Hopelessly Devoted
DEMETRIUS:
I wanted to be the apple of her eyes even just for tonight, pero masyado na akong gahol sa oras para umuwi pa ng bahay at magbihis, kaya pagkatapos ng minadali kong meeting sa isang kliyenteng babalik na ng Roma bukas ay dumiretso na agad ako sa bahay ni Kisha.
"Happy birthday! Where is she?" Bungad ko at inabot ang regalo.
"Uy, thank you, Trius! Nasa kuwarto ko", nakangiti siyang sumagot pero biglang kumunot ang noo. "Teka, medyo kanina pa 'yon doon ah?"
May pangamba sa mukha niya kaya hindi ko maiwasang mag-alala.
"Bakit? Is something wrong?" Hinuli ko ang mga mata niya para tingnan kung magsisinungaling ba siya.
"Uh... she's... she's with... my friend..." Nakangiwi niyang sagot.
"Oh, what's wrong with that?"
"Trius... it's a... uhm... a GUY friend."
"What?!" Nagpantig ang tainga ko kaya tumakbo ako agad papunta sa kuwarto niya, at agad naman siyang sumunod.
Nang makarating ay pinihit ko ang naka-lock palang doorknob.
"Trius, calm down—"
"The key!" Sigaw ko at inilahad ang kamay.
Mabilis niyang ibinigay sa akin ang coin purse niya dahil naroon iyon. Kahit malakas ang tugtog sa ibaba ay dinig ko sa kabilang banda ng pinto ang sigaw ni Savannah. Pagbukas ko ay tuluyan nang nagdilim ang paningin ko sa lalaking nasa ibabaw niya.
Para akong nag-teleport at naroon na agad sa kama. Namalayan ko na lang na binubugbog ko ang lalaking iyon at halos mapatay ko na, kundi ko lang narinig ang boses ni Savannah. Hindi ko pa sana ito titigilan pero nakita kong mangiyak-ngiyak na siya habang inaawat ako kaya napilitan na akong sumama sa kanya palabas.
Nang mahimasmasan ay saka ko siya kinompronta kung bakit siya sumama sa lalaking iyon at sa kuwarto pa talaga, pero hindi na siya nagkaroon ng pagkakataong magpaliwanag dahil dumating na sina Kisha at Joel.
Hanggang sa kotse ay nag-aaway kami dahil sa nangyari. Hindi rin ako natuwa sa suot niyang kulang na lang ay maghubad na lang siya. Pati na rin sa mga salitang namumutawi sa labi niya. Kundi ko lang alam na galing siya sa mayamang pamilya ay iisipin ko talagang nakatira siya sa squatter area.
Tuwing inaatake ako ng sakit ko ay nahihirapan akong kontrolin ang galit ko, pero pinipilit ko namang huwag makapanakit ng ibang tao. Hindi baleng ibang bagay na lang ang pagbalingan ko ng galit, huwag lang ang mga taong nasa paligid ko.
Pero madalas akong natatalo ng sarili ko kaya kapag nagagalit ako, lahat sila ay natatakot at nilalayuan akong parang nakakahawa ang sakit. Good thing she can make me calm faster than anyone can.
"Uuwi na ba tayo?" Lasing niyang tanong.
Ito ang ayoko kapag nakainom siya, nahihirapan akong intindihin siya dahil pilipit ang kanyang dila.
"Yup."
"Sa unit mo o sa unit ko?" Muli niyang tanong na nakapagpablangko sa isip ko.
Kung anu-anong pumasok sa utak ko nang mga sandaling iyon kaya hindi na ako nakaimik at ngumiti na lang sa kanya.
How about fucking her tonight? She's drunk and helpless. Maybe I should stop fantasizing her and turn my dreams into reality.
Ipinilig ko ang ulo ko sa kung ano mang iniisip. This is just not right. My dad will kill me and her dad will double kill me.

BINABASA MO ANG
SAVANNAH'S HEART
Narrativa generale"Dude, you don't understand me!" Mariing sabi ni Trius sa kaibigang si Theo habang nag-iinuman sila sa isang bar. "It's not that I don't understand you, what I'm telling you is that, you guys have known each other for a long time! Malay niyo matutun...