HE'S BACK
Atoz
"Pwede ba tayong mag-usap?"
Napatingin ako sa pintuan ng music room ng may nagsalita.
Nakatayo doon si Ran at nakatingin sa akin.
"Atoz, maniwala ka sa akin. Hindi ko kilala iyong Gio na iyon. Hindi ko nga alam kung bakit lagi niya akong kinukulit at pinupuntahan sa klase. Iyong nangyari sa canteen noong isang araw, wala lang iyon. Promise, Atoz hindi ko talaga siya kilala. Maniwala ka sa akin-"
"Bakit ka nagpapaliwanag sa akin?" tanong ko sa kanya at tinignan siya.
"Kasi, baka kung anong isipin mo."sagot naman nito.
"Hindi mo naman ako boyfriend para ipaliwanag ang bagay na iyon. Anong paki-alam ko kung nililigawan ka niya diba? Sino lang ba ako? Ako lang naman si Abcde Xyz Jerusalem, kaklase mo,"saad ko at saka ako tumayo at nagsimula nang maglakad palabas ng music room.
Totoo naman kasing wala akong pake-alam kung lagi silang magkasama nung Gio na iyon. Naiinis lang ako dahil, nilalayuan ko na nga siya gaya ng sinabi niya pero, ito naman siya at lumalapit sa akin.
Kaya bago ako umalis sa silid na iyon ay may sinabi na muna ako sa kanya.
"Unti-unti na nga kitang nakakalimutan pero, heto ka at lumalapit ka na naman sa akin. Please, Ran tama na. Tama na ang minsang sakit na naidulot mo sa akin."pagkasabi ko iyon ay tuluyan na akong lumabas.
Nang makalabas ako sa music room ay nagulat ako nang makita kong nasa labas si Camille.
"I-ibig s-sabihin siya iyong babaeng kinu-kwento mo sa akin?" tanong nito nang magsimula na kaming maglakad.
Tumango lang ako.
"Pero, bakit? Diba, sabi mo mahal-"
"Halika na. Ihahatid na kita sa airport diba, flight mo ngayon pabalik ng New York?" tanong ko sa kanya.
Tumango siya habang naka-simangot.
"Anong mukha iyan?" natatawang tanong ko sa kanya.
"Paano kasi, hindi mo man lang ako pinakilala sa pinakamamahal mong babae!" sigaw nito at pumasok na sa sasakyan nila.
Napailing na lang ako bago pumasok sa likod ng sasakyan nila Camille.
Nang makarating kami sa airport ay nagpaalam na ako kay Camille.
"Mag-ingat ka doon. Balik ka ulit dito ah?" naka-ngiting sambit ko.
"Oo naman insan. Basta, pagbalik ko sana okay na kayo nung Ran na iyon,"sabi nito at kinindatan ako.
Nginitian ko lang siya bilang sagot.
Nang makapasok na sa loob si Camille ay napagdesisyonan ko na rin na bumalik sa paaralan.
Habang nasa sasakyan ako ay naalala ko iyong sinabi ni Camille.
"pagbalik ko sana okay na kayo nung Ran na iyon."
BINABASA MO ANG
She's a Vampire![COMPLETED] [UNEDITED]
VampireIsang bampira na nabubuhay sa mundo ng mga tao. Isang bampira na walang ginawa kundi mamuhay ng normal kagaya ng isang normal. Ngunit, paano kaya niya haharapin ang mga taong nasa paligid niya kung nalaman nila na isa siyang kakaiba? Meet Ranya Kim...