CHAPTER 23

4.4K 81 17
                                        

WARNING!
SPG|RAYOR

One Last Lie

Nagising akong malaya na ang mga kamay at paa. Makapal ang nakabalot na kumot sa akin at may almusal sa bedside table. Maayos na rin ang paligid at walang bakas ng pagwawala niya. Parang walang nangyari, maliban sa mga nagkulang na gamit.

Teka, hindi siya rito natulog?

Napatalon ako sa biglang pagtunog ng cellphone ko kaya't hinanap ko iyon, na nakita ko naman agad sa sahig.

Miming CALLING

"Hey, Dev", antok kong bati.

["Hi, Ate, are you busy? Can you come here at the coffee shop near our house? Magde-date sana kami nung Best Man, pero Kuya Trius is here with us eh, it's kinda awkward naman na magmukha siyang third wheel..."]

Natawa ako ng bahagya pero sa loob-loob ko ay kumukulo pa rin ang dugo ko kay Demet.

"Uh, sige. Give me time to get ready, okay?"

["Yay! Gusto mo ipasundo kita?"]

"No, Dev, I'm okay, magta-taxi lang ako. See you!"

Matapos putulin ang linya ay bumaba na ako sa unit ko at nag-ayos ng sarili. Nagpasundo lang ako kay Demet sa labas ng coffee shop pero hindi ko pa rin siya pinapansin, galit pa rin ako, nakakainis siya!

"Hi!" Bati nina Devon at Theo.

"Hello", malamig ko namang tugon.

Uupo sana si Theo sa tabi ni Devon pero sinindak siya ni Demet ng tingin kaya umupo na lang ito sa tabi niya at ako sa tabi ni Devon. Ilang minuto pa ay tila napansin nito ang pagiging tahimik ko.

"Ate, why you're so tahimik, are you okay?" Malambing nitong tanong at hinaplos ang likod ko.

"Yes, Dev, I'm fine", pagsisinungaling ko naman.

Hindi ko na naitago ang inis ko nang makita ko si Demet na nakikipagngisian kay Theo. Sigurado akong may kinalaman iyon sa nangyari kagabi, pinagkalat niya bang binitin niya ako? Why? Is it something a man should be proud of?! Nakakadagdag ba iyon ng pagkalalaki?!

"An-anong meron? Anong nakakatawa? May hindi ba ako alam dito?" Usisa ni Devon at tumingin sa akin na tila naghihintay ng isasagot ko. "Ate?"

Hindi na ako nakapagpigil at tumayo na ako. "Excuse me, CR lang ako, Dev", paalam ko at padabog na naglakad.

Hindi ako sa CR papunta kundi sa labas, pero bago pa ako makarating sa pinto ay may humigit na ng kamay ko.

"Vannah, sandali!"

"Demet, ano ba?!" Angil ko naman at pumalag.

"I'm sorry for what happened last night. I'm so sorry, okay? Hindi ko lang nagustuhan ang ginawa mo sa harap ng mga katrabaho natin", lumambot ang mukha niya at nakiusap ang mga mata.

Haaay, kung sabagay, kasalanan ko naman kasi eh! Kung bakit ba kasi nasabi ko 'yon?!

Tumango ako bilang hudyat na pinatatawad ko na siya. Nakakainis!

Kinabig niya ako sa baywang at giniya pabalik. Bigla na lang akong nakaramdam ng kilig nang palipatin niya si Theo sa tabi ni Devon at ako ang pinaupo niya sa tabi niya. Hindi maalis-alis ang kamay niya sa baywang ko habang nag-uusap kami at panay din ang halik niya sa sentido ko kahit nasa harapan pa kami ng dalawa.


At dahil linggo ngayon ay nauna na akong umuwi sa bahay. May lakad kasi si Demet na ayaw niyang sabihin sa akin kung saan. Hindi bale na raw na magtampo ako basta hindi niya talaga sasabihin. Nakakainis di'ba?!

SAVANNAH'S HEARTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon