CHAPTER 28

3.9K 99 7
                                    

Dumped

Nakiusap ako ng walang humpay kay Ritch kaya't nakapasok ako sa opisina ni Demet. Labis-labis ang saya ko nang punuin ng amoy niya ang ilong ko. I missed his scent so much! Gayunpaman ay hindi ko maiwasang mahiya at manliit sa sarili ko dahil sa mga nagawa kong kasalanan sa kanya. Nakayuko akong lumapit sa harapan ng desk niya, na hawak ang brown envelope, at nag-angat naman siya ng tingin sa akin.

Muntik pa akong maiyak sa tuwa dahil nasilayan ko ulit ang gwapong gwapo niyang mukha. Ilang linggo ring nangulila ang mga mata ko. I'm holding my urge to hug him! I missed him!

Kinalma ko ang sarili at huminga muna ng malalim bago nagsalita.

"Demet-"

"'Sir Trius'", he corrected.

"Huh?" Agad kumunot ang noo ko.

What's with that?!

"You should call me 'Sir Trius', I'm in a higher position than you, remember?" Seryoso niyang itinaas ang mga paa niya at ipinatong sa mesa.

Nakasandal siya sa swivel chair niya at nakahalukipkip habang tinitingnan ako ng pamatay.

Sa halip naman na makipagtalo pa ay sinunod ko ang gusto niya. Naisip ko ring humingi muna ulit ng tawad pero ayoko sanang isipin niyang ginagamit ko ang bata para roon.

"Sir... Trius", napapikit ako at kinagat ang pang-ibabang labi. "Sorry ulit sa nangyari sa atin. Sa mga kasalanan ko, alam kong malabo mo pa akong mapatawad sa ngayon pero gusto ko lang malaman mo-"

"Ms. Ledesma, I don't think you're in the right place to talk about something personal. Please, not here in my office, you're disrespecting me-"

"'Ms. Ledesma?!'" tumaas ng kaunti ang boses ko dahil nagpantig ang tainga ko.

"Bakit? May masama ba sa sinabi ko?" Ibinaba niya ang mga paa sa sahig at humilig sa mesa. "Now if you have nothing else important to say, makakaalis ka na."

"Pero-"

"Hi!" Masiglang pumasok ng opisina si... si Lea at lumapit siya sa tabi ni Demet. Hinalikan siya nito sa pisngi at saka inilapag ang isang supot. "Ay, hello po!" Bati niya rin sa akin at nag-bow, napakagalang na bata.

"Hey, what's that?" Nakangiting tanong naman ni Demet.

Sila na ba? May girlfriend na siya? Paano ako? Paano ang anak namin?

Naghuhuramentado ang puso ko sa halu-halong emosyon lalo na nang tila naetsapwera ako sa isang tabi.

"Tinola, luto ko 'yan! Sabi mo kasi nagsasawa ka na sa mga pagkain sa restaurant eh. Sa pantry tayo kumain mamaya", sabi ni Lea.

"Wow, thanks! May niluto rin ako para sa'yo", sabi naman ni Demet at inilabas ang isang container. "Seafood Marinara. Special 'yan. Isang tao pa lang ang ipinagluto ko niyan, pero mukhang hindi niya nagustuhan eh. Ayon, pinamigay niya", tumawa siya matapos ang pangungusap.

Nangilid ang luha sa mga mata ko. Nagustuhan ko iyon. Gustong gusto!

"Talaga? Sige, kita na lang tayo sa pantry ng lunch break. Bye!" Sabi muli nito at tumalikod na.

"Alright!" Tugon naman niya.

Lalapit na sana ako sa kanya pero muling pumihit si Lea at humakbang ng ilan palapit.

"Oh! And Demet, anong oras nga pala natin ihahatid sa airport ang kapatid mo at 'yung kaibigan niya?" Tanong nito.

Nagpantig na naman ang mga tainga ko tumulo na ng tuluyan ang luha.

SAVANNAH'S HEARTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon