SHE IS A VAMPIRE (39)

221 2 1
                                    

IT'S YOU

Ran

Tumigil si Atoz sa pagtugtog ng gitara at tumingin sa akin.

"Bakit ka nagpapaliwanag sa akin?" tanong nito matapos kong sabihin sa kanya na hindi ko kakilala yung Gio na iyon.

"Kasi, baka kung anong isipin mo."sagot ko sa kanya.

"Hindi mo naman ako boyfriend para ipaliwanag ang bagay na iyon. Anong paki-alam ko kung nililigawan ka niya diba? Sino lang ba ako? Ako lang naman si Abcde Xyz Jerusalem, kaklase mo,"sabi nito at saka tumayo at nagsimula nang maglakad palabas ng music room.

Bago siya tuluyang lumabas ay may sinabi muna siya.

"Unti-unti na nga kitang nakakalimutan pero, heto ka at lumalapit ka na naman sa akin. Please, Ran tama na. Tama na ang minsang sakit na naidulot mo sa akin."pagkasabi nito ay tuluyan na siyang lumabas.

Nakatingin lang ako sa papalayong pigura ni Atoz.

Hindi ko alam pero, ni isang patak ng luha ay walang lumabas sa mga mata ko. Pagod na rin siguro silang umiyak.

Lumabas na ako sa music room nang tumunog na ang school bell hudyat na magsisimula na ang susunod na klase.

Mabagal akong naglalakad pabalik sa klase ko.

"Unti-unti na nga kitang nakakalimutan pero, heto ka at lumalapit ka na naman sa akin."

"Please, Ran tama na. Tama na ang minsang sakit na naidulot mo sa akin."

Tama nga si Perzeus dapat noong una palang hindi na ako nagkagusto sa isang tao.

Sana sa una palang sinunod ko na ang sinabi ni Perzeus. Sana noong una palang iniwasan ko na siya.

Naglalakad lang ako papunta sa klase ko ng hindi ko namalayan na may isang timba pala na may laman na tubig ang nakaharang sa dinaraanan ko kaya natisod ako dahilan ng pagkakabagsak ko sa sahig at nabasa ako.

"Okay ka lang? Bakit hindi mo kasi-"

"Papa?" nagtatakang tanong ko. "Anong ginagawa mo dito?"napatingin ako sa suot niya.

"Kasi anak-"

Hindi ko pinatapos magsalita si papa.

"Bakit pa? Bakit ginagawa mo ito? Ito ba ang dahilan kaya pilit mo pa rin akong pinapapasok-"napatigil ako sa sasabihin ko.

"O-okay ka lang, Ran?" nag-aalalang tanong ni papa sa akin.

Napahawak ako sa may tagiliran ko kung saan ako nasaksak noong isang linggo.

Akmang lalapitan sana ako ni papa pero pinigilan ko siya.

"Kaya ko ang sarili ko,"sabi ko sa kanya at unti-unting tumayo habang nakahawak sa may tagiliran ko.

Napangiwi ako sa sakit nang umayos ako ng tayo at hinarap si papa.

"Ran, magpapaliwanag ako,"nagmamakaawang saad ni papa.

"Sa bahay na lang po. May klase pa po ako," sabi ko sa kanya at nagsimula na muli akong maglakad.

Dumeretso na muna ako sa CR para tignan kung okay lang ba iyong sugat ko sa tagiliran ko.

Nang nasa loob na ako ng isang cubicle ay tinanggal ko ang suot-suot kong damit.

Napadaing ako ng tanggalin ko iyong benda na nakalagay sa sugat ko. Sobrang dami nung dugong lumalabas. Wala akong ibang benda kaya naman nilinis ko na lang ng tubig at sinuot muli ang blouse at jacket ko. Ang malas ko lang dahil kulay puti ang suot kong jacket ngayon. Sigurado akong makikita ang dugo rito dahil walang benda ang sugat ko at sobrang daming dugo ang lumalabas sa sugat ko.

Naalala ko iyong pagkabagsak ko kanina. Naitama sa tagiliran ko iyong timba ng bumagsak ako.

Lumabas naman ako ng cubicle at naghilamos ng mukha ko.

Late na akong nakapasok sa last subject ko kaya tinanong ako nung teacher kung saan ako galing.

"Why are you late, miss?" mataray na tanong nito sa akin.

"M-may g-ginawa lang po ako. S-sorry."halos pabulong ko ng sagot.

"Okay, pumasok ka na. Basta next time on time ka ng pumasok,"sabi nito at pinagpatuloy ang pagtuturo nito sa harap.

Pumasok naman ako sa klase.

Habang papasok ako ay ramdam kong parang bumibigat ang bawat hakbang ko. Pinagpapawisan ako ng malamig. Hindi normal iyong tibok ng puso ko.

"Okay ka lang?" napatingin naman ako sa nagsalita.

Tinanguan ko lang si Keith.

Ayaw kong sabihin sa kanya na hindi mabuti ang pakiramdam ko dahil alam kong mag-aalala na naman siya.

Ilang minuto bago ako tuluyang naka-upo sa upuan ko.

Hawak-hawak ko pa rin ang tagiliran ko dahil sumasakit pa rin ito at ramdam kong may mga dugong lumalabas dito.

Nakatingin lang ako sa guro namin na nagsasalita sa harap.

Hindi ko maintindihan kung anong pinagsasasabi niya. Nanlalabo iyong paningin ko. Hindi ko maigalaw ng maayos ang katawan ko.

"Class dismiss."

Nagsilabasan na iyong mga kaklase ko at pati na rin si Keith. Nagpahuli akong lumabas para hindi nila makita iyong damit kong may dugo.

Dahan-dahan naman akong tumayo sa kina-uupuan ko.

"Ah!" daing ko nang maramdaman kong sumakit iyong tagiliran ko.

Pinagpapawisan ako ng buo at malamig. Namamanhid na din iyong katawan ko.

Pinilit kong maglakad ng maayos pero, lagi akong nawawalan ng balanse kaya napapahawak ako sa mga upuan at mesa na madaraanan ko.

Nasa may pintuan na ako ng mawalan ako ng balanse.

"Shit!"

Dumulas iyong kamay ko na naka-hawak sa door knob.

Napadaing ako ng bumagsak iyong katawan ko sa sahig.

Tatayo na sana ako ng may kamay na umakay sa akin patayo.

"Ran! Ayos ka lang?"

Iyong boses na iyon.

She's a Vampire![COMPLETED] [UNEDITED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon