CHAPTER 39

5.7K 109 5
                                        

WARNING!
SPG|RAYOR
-

A Chance To Fail

DEMETRIUS:

Pumunta ako sa clinic ni Marié para yayain siyang kumain sa labas. Pagbaba ko ng kotse ay nakasalubong ko ang dati kong kaklase.

"Trius? Is that you?!" Nanlaki ang mga mata niya habang tinuturo ako at kinikilala.

Nakilala ko rin naman siya agad dahil sa kilay niyang pambabae ang kurba, kahit pa ilang taon kaming hindi nagkita.

"Toffer?!" Nag-high five kami at nag-shake hands. "Grabe, ang tagal nating hindi nagkita, saan ka papunta?"

"Oh! Sa theater", sagot naman niya. "Ikaw?"

"Sa... clinic", nahihiya akong tumingin sa taas ng 2-storey building kung nasaan ang signboard ng psychiatric clinic.

"Trius!"

Napalingon kami sa pinto noon at nakita kong papalapit si Marié. Yumapos siya sa braso ko at bumati kay Tofferson at saka ko sila ipinakilala sa isa't isa.

Nagkape muna kami sa malapit na coffee shop at nagkuwentuhan ng kaunti. Inimbitahan niya kaming manuod daw sa kanyang teatro sa darating na Martes at pumayag naman kami, tutal wala naman kami session ni Marié sa araw na iyon.



"Toffer", bulong ko sabay kalabit sa kanya na nakaupo na sa harapan ng auditorium. "Sorry, late kami. Sinundo pa kasi namin itong bata eh."

"Oh! It's okay, upo kayo", aniya. "Nako, dalawang seats lang ang ini-reserve ko, hindi ko kasi alam na may kasama kayong bata", nahihiya niyang sabi.

"Okay lang, kakandungin ko na lang si Therion", ngiti naman ni Marié.

Siya ang pinaupo ko sa tabi ni Toffer dahil giniginaw ako ngayon kaya siguradong ako ang madalas paalis-alis sa upuan para magbanyo.

Nagsimula ang program sa isang babaeng performer. Napakamisteryoso dahil madilim ang buong paligid maging sa entablado at tanging boses lang niya ang maririnig sa kalakihan ng teatro.

Bumukas ang spotlight at tumutok sa performer. Dahan-dahan itong lumakad papunta sa harap at halos mabato ako sa kinauupuan ko. Hindi ako maaaring magkamali, hindi ako namamalikmata. Si Savannah ang nakikita ko. Halos wala siyang pinagbago sa hitsura. Maganda pa rin siya at maganda ang hubog ng katawan. Damn it! Bakit kailangan ko pang mapansin iyon?!

Parang nadadala ang buong katawan ko sa mabilis na pagtibok ng puso ko. Hindi ko alam kung tama ba ang nararamdaman ko, nasasaktan ako dahil naaalala ko ang nakaraan namin pero nandito pa rin ang pagmamahal ko sa kanya. Ultimo ang paghinga ko ay tila tumigil ng panandalian dahil nakatingin siya sa akin. Hindi ko alam kung anong namamagitan sa kanila ng lalaking ka-duet niya pero may kakaiba akong sakit na nararamdaman lalo na nang tumingin sila sa mga mata ng isa't isa. I know they are just being professionals but...

Matapos kumanta ay kumislap ang luhang tumulo mula sa mga mata niya. Hindi ako sigurado pero pakiramdam ko ay ako ang dahilan noon.

"Cr lang ulit ako", bulong ko kay Marié at sinenyasan din si Toffer.

Nag-cr naman talaga ako, pero pagkatapos ay saka ko hinanap si Savannah sa kumpol ng ibang performers pero wala siya roon. Nakita ko naman ang lalaking ka-duet niya kanina kaya't nilapitan ko ito.

"Uh, excuse me", mahina kong sabi at agad naman itong lumingon sa akin.

"Ay, bakit po, Sir? May hinahanap po ba kayo?"

SAVANNAH'S HEARTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon