SHE IS A VAMPIRE (15)

351 8 0
                                        

A Place in this World

Ran

"Rannnn! Buti nakarating kayo?" tanong ni uncle Tommy sa akin pagka-kita niya sa amin sa loob ng bar.

"Tara, doon tayo."aya sa amin ni uncle papunta sa isang kwarto kung saan hindi mo maririnig ang kaingayan sa bar.

"Lugi ka na talaga uncle no?" tanong ko kay uncle pagkapasok namin sa kwarto. Habang pagpasok kasi namin sa bar kanina ay makikita mo agad na mangilan-ngilan lang ang tao dito.

"Hmmm.....hindi pa naman masyado. Kaya nga, nagpapatulong ako sayo para hindi lalong lumugi itong bar ko."sabi nito at nilapitan ako."Kaya, Ran handa ka na bang kumanta mamaya?" tanong nito.

"Ano pa nga bang magagawa ko eh nandito na ako."sagot ko sa kanya.

"Buti na lang talaga pumayag ka Ran. Hindi ko na alam ang gagawin ko kung tuluyan ng mawala sa akin ang bar na ito."kunwari'y mangiyak-ngiyak na saad ni uncle.

"Ang drama niyo."sabi ko.

"Itong pamangkin ko naman na ito! Ang sungit-sungit pagdating sa akin."sabi ni uncle Tommy at hinampas ako sa braso.

Inirapan ko lang siya.

"Sige na, mag-ayos ka na diyan magsisimula na kayong tumugtog mamaya. Tatawagin ko na lang kayo kung pupunta na kayo sa stage para tumugtog."sabi ni uncle bago ito lumabas ng kwarto, may tumawag kasi sa kanya.

"Ran," napatingin naman ako kay papa. "Sigurado ka na bang kaya mo ng tumugtog? Sorry, kung pinilit pa kita para di----"

Nilapitan ko si papa.

"Pa, ano ka ba."sabi ko sa kanya at hinawakan ang kamay nito."Gusto ko rin naman talagang tulungan si uncle, hindi niyo naman ako pinilit para dito eh."sabi ko sa kanya at nginitian.

"Basta, tandaan mo nandito lang ako para sayo anak."sabi ni papa at hinalikan ako sa noo.

"Excuse? Nandito ba si Ms. Ranya Kim?"napatingin naman kami sa lalakeng nasa may pintuan.

"Ako iyon. Bakit?" tanong ko sa kanya.

"Hello po," bati nito at nginitian ako. "Pinapatawag na po kayo ni Sir Tommy."sabi nito sa akin.

Tumango lang ako.

"Pa, punta na ako."paalam ko kay papa.

Pero, bago ako umalis ay nginitian niya muna ako at tinuro yung bracelet na nasa kamay ko na pinapahiwatig nitong tignan ko lang yun kung kabahan ako mamaya.

°°°°°°°°°°

"Good evening everyone!" masayang bati ni uncle sa mga taong nasa bar.

"Wohooo!"

"Cheers!"

"Okay, okay. Alam kong gusto niyo ng marinig ang bandang binuo ko ngayong gabi kaya, guys. Ito na ang The Destiny!"pagkasabi ni uncle Tommy iyon ay lalong nag-ingay ang mga tao sa bar."I-welcome niyo naman sila ng masigabong palakpakan!" naka-ngiting saad ni uncle.

Nandito ako ngayon sa baba ng stage at hinihintay si uncle na matapos na ipakilala kami.

"Ran! Punta ka na sa taas!" napalingon naman ako.

"U-uncle, kinakabahan ako."sabi ko kay uncle Tommy.

"Ran," tapik ni uncle Tommy sa balikat ko. "Huwag kang kabahan. Nandito lang kami ng tatay mo."sabi nito at pinisil nito ang balikat ko.

Huminga naman ako ng malalim at napapikit.

"Hooo! Kaya ko 'to."sabi ko kay uncle at nginitian.

"Wohoooo!"

"Go, Destiny!"

"Destiny! Destiny!"

Habang papaakyat ako sa stage ay maingay at iba't-ibang mukha ang nakikita ko. Nang nasa gitna na ako ng entablado ay lahat ng mata ay nasa akin. Habang nakatayo ako doon ay biglang bumalik sa akin ang ala-ala ng nakaraan.

"Halimaw!"

"Salot sa lipunan!"

"Mamamatay tao!"

Lahat ng tao nakatingin sa akin at hinuhusgaan ako, at ang pagkatao ko.

Nangangatog yung kamay kong nakahawak sa mikropono. Napatingin ulit ako sa mga tao sa baba ng stage. Nakatingin sila sa akin at nakangiti, at nandoon si papa na nanonood.

Huminga ulit ako ng malalim.

'Ran, kaya mo iyan. Nakaraan na lang iyon. Hindi na muli mauulit iyon.'sabi ng utak ko.

Tumingin muna ako kay papa at ngumiti bago ako nagsimulang kumanta.

🎵 I don't know what I want, so don't ask me
'Cause I'm still trying to figure it out
Don't know what's down this road
I'm just walking
Trying to see through the rain coming down
Even though I'm not the only one, who feels
The way I do.🎵

Habang kumakanta ako ay naiisip ko yung mga panahon na mag-isa ako, na wala si papa na kumupkop sa akin.

🎵I'm alone, on my own
And that's all I know
I'll be strong, I'll be wrong
Oh, but life goes on
Oh, I'm just a girl
Trying to find a place in this world🎵

Nang makilala ko si papa, nagkaroon ako ng pag-asa na mabuhay sa mundo. Pero, lagi ko pa rin tinatanong sa sarili ko na bakit parang may kulang? Bakit parang hindi pa rin ako tanggap ng mundo?

🎵Got the radio on, my old blue jeans
And I'm wearing my heart on my sleeve
Feeling lucky today, got the sunshine
Could you tell me what more do I need?
And tomorrows just a mystery, oh yeah
But that's okay🎵

Habang kumakanta ako, naaalala ko yung mga araw na hindi ako tanggap ng mga tao at lagi nila akong hinuhusgaan at kinukutya. Kung bakit daw nandito ako, at bakit nabubuhay pa ako.

🎵I'm alone, on my own
And that's all I know
I'll be strong, I'll be wrong
Oh, but life goes on
Oh, I'm just a girl
Trying to find a place in this world

Maybe I'm just a girl on a mission
But I'm ready to fly🎵

Pero, siguro nga tama sila, na hindi nga ako dapat bagay sa mundo nila dahil, bampira ako at tao sila.

🎵I'm alone, on my own
And that's all I know
Oh, I'll be strong, I'll be wrong
Oh, but life goes on
Oh, I'm alone, on my own
Oh, I'm just a girl
Trying to find a place in this world

Oh, I'm just a girl
Oh, I'm just a girl, oh, oh
Oh, I'm just a girl🎵

Pero, anong magagawa ko? Gusto ko rin namang mabuhay ng normal kagaya nila.

Nang matapos kaming tumugtog ay bumalik agad ako sa kwarto kung saan kami dinala ni uncle Tommy kanina.

"Anak," napalingon naman ako kay papa. "Okay ka lang ba?"

Tumango lang ako at matipid na ngumiti.

"Talaga ba?" tanong ulit ni papa. "Mukhang naging emosyonal ka kasi sa kanta mo kanina."sabi nito at umupo sa tapat ko.

"Wala po iyon pa, masaya lang ako na naka-kanta ulit ako."pagdadahilan ko kay papa na totoo naman dahil masaya akong naka-kanta ulit."Pa, tara na po. Inaantok na po ako----" hindi ko natapos iyong sasabihin ko dahil biglang pumasok si uncle Tommy at nagsisisigaw.

"OMG! Ran, ang ganda-ganda ng performance niyo kanina! Lalo na ikaw! Yung ibang nanood at nakinig naiiyak dahil sa pagkanta mo!" sabi nito at umupo sa tabi ni papa. "Balik ka ulit bukas ah!" sabi nito.

"Titignan ko po."sabi ko sa kanya at kinuha na yung backpack ko."Sige, uncle uwi na kami ni papa."paalam ko sa kanya at nauna na akong lumabas ng kwarto.

She's a Vampire![COMPLETED] [UNEDITED]Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon