HAPPY BIRTHDAY
Ran
"Teka nga lang! Iyong kamay ko naman!"sigaw ko kay Perzeus.
Hanggang ngayon kasi hawak-hawak niya pa rin ako kahit naka-pila na kami sa may counter.
"Sorry. Sinisigurado ko lang na hindi ka aalis."sabi nito at tsaka niya ako binitawan.
-_-
"Ano sa inyo?"tanong nung nagtitinda sa amin.
"Dugo sa akin."ani ni Perzeus.
0_0 - ate na nagtitinda.
"He-he-he... Ang ibig niya pong sabihin dinuguan."sabi ko.
"Ahh~ akala ko naman kung ano na. Hahaha..."sabi ni ate."Ilang dinuguan?" tanong nito.
"Isang order lang po."sagot ko.
Pagka-kuha namin sa order ni Perzeus ay umupo kami sa may hindi gaanong pinupuntahan ng mga tao na table.
"Pahamak ka talaga!"kurot ko sa kanya.
"Aray naman!"daing nito." Sorry na! Okay?"sabi nito bago sumubo sa pagkain niya.
"Sa susunod isipin mo muna iyong mga sasabihin mo bago ka satsat nang satsat."sabi ko sa kanya at inirapan.
"Sungit naman nito."
"Huwag mo akong kakausapin."sabi ko sa kanya at humalukipkip.
"Nga pala, para sayo."napatingin naman ako sa hawak-hawak nitong plastic bag."Happy 998th birthday."naka-ngiting bati nito sa akin.
Oo nga pala! Birthday ko pala ngayon. Bakit, nakalimutan ko? Noong isang araw pinapaalala ko lang kay papa tapos, ngayon birthday ko na.
"Sorry kung pinilit kitang sumama sa akin ngayon kahit, alam kong si Atoz dapat ang sasamahan mo sa pagkain ngayon. Ginawa ko lang naman iyon kasi gusto kong ibigay sayo itong munting regalo ko at mabati ka ng happy birthday."sabi ni Perzeus.
Naiiyak ako.
"Salamat, Perzeus."sabi ko sa kanya at kinuha iyong inaabot niyang plastic bag."Ano naman ito?" tanong ko habang pinupunasan iyong luha ko.
"Buksan mo. For sure magugustuhan mo iyan."nakangiting saad nito.
Binuksan ko naman iyong plastic bag. Pagkabukas dito ay tumambad sa akin ang ilang plastic ng sariwang dugo.
"PERZEUSSSSSSSSS!!!!"hindi ko napigilan iyong sarili kong mapasigaw.
Lahat ng tao sa canteen ay napatingin sa amin.
"Bakit? Hindi mo ba nagustuhan?" tanong nito.
"Humanda ka sa akin! Hayop ka!"sigaw ko at hinabol siya palabas ng canteen.
"BAKIT AYAW MO BA IYONG REGALO KO SAYO?!"sigaw nito.
"HOY! BUMALIK KA DITO!!!" habol ko sa kanya.
°°°°°°°°°°
"Ranya, sorry na. Promise, hindi ko na uulitin iyon."sabi ni Perzeus na ngayon ay nasa likod ko na naka-buntot.
"Sa susunod na gawin mo pa talaga sa akin iyon, kita mo. Tatanggalan talaga kita ng pangil."sabi ko sa kanya.
Nginitian lang naman ako nito.
"Nandito na kami!"sabi ko pagkarating namin ni Perzeus sa bahay."Bakit, nasaan si papa?"bulong ko.
"Perzeus-----"paglingon ko sa katabi ko ay wala na siya."Saan nagpunta iyon?"
Nagkibit balikat na lang ako at pumasok na ng bahay.
"Umuwi na siguro iyong mokong na iyon. Tsk, hindi talaga marunong mag paalam."
Pagkasara ko sa may pintuan ay dumeretso na ako sa loob ng bahay.
"May pinuntahan lang siguro si pa----"
"Happy birthday to you! Happy birthday to you! Happy happy happy birthday, happy birthday to you!"
"Happy birthday, anak!" - papa.
"Happy birthday, pamangkin!" - uncle Tommy.
"Maligayang kaarawan, Ranya."-Perzeus.
"Papa! Ano ito?"naiiyak na saad ko.
"Sssshhh....tahan na."ani ni papa." Birthday na birthday mo umiiyak ka."sabi nito at niyakap ako.
Niyakap ko rin siya pabalik.
"Thank you po. Ito na yata ang pinaka-masayang kaarawan ko."sabi ko sa kanila.
Iyong araw na iyon, sa mismong kaarawan ko. Doon ko na-realize na hindi ko kailangang maging isang normal kagaya ng isang tao dahil kahit bampira ako, alam kong may mga tao pa ring nandiyan para mahalin ako at intindihin bilang kung sino talaga ako.
BINABASA MO ANG
She's a Vampire![COMPLETED] [UNEDITED]
VampirIsang bampira na nabubuhay sa mundo ng mga tao. Isang bampira na walang ginawa kundi mamuhay ng normal kagaya ng isang normal. Ngunit, paano kaya niya haharapin ang mga taong nasa paligid niya kung nalaman nila na isa siyang kakaiba? Meet Ranya Kim...