Ruined First Date.
Nanatili akong nakapikit nang magising. Naaamoy ko pa rin si Demet sa kama ko, sa unan ko, at sa kumot na nakabalot sa akin.
"Sa unit mo o sa unit ko?"
Awtomatiko akong napadilat, napasinghap at bumalikwas. Nilibot ng mga mata ko ang silid at napagtantong kuwarto ito ni Demet.
Anong nangyari?!
"And why are you not wearing underwear?"
"...Not wearing underwear?"
"...NOT WEARING UNDERWEAR?"
OMFG!
Tiningnan ko pang-ibaba kong parte at wala nga akong suot na panty, punyeta!
Hiya ang lumukob sa sistema ko. Hiya kay Demet at sa sarili ko. Muli kong binalot ng kumot ang katawan ko at dahan-dahang lumabas para hanapin siya at komprontahin, pero laking gulat ko nang madatnan ang apat sa living room.
"Good morning, Vannah!" Masiglang bati ni Tita Divina at nginitian din ako ni Tito Aio.
Lalong namilog ang mga mata ko nang mapalingon sa mga magulang ko. Uughhhh! Nanggigigil ako sa Demet na 'yan!
"Anak, kumusta ang tulog mo?" Tanong ni Daddy na hindi ko talaga nasagot.
"Savannah, magbihis ka na at saluhan mo kaming kumain", si Mommy naman ay seryoso at ni hindi man lang ako nilingon.
Oh no!
"Ma, Dad... it's not what you think, okay?" Maagap kong sabi. "Let me explain!"
"Trius have already explained everything, Vannah. You have nothing to worry about", ani Tito.
DEMETRIUUUUUS!
"Oh, you're up! Kain na", alok niyang dala ang tray at nakasuot pa ng apron.
Kung nakikita ko lang ang mukha ko ngayon ay siguradong kasing pula na ito ng makopa.
"Demet, where are my clothes?!" Mariin kong bulong habang pinandidilatan siya.
Nginuso niya ang laundry room at napasapo na lang ako sa noo ko nang maisip kung paano niya dinampot ang panty at bra ko para ilagay doon. Hindi ko maipasok sa kukote ko ang mga nangyari kagabi!
Matapos niyang ilapag ang tray sa mesa ay giniya niya ako pabalik sa kuwarto.
"Seriously, Demet, what did you tell them?!" Agad kong tanong habang naghihisterya.
"Long story", sagot niya naman at naghalungkat sa closet.
"And what did you do to me?!"
"And why are you not wearing underwear?"
"...NOT WEARING UNDERWEAR?"
"Fuck, Demet! What did you see?!"
Tumigil siya saglit sa ginagawa at sinulyapan ako mula ulo hanggang... gitna.
"Wala", tipid niyang sagot at muling naghalungkat.
Kitang kita ko ang pagkairita sa kanyang mukha pero hindi naman siguro siya inaatake ng IED.
"Sinungaling!" Binato ko siya ng unan kaya natigilan siya. "Umamin ka!"
"So what?!" Salubong naman ang mga kilay niya nang tingnan ako. "Dati nga hubo't hubad pa tayo pag sabay naliligo, di'ba?"
"Mga bata pa tayo noon!" Tsk! "Gago ka talaga, tang ina!"
Napapikit siya at kinagat ang labi sa inis.
![](https://img.wattpad.com/cover/139588382-288-k661537.jpg)
BINABASA MO ANG
SAVANNAH'S HEART
General Fiction"Dude, you don't understand me!" Mariing sabi ni Trius sa kaibigang si Theo habang nag-iinuman sila sa isang bar. "It's not that I don't understand you, what I'm telling you is that, you guys have known each other for a long time! Malay niyo matutun...