate ang cellphone kong nasa mesa. Isa na namang unregistered number ang tumatawag. Who is it this time?
"Hello, good afternoon!" Bungad ko nang sagutin iyon.
["Hi, Savannah. I miss you so much, can I see you? Can we talk?"]
Napaawang ang bibig ko at medyo nakaramdam ng takot nang mabosesan ko si Raffy, but I still asked to confirm.
["It's me, Raffy."] Sagot niya. Sinasabi ko na nga ba! ["Look, I'm so sorry for what happened last time. I can't go a day without looking at your pictures. Please, I need to see you!"]
"Raffy... Sorry, I'm busy."
Pinatay ko ang tawag at hindi na napakali sa upuan ko. Binabalatan ko ang labi ko na lagi kong ginagawa tuwing may bumabagabag sa isip ko. Hindi talaga maganda ang pakiramdam ko sa lalaking 'yon.
"Sino 'yon?" Tanong ni Kisha.
"Yung hayop na anak ng mayor", sagot ko naman at bumaling na lang ulit sa computer.
"Buti tinanggihan mo. Napakasama ng ugali noon!"
Hindi na lang ako sumagot pero hindi pa rin nawawala ang takot ko. Kahit boses niya lang o lalo pa siguro kung anino niya.
Hanggang sa bahay ay nagte-text pa rin si Raffy pero hindi ko nirereplyan.
+639...:
'Savannah, baby! Let me see you one last time, I'll do anything you want, please!'
Wala akong balak replyan siya dahil text ni Bryden ang hinihintay ko. Sinubukan ko na ring i-block siya pero iba-iba ang ginagamit niyang number. Ako na lang ang magpapalit bukas.
+639...:
'Baby, don't you feel lonely? Want me to come over?'
Huminga ako ng malalim matapos kilabutan sa huling text niya. Humiga na lang ako sa kama ko at nagtalukbong ng kumot.
Naalimpungatan ako sa continuous beep ng cellphone ko. Sa katamarang dumilat ay sinagot ko na lang iyon nang hindi na inaalam pa kung sino ang caller.
"Hmmm, hello", antok kong bungad.
["Oh, Savannah, I love that bedroom voice, you just turned me on..."]
Napabalikwas ako at nagising ng di oras ang diwa, at walang anu-ano ay pinatay ko ang power ng cellphone ko. Alam kong si Raffy iyon at wala ng iba. Sumilip ako sa bintana para tingnan kung may kakaiba ba sa baba o kung nandoon ba ang kotse niya, at mukhang wala naman.
Thank God!
Umupo akong tuliro sa kama ko. Ini-hang ko rin ang telepono ko para walang pumasok na tawag. Nagulat na lang ako nang bumukas ang pinto ng kwarto ko at pumasok siya.
Paanong...?!
Pinuwersa niya akong mahiga at saka niya ako pinaibabawan. Tinakpan niya ng palad ang bibig ko para hindi makalikha ng ingay at wala akong nagawa kundi umiyak habang marahas niyang tinatanggal ang suot ko.
"Raffy, no! Parang awa mo na!" Sigaw ko pero hindi siya natinag.
"Raffy!" Mas malakas ko pang sigaw.
Namalayan ko na lang ang sarili kong nakaupo at hinihingal.
Thank God, it was just a nightmare!

BINABASA MO ANG
SAVANNAH'S HEART
General Fiction"Dude, you don't understand me!" Mariing sabi ni Trius sa kaibigang si Theo habang nag-iinuman sila sa isang bar. "It's not that I don't understand you, what I'm telling you is that, you guys have known each other for a long time! Malay niyo matutun...