CHAPTER 13

4.9K 131 18
                                    

WARNING!
SPG|RAYOR

EmEx

Sabay pa rin kaming pumapasok at umuuwi ni Demet galing sa trabaho. Sabay na ulit kaming nagla-lunch at sinusubukang maibalik kung anong meron kami dati. Nangako rin kami sa isa't isang hindi ang kasal na iyon ang sisira sa pagkakaibigan namin. Kahit paano masaya akong malinaw ang lahat sa amin. Magpapakasal kami alang-alang sa mga magulang namin at hindi namin pakikialaman ang personal na buhay ng isa't isa.


"Ssshhh! Hinaan niyo naman ang mga boses niyo!" Saway ko kina Kisha at Jewel.

Kilig na kilig kasi sila nang ibalita ko ang engagement party namin.

"Ayokong may ibang makaalam dito sa office at napag usapan naman na namin ni Demet iyon. Basta pumunta na lang kayo, 7p.m. ang start noon, okay? Next week, Wednesday."

"Oo naman! Sige, gora kami!" Tuwang tuwa naman nilang sagot.

Dadaluhan iyon ng ilang kamag anak namin sa side lang ni Daddy at mga kamag anak din nila Demet. Ilang kaibigan niya at syempre sina Kisha at Jewel.


Mag o-overtime sana ako para gawan ng layout ang magazine na ire-release sa darating na summer, pero hindi ako pinayagan ni Demet. Ipaubaya ko na raw iyon kay Yandell na isa ring layout designer.

"Demet, ayoko", tutol ko. "Ano pang silbi ko rito kung lahat na lang ipapaubaya ko sa kanila?"

"Pero uuwi na tayo, Vannah. Sige na, ayusin mo na ang gamit mo", pilit niya naman habang nakahalukipkip sa harapan ng desk ko.

"Hindi pwede. Kung gusto mo nang umuwi, mauna ka na. Magtataxi na lang ako."

"Aba, mas lalong hindi pwede! Hindi ako uuwi ng hindi ka kasabay, papatayin ako ni Tito Ricardo pag may nangyaring masama sayo!"

Napapikit ako sa kakulitan niya. Bakit naman may mangyayaring masama sa akin?! Nakakulong na si Raffy at wala naman nang mga nangungulit sa akin ngayon.

"O siya, sige", napilitan kong sagot.

Mabilis kong pinatay ang computer ko at kinuha ang bag. Ibinilin ko kay Yandell ang gagawin ko dapat at wala naman siyang reklamo. Hiyang hiya akong hindi tapusin ang nasimulan ko pero mapilit naman kasi si Demet.

Habang nagmamaneho siya ay binuksan niya ang radyo at sinabayan ko ang tugtog.

'Cause there's a hole
where your soul should be,
You're losing control a bit
And it's really distasteful...'

Matamang hume-head bang ako habang kumakanta at nagss-snap pa ng daliri.

"Woooh! Fuck you! Fuck you very, very much... Cause we hate what you do and we hate your whole crew, so please don't stay in touch..."

Kunot noong nilingon ako ni Demet pero dinedma ko lang siya at tinuloy ang pagkanta.

"Fuck you, fuck you very, very much
Cause your words don't translate and it's get—"

Napatingin ako nang bigla niyang patayin.

"Tsk! Bakit mo pinatay?!" Angil ko.

"Nilipat ko lang. Ang pangit ng lyrics eh."

"KJ!" Humalukipkip na lang ako at tumingin ng masama sa kalsada.

"Sungit mo ah, may mens ka ba?"

SAVANNAH'S HEARTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon