WARNING!
Strong Parental Guidance
Read At Your Own Risk
—Birthday Gift
Isang pangit na balita ang nakarating sa akin. Isa sa mga modelong kinuha nina Yssa at Gudaiva ay galing sa Antigona. Ang kompanyang pag-aari ng pamilya ni Bryden, na mortal kong karibal sa puso ni Savannah. Iyon ang dahilan kaya ayokong magkaroon ng koneksyon ang kompanya ko sa kanila.
Nang madatnan ako ni Savannah sa opisina ay nasimulan ko nang magwala. Lumala pa ang galit ko nang makipagtalo ako sa kanya dahil pinagtatanggol niya pa sila kaya mas nagwala pa ako. Hindi ko siya marinig. Tanging ang isip ko lang ang naririnig ko, na nagtutulak pa sa aking magwala ng magwala para mailabas ang galit ko, hanggang sa sinampal niya ako at natigilan.
"TAMA NA KASI, PUTANG INA NAMAN TALAGA EH!" Humihikbi niyang sabi pero bakit ganoon?
Bakit hindi lumalambot ang puso ko sa mga iyak niya? Ayoko nito, ayoko siyang masaktan...
Bago ko pa malaman ay idinidiin ko na ang katawan niya sa dingding. Maski ako ay natakot sa sarili kong baka mapagbuhatan ko siya ng kamay.
"ANG KULIT MO AH!" Gigil kong sambit sabay tiim-bagang.
Please, Savannah, do something! Help me!
Matapos niya akong pakatitigan ay bigla niya na lang akong hinalikan sa labi. Sinubukan ko pang kumalas dahil mas nangingibabaw pa rin ang galit ko, pero mas idiniin niya lang ang mga labi niya sa akin. Dahilan kaya napapikit ako habang tinutugon ang mainit niyang halik.
I missed this.
This taste.
These lips.
This tongue.
Dekada ang lumipas bago ko ito muling natikman at sa dami ng mga labing dumampi sa akin ay napagtanto kong wala talagang katulad ang kanya. Walang kasing-init at walang kasingsarap.
Niyakap niya ako ng mas mahigpit pero pinigilan ko ang sarili kong dumikit ng husto sa kanya, sa pag-aalangang maramdaman niya ang pagkabuhay ng pagkalalaki ko.
Maya maya pa ay marahan kaming nagkalas at saka lang bumalik ang ulirat ko at natuliro. Hindi ako makapaniwala sa nangyari. Hinalikan niya ako... ulit.
"HINDI KA PA RIN BA TITIGIL?!" Now she couldn't even look at me.
"Uh-uhm... w-why did you have to do that?" Utal ko namang tanong habang ipinoproseso pa sa utak ko ang nangyari.
"Ah, eh... eh gago ka kasi eh!"
"Ako pa talaga ang gago, matapos mo akong nakawan ng halik? Harassment 'yon, alam mo ba?" Seryoso kong sabi pero sa loob-loob ko ay gusto kong matawa.
Actually, gusto kong magdiwang na natikman ko ulit ang labi niya. Kung iyon ang panibago niyang paraan para pakalmahin ako ay oras oras akong magwawala kahit pa ang buong building na ito ay masira ko na.
I knew it. I want more than just a french kiss.
Nagkita kami ni Theo sa isang club at uminom, ilang araw bago ang kaarawan ko. Gusto kong humingi ng tulong sa kanya dahil desperado na akong mapasaakin si Savannah.
"So what should I do?" Malamig kong tanong at sumimsim ng rum. "Anong gagawin ko para mahigitan ang Bryden na iyon?"
"Ano ba sa tingin mo ang nagustuhan niya roon?" Tanong niya pabalik at tumungga naman sa bote.

BINABASA MO ANG
SAVANNAH'S HEART
Narrativa generale"Dude, you don't understand me!" Mariing sabi ni Trius sa kaibigang si Theo habang nag-iinuman sila sa isang bar. "It's not that I don't understand you, what I'm telling you is that, you guys have known each other for a long time! Malay niyo matutun...