CHAPTER 6

5.6K 114 16
                                        

Against

Hindi ako sumabay kay Demet pauwi dahil sinundo ako ni Bryden para mag-dinner. Miss na miss ko siya dahil nasa Palawan siya ng ilang linggo at ngayon lang umuwi.

"I missed you", payak niyang sabi na nagpaawang sa bibig ko.

Akala ko ako lang ang nakaka-miss sa kanya...

"I... I missed you too", kinagat ko ang pang-ibaba kong labi at nagpigil ng ngiti.

"Uh, can I ask you something, Vannah?" Inilapag niya ang mga kubyertos at itinuon ang mga mata sa akin.

"Sure", agad ko namang tugon.

"Pwede ba kitang kuning model ng Antigona? Gusto kasi kitang makasama kahit sa isang project lang."

Napaawang ang bibig ko dala ng pagkabigla. Ako naman, gusto ko siyang maka-duet kahit isang kanta lang...

"Ako?" Hindi ko malaman kung tatawa ba ako o ano. "Bakit ako? I mean... I'm not like any other model, I'm not slim, I'm not-"

"Why not you? You're beautiful, sexy, muntik ka na ngang ma-overqualified eh", kinagat niya ang pang-ibaba niyang labi at ngumiti ng sexy, oh my God! "Baka tumigil na kasi ako sa pagmo-model."

What?!

"Ba-bakit?" Napangiwi ako sa panghihinayang.

Hindi ko na makikita ang nagtitigasan niyang abs, nakakalungkot.

"Ikakasal na kasi ang ate ko. So bago matapos itong taon, ita-transfer niya na sa akin ang ownership ng kompanya."

"Ganoon ba? Uhm... Pwede bang pag-isipan ko muna?" Hindi ko maialis ang lungkot sa mukha ko.

Siyempre gusto ko ang sinasabi niya pero kahit naman maganda ako ay wala akong kompiyansa. Nakikita ko kasi kadalasan sa mga modelo ay slim ang katawan. At hindi ako ganoon. Natutuwa akong gusto niya akong makasama sa project pero kung iyon naman na ang huling beses na makikita ko ang katawan niya, kahit huwag na lang.

"Oo naman", nakangiti niyang sagot.

Alam niya yatang nanghihina ang mga tuhod ko tuwing ngumingiti siya kaya sinasadya niya.

"Oo nga pala, pwede ka ba sa next Saturday? Birthday kasi ni Demet, magse-celebrate kami", anyaya ko.

"Nako, nasa Pampanga ako noon eh. Pakisabi na lang sa kanya, pasensya na", malungkot naman niyang sagot na tinanguan ko lang.

Matapos kumain ay agad niya rin akong inihatid. Nakahinto ang kotse sa harap ng building at hinihintay kong i-unlock niya ang pinto.

"Kailan tayo magkikita ulit?" Tanong niyang hindi tumitingin sa akin. Malungkot ang tono niya at tila may tampo o kung ano.

"Huh? Hindi pa nga tayo naghihiwalay eh", natatawa ko namang tugon.

"Nalulungkot kasi ako everytime na magkakahiwalay tayo, kaya iniisip ko na lang na may next time pa naman", tumingin siya sa akin ng seryoso. Nako-conscious na tuloy ako.

God! Hindi siya masyadong matamis magsalita pero tumatagos talaga ang kilig sa mga buto ko!

"Ikaw talaga!" Pasimple kong hinampas ang braso niya. "Tatawagan kita kapag—"

"Be my girlfriend, Savannah."

Naestatwa ako at natulala sa sinambit niya. Para akong nasa mga ulap sa gaan ng pakiramdam kaya hindi na ako nagdalawang-isip. Nakangiti akong tumango at napakagat-labi na lang habang pinagmamasdan ang mapupungay niyang mga mata.

SAVANNAH'S HEARTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon