WARNING!
SPG|RAYOR
—Honesto Gaming
DEMETRIUS:
Nagising akong nakapulupot pa rin sa mga bisig ko si Savannah. Napangiti akong siya ang una kong nakita pagmulat ng mga mata ko. Hinawi ko ang buhok na tumatakip sa mukha niya at saka ko siya hinalikan sa noo bago sa labi. Maingat kong inalis ang pagkakalingkis ng braso namin sa isa't isa at saka ako tumayo at kinumutan siya bago ako lumabas para magluto ng almusal.
Ilang minuto pa lang ang nakalilipas nang marinig ko ang boses niyang umiiyak kaya tumakbo ako para daluhan siya, pero nagalit siya sa akin. Nagalit siya dahil may nangyari sa amin. Isinisi niya sa akin ang lahat at hindi pinakinggan ang panig ko. Sa sobrang galit niya kaya pinaalis niya ako sa unit niya na para bang pinaalis niya na rin ako sa buhay niya. Sobrang sakit ng naramdaman ko dahil para akong pesteng ipinagtabuyan.
Iniwasan niya ako ng ilang linggo at napakahirap noon para sa akin, pero pinalampas ko lang sa pag-aakalang huhupa rin ang galit niya pero hindi. Sa lahat ng pagtatangka kong kausapin siya ay iniwasan niya ako. Hanggang sa naisip ko nang humingi ng tulong sa mga magulang namin.
Pumunta ako sa bahay nina Tito Ricardo kung saan naroon din sina Mommy at Daddy dahil naglalaro ang dalawa ng golf.
"Tito, kumusta po?" Malamig kong bati at nagmano.
"Oh, Trius, okay naman. Ikaw ba? Si Savannah?" Inasinta niya ang golf ball at saka iyon tinira.
"Actually, we're not okay po. Weeks niya na akong iniiwasan eh. She doesn't even want to talk to me and she's not answering my calls."
"At bakit naman, sa tingin mo?" Inayos niya ang kanyang sun visor at muling nag-asinta ng bola.
"Uhm... Tito, kasi po..." Bahala na! "May... may nangyari po sa amin. I... I think that's why", kabado akong yumuko habang hinihintay ang tugon niya.
"Hijo de puta!" Sigaw niya at binitiwan ang iron golf club kaya bumagsak iyon sa lupa. Kinuwelyuhan niya ako at agad nangatog ang mga tuhod ko habang sinasalo ang matatalim niyang tingin. "Ikakasal kayo balang araw, Trius, hindi ka man lang ba nakapaghintay?!" Sinapak niya ako at sinundan ang pagbagsak ko sa lupa.
"Tito, huminahon kayo, baka makasama ho sa inyo", tumayo ako at agad niyang kinuwelyuhang muli.
Walang humpay siyang nagtiim-bagang at halos pumutok na rin ang mga ugat sa noo.
"PINCHE PENDEJO!" Gigil niyang sigaw habang dinuduro ako. "HUMINAHON?! KINAN**T MO NANG DI ORAS ANG ANAK KO TAPOS GUSTO MO AKONG HUMINAHON?! TARANTADO KA!" Isa pang sapak ang iginawad niya sa akin at narinig ko na lang ang sigaw nina Daddy sa muling pagbagsak ko.
"Ano bang nangyayari rito?!" Bulyaw nito kay Tito habang si Mommy ay awang awang tinulungan akong tumayo.
"IYANG MAGALING MONG ANAK! HINDI NA NAKAPAGHINTAY MAIKASAL SA ANAK KO! PUTANG... GAGO 'YAN! GAGO 'YANG ANAK MO, DEMETRIO!" Sigaw niya.
"ANO?!" Bumaling si Daddy sa akin at pinukol ng matalim ding tingin. "TOTOO BA, DEMETRIUS?! SUMAGOT KA!"
"Sandali, huwag namang ganyan mag-usap kayo ng mahinahon", sabat ni Mommy habang isinasalag ang katawan niya.
"Ma, I'm okay", bulong ko naman at lumayo muna sa kanya para harapin ang dalawa. "Tito, Dad, opo totoo", matapang kong sagot. "Mahal ko si Savannah, mahal na mahal ko siya! At mahina ako para kayaning makita siyang nasa kamay ng ibang lalaki! Inaalagaan siya, pinapasaya siya, na dapat AKO ang gumagawa!" Humahangos na ako kaya lumapit si Mommy at hinagod ang likod ko. "DESPERADO NA HO AKO! HINDI AKO MAKAPAPAYAG NA MAPUNTA SIYA SA IBA!"
"Trius?!"
Napalingon kami nang sumigaw si Tita Stella. Humahangos din siyang lumapit nang makita akong sugatan sa mukha.
"Diyos ko! Ano bang nangyayari rito, anak sinong may gawa niyan sa'yo?!" Aniya habang hindi malaman kung saan idadapo ang kamay.
Napansin kong may isinenyas si Daddy kay Mommy.
"Stella, usapang lalaki lamang iyan. Halika, magluto tayo ng meryenda sa kusina niyo", sambit ni Mommy at giniya siya papasok.
"Bukas ng gabi", payak na sabi naman ni Tito Ric na tinanguan ni Daddy.
Kinabukasan nga ng gabi ay sinabi namin kay Savannah ang tungkol sa gaganapin naming kasal at tulad ng inaasahan ko, nagalit siya. Ayaw niya, dahil hindi naman ako ang gusto niya. Ang sakit! Sobrang sakit.
Kinita ko si Theo para magpakalasing ngayong gabi.
"Tutal nasabi niyo naman na ang tungkol sa kasal, bakit hindi mo na rin aminin ang totoong nararamdaman mo?" Iritadong sabi niya bago tumungga ng beer.
"Siguradong iiwasan niya na ako ng tuluyan kaya desidido akong ituloy ang paglilihim ko. Nagalit siya, pero alam kong hindi niya ako lalayuan dahil lang doon."
"Tingin mo?"
Tumango lang ako. Kilala ko si Savannah. Kung talagang gusto niya akong iwasan ay dapat umalis na siya sa kompanya ko matapos ang nangyari sa amin.
"Her heart", sambit kong ikinalingon ni Theo sa akin. "It's something that I own but I can't have", nilagok ko ang natitirang laman ng baso ko at nagpunas ng labi.
I'm feeling a bit tipsy but still I managed to drive safely. Nang makarating elevator ay kusang pinindot ng darili ko ang buton sa palapag ng unit ni Savannah. Parang dinurog ang puso ko nang subukan kong i-enter ang lock code ng pintuan niya. Pinalitan na niya iyon. Does that mean she doesn't want me in her life anymore?
Kumatok ako ng kumatok pero wala kahit man lang yapak niya akong narinig. Sumalampak na lang ako roon at nakatulog na nakaupo.
Nagising ako sa magaang haplos sa buhok ko at nakita ko na lang si Savannah pagmulat ng mga mata ko. Para akong nananaginip dahil parang hindi na siya galit sa akin at ipinagluto niya pa ako ng almusal kahit instant noodles lang. Matapos kumain ay nag-usap kami ng masinsinan, pero hindi pa rin ako nagkaroon ng lakas ng loob na ipagtapat ang nararamdaman ko. Sa halip ay sinabi kong magpapakasal ako sa alang-alang lang sa mga magulang namin. Sinabi ko ring maaari niyang gawin kung ano ang gusto niya, at huli na nang mapagtanto kong nagkamali ako roon, dahil nabitiwan ko na ang mga salitang iyon.
Masayang masaya naman ang mga magulang namin nang sabihing nagkasundo na kami. Excited naming pinag-usapan at plinano ang gaganaping engagement party sa tulong ng kakilala ni Tita Stella. Nang umuwi naman si Mommy sa bahay ay saka kami nag-inuman nina Tito Ricardo at Daddy, pero pinagsabihan ako ni Savannah na huwag nang masyadong uminom. Ang gaan ng pakiramdam ko dahil para bang totoong may concern siya sa akin.
Pinilit naming ibalik kung anong meron kami dati at masaya akong hindi naman kami gaanong nahirapan. Muli akong nagkamali nang makipagkasundo at mangako sa kanyang hindi ko siya pakikialaman sa personal niyang buhay. Ngayon tuloy ay pilit kong nilalabanan ang takot na sumasakop sa utak ko. Takot na takbuhan niya ako sa araw mismo ng kasal namin. Takot na baka talagang hindi ako ang piliin niya. Takot na iwan niya ako sa ere.
Sinunod ko ang payo ng kaibigan kong magpakatotoo ako. Ipinakita ko kay Savannah kung ano ang totoo kong ugali at kung paano ko siya gustong pakitunguhan. Hindi ko pinigilan ang sarili ko, kapag gusto kong maging sweet ay nagpapaka-sweet ako, pero malimit lang. May mga pagkakataon ding pakiramdam ko ay nakukuha ko kung ano ang gusto ko sa kanya, 'yung tipong nararamdaman kong may nararamdaman din siya para sa akin pero hindi ko iyon itinatatak sa isip ko, dahil alam ko namang si Bryden lang ang mahal niya. Pero sa kabilang banda ng utak ko ay wala naman akong pakialam sa ulol na 'yon. Akin si Savannah at sa akin siya babagsak.

BINABASA MO ANG
SAVANNAH'S HEART
Ficção Geral"Dude, you don't understand me!" Mariing sabi ni Trius sa kaibigang si Theo habang nag-iinuman sila sa isang bar. "It's not that I don't understand you, what I'm telling you is that, you guys have known each other for a long time! Malay niyo matutun...