SHE'S A VAMPIRE (2)

973 30 2
                                        

PERZEUS LEE

Ran

Pag-uwi ko ng bahay ay nadatnan ko si papa na nagluluto sa may kusina.

"Ano pong niluluto niyo?"

"O, nakauwi ka na pala."sabi nito at hinagkan ako sa noo."Magbihis ka na, malapit ko ng maluto itong ulam nating karne ng baboy."sabi nito at bumalik sa niluluto niya.

Pumunta naman ako sa kwarto ko at nagbihis ng pambahay na damit. Nang matapos akong nagbihis ay napatingin ako sa salamin.

Kung titignan mo, parang ordinaryong tao lang ako pero, hindi. Isa akong bampira na nabubuhay isang libong taon na ang nagdaan.

"Ran, kakain na!"tawag sa akin ni papa.

Lumabas naman ako ng kwarto ko para kumain na.

"Heto, kumain ka ng marami para tumaba ka naman."nakangiting saad ni papa habang nilalagyan niya ng kanin at ulam ang plato ko."Siya nga pala meron akong tinabi na dugo para sayo, nasa ref kapag nauuhaw ka."sabi ni papa.

"Salamat po, papa."nakangiting sambit ko.

Bampira ako pero, pinipilit kong maging normal kagaya ng isang tao. Kahit ayaw ko sa gulay dahil nga bampira ako, kumakain ako dahil gusto kong maging kagaya ng mga tao. Kumakain na rin ako ng prutas kahit ayaw ko dati, maipakita ko lang na normal din ako, na kaya kong makipagsabayan sa mundo ng mga tao kahit bampira ako. Pero, kahit anong kainin ko, isuot ko kagaya ng normal na tao ay may isang hinahanap-hanap ang katawan ko, at iyon ay ang dugo.

Matapos kaming kumain ni papa ay dumeretso agad ako sa kwarto.

Nakahiga ako ngayon sa isang kabaong kung saan ito ang nagsisilbing kama ko. Habang nakahiga ako ay nakatakip ang isang braso ko sa mga mata ko. Iniisip ko kung hindi ako isang bampira.

"Kung hindi ako bampira, alam ko kaya ang lasa ng sariwang dugo?"bulong ko.

"Bakit mo naman natanong? Nagsisisi ka ba na isa kang bampira?"

"Ay, bampira!"sigaw ko ng tanggalin ko ang braso kong nakatakip sa mata ko at bumungad sa harap ko si Perzeus.

-_- - Perzeus.

"Anong ginagawa mo dito? Paano ka naka-pasok?"tanong ko sa kanya.

"Bukas ang bintana mo."sabi niya at tinuro ang nakabukas na bintana.

Napahilamos na lang ako sa mukha ko.

"Ano ba kasing ginagawa mo dito?"pagsusungit ko sa kanya." Uwi na! Matutulog na ako."pagtataboy ko sa kanya.

"Na-miss lang kita."sabi nito.

"Eh? Na-miss asarin ka mo."sabi ko sa kanya at nahiga na.

Nagulat naman ako ng bigla niya akong yakapin mula sa likod.

"Hoy, isa kakagatin kita pag hindi ka pa umalis."pag-babanta ko sa kanya.

Hindi naman siya sumagot kaya nilingon ko siya.

0_0

Aba't! Ang loko naka-tulog na! May balak pa siyang agawin ang kama ko?

°°°°°°°°°°

"Hoy, ano ba! Bumangon ka na nga, ang bigat-bigat ng braso at paa mo!"gising ko kay Perzeus na magpahanggang ngayon ay nakahilata pa rin sa kama ko at nadadaganan niya ako.

"Hoy! Bangon na mal-late ako, o!"gising ko ulit sa kanya.

"Hmmmmm...."sagot lang nito.

"Ayaw mong gumising ah? Humanda ka."bulong ko."PERZEUS LEE! GISING!"sigaw ko sa tapat ng tenga niya.

"P*tang*na! Ano ba Ranya!"bulyaw nito sa akin.

"Good morning!"naka-ngiting bati ko sa kanya at dumeretso agad ako ng banyo para maligo.

Matapos akong maligo ay wala na si Perzeus sa kwarto ko.

Mabuti naman.

"Umuwi na siguro yung mokong na iyon."bulong ko.

Pagpunta ko sa sala ay may kausap si papa.

Si Perzeus?!

Akala ko pa naman umuwi na ang isang 'to.

"Bakit hindi ka nagsabi? Edi, sana naayos yung isang kwarto sa taas."sabi ni papa sa kanya.

"Okay lang po tito. Nakatulog naman ako ng maayos-----"

"Ako hindi."pag-puputol ko sa kanya.

"Bakit hindi ka pa umuuwi sa inyo?"tanong ko sa kanya.

"Wala lang. Mas gusto ko dito eh."naka-ngiting sambit nito.

"Pwes, ako hindi ko gusto na nandito ka."sabi ko sa kanya."Umuwi ka na nga!"pagtataboy ko sa kanya.

"Sige, punta na akong school."paalam ko sa kanila.

Nakakainis!

Bakit ba kasi siya nasa bahay? Ano na naman ba ang pakay niya?

She's a Vampire![COMPLETED] [UNEDITED]Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon