CHAPTER 4

5.7K 102 22
                                        


Obsessive, Possessive

"Baby..."

Tahimik ang paligid at tanging ang boses lang na iyon ang pumapasok sa tainga ko.

"Baby, are you awake?"

Mula sa pagkakayuko ay may nag angat ng ulo ko at kahit hindi masyadong dilat ang mata ko ay nakilala ko si Raffy. Pinakiramdaman ko ang sarili ko. Sobrang lakas ng tibok ng puso ko at may maiinit na luhang kusang lumalandas sa pisngi ko. Hindi ko rin maigalaw ang mga kamay at paa ko dahil nakatali sa kinauupuan ko.

Lumibot ang mga mata ko sa kalakhan ng lugar. Hindi ako sigurado kung bodega ba ito, talyer o construction site. May kaunting liwanag mula sa dilaw na bombilyang nasa mataas na kisame. Magkaharap kami ng inuupuang silyang kahoy at maliban sa amin ay wala nang ibang tao.

"Raf-Raffy... Nasaan ako? Anong ginawa mo sa akin?" Halos pabulong kong tanong.

"Wala", ngumuso siyang parang nagpapaawa habang nang iinis ang tono ng boses. "Wala pa akong ginagawa, baby. Are you excited?" Aniya at hinaplos ang pisngi ko.

Wala akong magawa kahit pilitin kong umiwas. "Hayop ka!" Dahan dahang lumakas ang pag iyak ko sa takot at frustration.

"Relax, baby. Malapit pa nga tayo sa bahay mo eh. Huwag kang mag-alala, bukas pa tayo bibiyahe patungong Batanes. Ipinahahanda ko pa kasi ang sasakyan eh", napakakalmado ng pagsasalita niya na para bang walang mali sa mga ginagawa niya.

"Gago ka! Bakit mo ako dadalhin sa Batanes?!" Kahit natatakot ay hindi ko pa rin mapigilang magmatapang.

Ngumisi siya at pinakatitigan ang labi ko.

"Doon tayo magpapakaligaya, Savannah. Wala tayong sasayanging sandali at hinding hindi ka magsisisi dahil sa'yo ko lang itutuon ang buong atensyon ko", inayos niya ang takas na buhok sa tainga ko. "Alam mo ba, hindi ko talaga matiis noong hindi kita nakikita. Inaabangan kita sa labas ng condo mo kaso hindi kita naabutan eh. Gusto ko sanang humingi ng tawad dahil sa nangyari noong unang date natin."

Ayaw tanggapin ng utak ko ang mga nakikita at naririnig ko. Hindi ako pwedeng magtagal dito, kailangan kong gumawa ng paraan! Dapat ay magkikita kami ni Bryden ngayon!

"Pinatatawad na kita, please pakawalan mo na ako", iyak ko habang nakikiusap ang mga mata.

Malungkot siyang umiling pero parang nang-uuyam. "Not now, not until I'm satisfied with you. Wala akong ibang ipararamdam sa'yo kundi puro sarap, Vannah, kaya huwag ka na sanang magdalawang-isip."

"Raff..." Nabasag ang boses ko nang pigain ko ang mga mata ko.

Akala ko sa palabas lang nangyayari ang mga ganito. Meron bang magliligtas sa akin? May darating bang superhero? Superman? Batman? Kahit Inday Bote lang!

"Ssshhh..." Pinalis niya naman ang mga luha ko. "You're so beautiful even when you're crying. Alam mo bang tinititigan pa lang kita kanina, pakiramdam ko nasa langit na ako?"

Langit, langit my ass!

"Ang kapal ng mukha mo! Demonyo ka, kaya hindi ka mapupunta sa langit!" Matapang kong sabi habang humihingal.

Tinitigan niya ako sa mata at unti unting umangat ang sulok ng labi niya.

"Mapupunta ako sa langit, Savannah. At ikaw ang magdadala sa akin doon", hinawakan niya ng mariin ang buhok ko at hinalikan ako sa labi.

Oh God! This was not the first kiss I've dreamed of!

Kumuyom ang mga kamao ko nang pilitin niyang buksan ang labi ko gamit ang dila niya. Nagpumiglas ako pero nanghina lang ako sa pagod. Matapos niya namang samantalahin ang mga labi ko ay bumaba ang halik niya sa leeg ko at marahan niyang pinalad ang dibdib ko.

SAVANNAH'S HEARTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon