Dream Come True
Tatlong oras pa bago mag-uwian, nang sumama ang pakiramdam ko, naalala kong naulanan nga pala ako noong nakaraan. Dapat pala nag half day na lang ako sa trabaho.
"Kish..." Bulong ko habang nakatungo sa mesa ko. "Sobrang sakit ng ulo ko. Gusto ko nang umuwi."
Nag-lock na rin ang computer ko dahil kanina pa naka-standby. Parang naghihiwalay ang kaliwa't kanang bahagi ng utak ko sa sakit at naluluha pa ako.
"Go", tipid niyang tugon at tiningnan ang relo niya. "Ako nang bahalang magsabi kay Trius."
Maaasahan talaga ang isang 'to!
"Alright. Thanks." Pinatay ko na ng tuluyan ang computer matapos i-save ang ine-edit kong pahina ng magazine.
Pagkauwi ko sa condo ay agad akong nahiga sa kama at nakatulog. Nagising ako nang makarinig ng kalabog sa labas. Napabalikwas ako at agad inalam kung ano iyon, na mukhang nagmula sa kusina.
"Debet?" Sapu-sapo ko ang ulo kong parang minamaso sa sakit habang nakatayo ako sa gilid ng arko. "What happed?"
"Vannah, sorry if I woke you up. Dumulas kasi 'yung baso sa kamay ko. Diyan ka lang, baka masugat ka", saad niya habang winawalis ang mga bubog.
"Why are you here?" Kunot-noo kong tanong. "Di'ba dapat dasa office ka pa?"
Suot niya pa ang kanyang coat at naka necktie. Halatang dito siya dumiretso sa unit ko dahil ang leather niyang sling bag ay nakita ko rin sa sala.
"Eh nandito ako eh", sagot niya naman habang naghahain na ng mga plato sa mesa. "Halika."
Lumapit ako at umupo sa high chair na katabi niya. "Oo ga, pero wala pag uwiad. Dapat dasa office ka pa—"
"Pero nandito nga ako. 'Yon ang mahalaga." Tinitigan niya ako at nagsalubong ang mga kilay niya. "You okay? May lagnat ka ba?" Hinipo niya ang leeg at noo ko.
"Wala. Basakit lag ag ulo ko", tugon ko naman at humikab.
"May sipon ka", inilapit niya ang mangkok na may lamang sabaw. "Here. Ihipan mo, it's hot—"
"Kasig hot ko?" Ngumuso ako.
Bahagya siyang natawa. "Dahan-dahan ka nga sa mga sinasabi mo, baka liparin ako."
"Psssh!" I rolled my eyes then started eating rice and... "Adog ulab 'to?"
"Special beef stew."
"Ad what bade this special?" Ngayon lang ako nakakain nito kaya curious ako sa lasa ng special at sa lasa ng hindi.
"Pinagpuyatan ko kasi 'yan", sagot niya habang nagsasandok ng pagkain niya.
"Ad? That's it? I bead... wala kag ibag idilagay?" Tanong ko ulit dahil hindi ako makuntento sa sagot niya.
"I put some... love in it", aniya at humigop din ng sabaw mula sa mangkok na inilapit niya sa akin.
"Uh, pareho kayo di Bobby", ngumiti ako. I missed her cooking for me. "Sabi diya pag dagluto ka raw dag walag love, hiddi raw bagadda ag bagigig lasa."
"Ang dami mong pwedeng ikumpara sa akin, mommy mo pa talaga? Kung sabagay, masarap nga ang luto ni Tita Stella. Nagtataka nga ako kung bakit hindi restaurant ang business niyo eh."
"Hmm..."
"Dapat kaninang lunch natin kakainin 'yan, pero nagyaya kang kumain sa labas eh."
Naputol ang pag-uusap namin nang tumunog ang cellphone kong nasa kuwarto. Agad ko naman iyong kinuha para tingnan.

BINABASA MO ANG
SAVANNAH'S HEART
General Fiction"Dude, you don't understand me!" Mariing sabi ni Trius sa kaibigang si Theo habang nag-iinuman sila sa isang bar. "It's not that I don't understand you, what I'm telling you is that, you guys have known each other for a long time! Malay niyo matutun...