Another Surprise
Pumunta ako sa bahay nina Demet, sa pagbabaka sakaling hindi pa nakikita ng pamilya niya ang kumalat na litrato pero hinarang ako ng guard.
"Kuya, please kailangan ko silang makausap kahit sino sa kanila!"
"Ma'am hindi na nga poydi kay pagalitan ako ni Ser, kulit mo ah!"
"Kuya Lito, who's there?" Boses ni Devon.
Bumukas ng malaki ang gate at iniluwa siya nito.
"Devon!" Nabuhayan ako ng pag-asa na makausap ko kahit siya lang, pero napawi ang ngiti ko nag makita ko ang pagtataas ng kilay niya. "Dev..."
"What the hell are you doing here?" Mataray niyang tanong. "Susubukan mo bang pagtakpan ang kababuyan mo?"
Fuck! Siguradong nakita na nga nila!
"Devon, magpapaliwanag ako—"
"For what? Everything was so clear! Niloko mo si Kuya! All he ever did was love you! Habang ikaw nakikipaglandian sa iba!" Mariin niyang sabi habang nakahalukipkip. "You couldn't even appreciate his efforts, you never saw his worth because you were too busy hurting him!"
"Hindi totoo 'yan", nagsimula na namang umagos ang mga luha sa pisngi ko. "Mahal ko ang kuya mo!"
"Oh come on! You even sound so fake!" Inabot niya sa akin ang isang CD na nakalagay sa transparent case. "Oh."
"Ano 'to?" Tanong ko naman matapos iyong kunin.
"Regalo ko dapat 'yan sa wedding day niyo, pero hindi naman pala matutuloy! Paano, ang magaling kong sister-in-law, nag-astang higad sa sobrang kati!"
Kumulo ang dugo ko pero naisip ko pa ring hindi ito ang tamang oras para magmataas at magmatigas ako.
"Devon, please hayaan mo akong magpaliwanag, kakausapin ko kayo nina Tito—"
"No way! You'll just stress them out! Oh wait", aniya at pumasok.
Bumalik siya wala pang isang minuto ang nakalipas. Lumapit siya sa akin at sinuotan ako ng korona.
"Ayan, bagay sa'yo", aniya.
"Para saan 'to?" Tanong ko namang puno ng pagtataka habang hawak iyon sa ulo ko.
"Sorry, I forgot to buy you a trophy. But that's okay, you still deserve the award for SLUT OF THE YEAR! POKPOK KA, MALANDI!" Patuya niyang sigaw.
"BAWIIN MO 'YANG SINABI MO, DEVON!!!" Hindi ko na napigil ang galit at tinangka ko nang sugurin siya pero mabilis siyang nakapasok, at isinara na rin ng guard ang gate.
Inis kong ibinato ang korona sa gate at saka ako umiiyak na umalis. Pinuntahan ko naman ang mga magulang ko na dapat ay inuna ko bago pa ang pamilyang ito.
"KUYA, ANAK AKO! BAKIT BAWAL KONG MAKITA ANG MGA MAGULANG KO?!" Nagmatigas ako sa humarang na guwardiya sa akin at dirediretso ako sa loob.
"IKAW?! ANONG GINAGAWA MO RITO?!" Agad na bulyaw ni Daddy.
Siguradong nakita na rin nila ang picture...
"Dad, please! Let me explain, huwag namang pati kayo kumalaban sa akin, please!" Pagmamakaawa ko.
"YOU ARE A DISGRACE TO THIS FAMILY! ANG LAKING KAHIHIYAN ANG BINIGAY MO SA AMIN, AT DAHIL SA'YO, PATI SA AKIN AY NAGALIT ANG MATALIK KONG KAIBIGAN! LUMAYAS KA AT HUWAG KA NA ULIT TUTUNGTONG DITO!" Napaupo siyang hawak ang dibdib at biglang dinaluhan ni Mommy.

BINABASA MO ANG
SAVANNAH'S HEART
General Fiction"Dude, you don't understand me!" Mariing sabi ni Trius sa kaibigang si Theo habang nag-iinuman sila sa isang bar. "It's not that I don't understand you, what I'm telling you is that, you guys have known each other for a long time! Malay niyo matutun...