WARNING!
SPG|RAYOR
—Punishment
"Kitty..."
Nagising ako sa magaang kamay na humahaplos sa ulo ko at sa baritonong boses na tumatawag sa akin.
"Demet?" Pikit pa ang isang mata ko nang makita siya. "Kanina ka pa ba rito?"
Rest day namin ngayon dahil Sabado kaya nakapagtatakang ginising niya ako ng maaga.
"Hmmm, medyo", tugon niya naman sabay ngiti ng matamis.
He's in sweat shorts, and topless at nakita ko ang tumutulong pawis sa dibdib niya. Inunat ko ang isang kamay ko at marahan kong sinundan ang pagdaloy noon pababa sa kanyang nagpuputukang abs.
"Bakit pawis na pawis ka?" Tanong ko at bumangon para umupo.
"Mainit sa tapat ng kalan eh", tawa niya naman at kinuha ang mga kamay ko. "Halika."
Tumayo ako at sumama sa kanya sa kitchen. Naabutan ko ang breakfast na nakahanda na sa mesa ko. May homemade tocino, bacon, sunny side up na itlog, french toast, fried rice at kape.
"Maupo na po kayo, mahal na reyna", aniya at hinila ang silya para sa akin.
Napangiti naman ako at umupo. "Thank you", bulong ko.
Ipinaghain niya ako at sinubuan pa habang kumakain din siya. Ang mapaglaro ko namang mga mata ay awtomatikong napatingin sa leeg niya, pababa sa mabubukol na dibdib, sa abs, sa puson at sa baba pa noon. Nararamdaman ko ang unti-unting pagbabaga ng katawan ko habang napapalunok ng mariin.
"Vannah!"
Napatuon ako sa kamay ni Demet na kumakaway sa mukha ko.
"Uh... huh?!" Iyon lang ang nasabi ko nang bumalik ang ulirat ko.
"Tinatanong ko kung nagustuhan mo ba", Malambing niyang sabi.
"Ah, oo naman. Demet, pwede bang... pwedeng magdamit ka? Hindi magandang nakahubad sa harap ng hapagkainan."
"Oh, sorry", sagot niya at tumayo para kunin ang damit.
Napaihip na lang ako sabay sandal sa silya.
Matapos kumain ay bumalik ako sa kwarto ko para muling mahiga dahil tamad na tamad pa talaga akong bumangon. Napuyat ako kagabi kaiisip sa papalapit naming kasal. Isa't kalahating buwan na lang.
Sumampa si Demet sa kama at humiga sa tabi ko. Nakisalo siya sa kumot ko at yumakap sa akin.
"Gusto kong magbakasyon", sabi niyang nakalapat ang labi sa balikat ko.
"Bakit? Na-stress ka ba nitong mga nakaraan?" Usisa ko naman habang tinitingnan siya.
"Hindi ah. Sobrang saya ko nga eh. Pero gusto ko lang pumunta tayo sa malayo. Somewhere out of the country?"
"Tayo? Kasama ako?"
"Yeah. Gusto kong ipasyal ka sa magagandang lugar, gusto kong makalimutan mo ang mga problema mo. Hindi ko alam kung ano'ng mga 'yon, pero alam kong meron. At saka gusto kong makapagsolo tayo."
Pumihit ako at humarap sa kanya kaya natigil ang paghalik-halik niya sa balikat ko.
"Demet, you don't have to do that."
"Why not? Ikakasal na tayo, Vannah."
"Iyon na nga eh, ikakasal naman tayo. Magkakasama naman tayo araw-araw sa iisang bubong", may pagkairita sa tono ko, na hindi ko maiwasan. "Bakit hindi natin i-enjoy ang natitirang sandali natin bilang mga indibidwal? Bilang mga unmarried!"

BINABASA MO ANG
SAVANNAH'S HEART
General Fiction"Dude, you don't understand me!" Mariing sabi ni Trius sa kaibigang si Theo habang nag-iinuman sila sa isang bar. "It's not that I don't understand you, what I'm telling you is that, you guys have known each other for a long time! Malay niyo matutun...