CHAPTER 9

4.5K 93 17
                                        

Die For You

Kalahating oras na akong naghihintay sa taxi bay pero wala pa rin ni anino niya. Paulit-ulit ko na rin siyang tinawagan pero hindi niya sinasagot. I also tried to trace her location but her GPS was off kaya nagsimula na akong mag-alala.

"Hey, Kish. Is Vannah with you?" Tanong ko nang tawagan ito.

["Nope. I'm alone here, why?"]

"Hindi pa kasi siya nakakauwi eh. Can you please try to call her? Balitaan mo ako agad kapag sumagot siya."

["Alright, man. Don't panic, it's organic."]

Ilang katrabaho pa namin ang tinawagan ko pero wala rin daw silang alam. Umakyat na rin ako sa unit niya pero walang tao. Walang mga pinagbihisan sa sahig at mukhang hindi pa talaga siya nakakauwi rito.

Kinalma ko ang sarili ko at naghintay muli sa ibaba, hanggang sa may dumating na BMW. Pamilyar na kotse.

"Trius!" Tawag ni Bryden nang ibaba ang salamin ng bintana.

Baka may kinalaman siya.

"Hi! Uh—"

"Kumusta? Have you seen Savannah? Sabi niya kasi sasaglit lang daw siya sa family dinner nila tapos usapan namin susunduin ko siya."

Imposible ito. Masakit man pero siguradong magagawa niyang indianin ako, pero hindi si Bryden.

"Kanina ko pa nga tinatawagan eh, hindi rin siya sumasagot sa akin", I became frantic and anxious "Parang hindi maganda ang kutob ko."

Tinawagan ko na rin ang mga magulang namin para sabihin ang tungkol dito. Hindi rin nila naiwasang mag-alala ng sobra pero sinabi kong ako muna ang bahala.

Nagkasundo kami ni Bryden na hanapin siya sa mga clubs na pinupuntahan nila. Hinanap ko na rin siya kahit sa mga hindi niya naman pinupuntahan at pati na rin sa casino.

Sa sobra kong hibang kahahanap ay hindi ko na namalayang alas kuatro na pala ng madaling araw. Tumunog ang cellphone ko at taranta kong sinagot iyon.

"Yes?!"

["Wala eh!"] Hangos ni Kisha. ["Kahapon kasi sabay-sabay kaming lumabas ng building tapos sumakay naman agad siya ng taxi—"]

"The plate number? What about the plate number?!"

[Uhm... Sorry, hindi ko natatandaan eh".]

Shit!

Oh God, Kitty, where the hell are you?!

"Can you... can you go to their house? Baka kailanganin ka nina Tito roon", pakiusap kong mabilis niya namang sinang-ayunan.

Pagkatapos ay si Theo naman ang tinawagan ko.

["Damn, do you know what time it is?"]

"Theo, I need you!"

["Eeew, so gay!"]

"Fuck you, it's a serious matter! Savannah is missing!"

["Missing in action?"]

"DUDE, SHE'S MISSING!" Hindi ko na napigilang mapasigaw kaya pumasok muna ako sa loob ng kotse. "KAGABI PA NAMIN SIYA HINDI MA-CONTACT! HER GPS WAS OFF AND HER PHONE WAS JUST RINGING!—"

["Calm down, Try. Wala pa pala siyang twenty four hours na nawawala eh."]

"ARE YOU STUPID?! WHAT IF SOMETHING BAD HAPPENED TO HER?! PLEASE, I NEED YOUR HELP!"

["Okay! Just calm down, okay? Off-duty pa naman na ako. Bayaran mo ang oras ko huh—"]

"Sasampalin pa kita ng pera!"

SAVANNAH'S HEARTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon