Hey There, Blessing!
Maaga akong pumunta sa teatro para mag-practice ng kantang ipe-perform ko ngayong gabi. Nasa loob na ako ng recording room at suot na ang headset. Sumenyas sa akin si Lora, ang music artist.
5, 4, 3, 2, 1...
"Hear my voice beneath the sea. Sleeping now so peacefully at the bottom of the sea. Sleep for all eternity..."
Sinenyasan ko naman siya ng time out nang bigla na lang akong makaramdam ng hilo. Hinubad ko ang headset at sapo ang ulong lumabas ng recording room.
"Vannah, you okay?" Tanong ni Lora at tumingin kay Andrea, ang isa pang singer. "Oh, ikaw muna mag-record."
"Okay", sagot naman nito at pumasok sa recording room.
"Nahihilo ako, Lora", daing ko.
"Nako, kumain ka ba? Baka nagugutom ka!"
Tumango naman ako. "Baka nga..."
Pero hindi naman talaga ako nagugutom, sa totoo nga lang ay parang hinahalukay ang tiyan ko.
Nang bumuti ang pakiramdam ko ay tinuloy ko ang pagre-record. Bago naman mag alas dose ng tanghali ay dumating din si Tomi at lumabas kami para kumain.
"Tomi, ayoko na", sabi ko at inilayo ang plato sa akin.
"Bakit? Ngayon ka lang yata hindi nakaubos ng pagkain", may pagtatakang hinipo niya ang leeg ko. "Masama ba ang pakiramdam mo?"
Tumango ako. Bigla namang tumunog ang cellphone ko sa tawag ni Mara kaya agad ko iyong sinagot.
"Ateeeeee!!!" Humahangos siya habang naririnig ko sa background ang boses ng anak kong umiiyak.
"Mara?! What happened?!" Napatayo ako sa kinauupuan ko at nataranta.
"Iyak ng iyak si Fourth sa school kaya pinatawag po ako ng teacher niya! Sinundo ko siya pero ayaw niya pa ring tumigil!" Halata sa boses ni Mara na natataranta rin siya. "Ayaw niyang sabihin kung bakit siya umiiyak, Ateeee, hindi ko na alam ang gagawin koooo!"
"Diyos ko", dala ng pag-aalala ay napasapo ako sa ulo ko. "Sige sige uuwi na ako, sabihin mo sa kanya."
Binaba ko ang tawag at inayos ang gamit sa bag ko.
"Why? What happened?" Tanong ni Tomi. "Anong nangyari kay Fourth?"
"Iyak daw ng iyak. Ayaw daw sabihin kung bakit", malungkot kong tugon. "Pasensya na, Tomi, pero kailangan kong unahin ang anak ko", dagdag ko pa at nagmadaling maglakad palabas ng restaurant.
"Teka, teka! Sasama ako!" Hinablot niya ang braso ko at pumunta kami sa car park.
Nagmadali siyang magmaneho hanggang makarating kami sa bahay.
"Fourth?!" Sigaw ko pagpasok pa lang.
"Mommyyyy!" Humahagulgol ang anak ko na para bang may kung anong masakit sa kanya.
Agad ko siyang sinalubong at lumuhod ako para yakapin siya at i-comfort.
"Anak ko, bakit?!"
"My classmates keep teasing meeee..."
Kinuha siya ni Tomi mula sa akin pero ayaw niyang sumama. Nagagalit siya rito, bakit?!
"Come on, Fourth. Papa is here", malambing na inunat ni Tomi ang kamay para kunin sana siya.
"No! I hate you! You get out of my life!" Singhal ni Fourth na ikinagulat naming lahat.
"Anak! Saan mo natutunan 'yan, bakit ka nagkakaganyan?!" Kahit galit ako ay hindi pa rin maalis ang awa ko. "Come here, baby", kinarga ko siya at kinalong sa sofa. "Tell me what happened."

BINABASA MO ANG
SAVANNAH'S HEART
General Fiction"Dude, you don't understand me!" Mariing sabi ni Trius sa kaibigang si Theo habang nag-iinuman sila sa isang bar. "It's not that I don't understand you, what I'm telling you is that, you guys have known each other for a long time! Malay niyo matutun...