Surprise
Ilang sandali pa ay nakarating na kami sa bahay. May ilang putahe lang ng pagkain na nakahain sa mesa at naroon sina Mommy at Daddy, sina Tito Aio at Tita Divina, at si Devon.
Bakit wala si Kisha?
Naupo ako sa pagitan ng magkapatid at nagsimula nang kumain.
"Trius, bakit ba bigla kang nagpatawag ng dinner? Ano ba 'yung mahalagang sasabihin mo?" Tanong ni Daddy.
Tumingin naman ako kay Demet at hinintay ang sagot niya. Hindi ko kasi alam na siya pala ang nagpatawag ng hapunang ito, I wasn't informed.
"THE WEDDING IS OFF", aniya.
Panandaliang nahinto sa pagtibok ang puso ko at awtomatikong napaawang ang bibig ko habang pinoproseso sa utak ko ang sinabi niya. Tama ba ang pagkakarinig ko? Iyon ba talaga ang sinabi niya?
The wedding is off?
"Ano?" Sabay-sabay nilang tanong.
"Trius, ano bang pinagsasabi mo? Next week na akong kasal niyo", ani Tito.
"I'm sorry po. Pero ayokong magpakasal", seryoso siyang tumayo at nilisan kami.
Bakit?! Anong pumasok sa isip niya? Dahil ba iyon kay Lea, pinagpalit niya na ba ako? Anong nangyari?! ANONG NANGYARI?!
"Mommy..." Isa-isang pumatak ang mga luha ko at nagpalinga-linga sa kanila ni Tita Divina. "Tita..."
"Chase him, Ate, bilis!" giit naman ni Devon at hindi ako nagdalawang isip na sundin siya.
Tumakbo ako palabas at naabutan ko si Demet bago pa siya makasakay sa kotse niyang nasa garahe namin.
"Demet, wait!" Hinablot ko ang kamay niya at pinihit. "Bawiin mo 'yung sinabi mo! Magpapakasal tayo, sa susunod na linggo na iyon!" Tangis ko. "Naiinip ka na ba? I'll talk to the wedding planner, bukas na bukas magpapakasal tayo, please, bawiin mo!" Niyakap ko siya ng mahigpit at umiyak ako sa dibdib niya.
Sobrang sakit ng nararamdaman ko ngayon. Bakit bigla na lang nagbago ang isip niya? Hindi niya na ba ako mahal? Sa isang iglap lang nawala ang pagmamahal niya sa akin?
Di kalaunan ay marahan niyang inalis ang pagkakayakap ko sa kanya. Tinitigan niya akong may apoy sa mga mata niya. Galit siya, at hindi niya ako sinagot. Sasakay na sana siya ulit pero pilit ko siyang hinila.
"Demet, ano ba!" Hagulgol ko. "Bakit ka ba nagkaganyan, ano bang nangyari sa'yo?! I deserve an explanation why you called it off!"
Seryoso siyang humarap sa akin, nagtiim-bagang bago nagsalita.
"Are you sure you want to hear? Because I just realized... THAT YOU! ARE NOT! WORTH! MARRYING!" Sigaw niya habang dinuduro ako, na mas ikinaluha ko naman. "I WANT A WOMAN... NO, I DESERVE A WOMAN WHO WILL TRULY LOVE ME! WHO WILL PRIORITIZE ME! WHO WILL PUT ME FIRST BEFORE ANYONE ELSE!" Galit na galit siyang halata sa panginging ng panga niya. "HINDI 'YUNG IIWAN ANG ENGAGEMENT PARTY NAMIN PARA LANG SA ISANG DINNER! HINDI 'YUNG PIPILIIN ANG ISANG LUNCH, KAYSA SAMAHAN AKO SA AIRPORT! HINDI 'YUNG MAGDE-DELAY PA NG FLIGHT NAMIN PARA LANG SA ISANG MALASWANG BIRTHDAY PARTY!"
Napasinghap ako sa mga sinabi niya. Paano niya nalaman?
Si Kisha... Siya lang ang pinagsasabihan ko ng lahat. Kaya ba siya wala rito ngayon? Sigurado akong plinano niya ang lahat ng ito.
"Demet, magpapaliwanag ako-"
"ENOUGH IS ENOUGH, SAVANNAH LUCILLE! I WILL NEVER MARRY YOU AND YOU WILL NEVER BE A MONTE VISTA!" Tumulo ang mga luha niya na lalong nagpasakit sa puso ko.
BINABASA MO ANG
SAVANNAH'S HEART
General Fiction"Dude, you don't understand me!" Mariing sabi ni Trius sa kaibigang si Theo habang nag-iinuman sila sa isang bar. "It's not that I don't understand you, what I'm telling you is that, you guys have known each other for a long time! Malay niyo matutun...