SHE'S A VAMPIRE (5)

656 24 0
                                        

SHADOW

Ran

"Hoy, sorry na. Promise hindi ko na uulitin-----"

"Huwag mo akong kakausapin!"sabi ko sa kanya at nilagay ko ang isang kamay ko sa mukha niya."Kala-lalake mong tao, ang dugyot-dugyot mo."

"Edi, sayo na lang itong daga para ikaw ang mag-mukhang dugyot."sabi nito at pinakita nito sa akin ang dagang hawak niya.

"Waahhh! Ilayo mo nga sa akin iyan."sigaw ko at napalayo sa kanya.

"O, bakit ano na namang kaguluhan ito?"tanong ni papa sa amin.

"Paano ba naman kasi, itong lalakeng ito nasa pamamahay ko at nanghuhuli ng mga bubwit na kakainin niya."paliwanag ko kay papa.

"Iyon ba anak ang kina-gagalit mo? Sa katunayan kasi, talagang inimbita ko si Perzeus ngayon dito sa bahay kasi alam mo na? Ang daming nagkalat na naman na daga kaya, si Perzeus agad ang tinawagan ko. Wala naman kasi tayong pusa kasi ayaw mo naman sa kanila."sabi sa akin ni papa.

Napatingin naman ako kay Perzeus.

-_-

Abala ang mokong sa pagsipsip ng dugo sa mga hawak nitong daga.

Eww. Gross.

Pagkatapos mahuli lahat ni Perzeus ang lahat ng daga sa bahay ay agad naman itong nagpa-alam sa amin.

"Uwi na po ako Tito, Ran."paalam nito sa amin.

"Salamat, ha? Balik ka ulit."sabi ni papa sa kanya.

"Ingat."sabi ko naman sa kanya bago ito tuluyang umalis ng bahay.

°°°°°°°°°°

Nasa hapag-kainan ako ngayon at nakatingin sa ulam na niluto ni papa.

"Bakit nak? Ayaw mo ba iyang ulam?"tanong ni papa.

"G-gusto po! May iniisip lang."sagot ko.

"Akala ko ayaw mo, napansin ko kasi kanina parang namumutla ka pag-dating mo galing school kaya, baka kailangan mo ng maraming dugo kaya naman nagluto ako ng paborito mo. Ang pinaputok na dinuguan."sabi ni papa habang naka-ngiti.

Sana lahat ng tao ganyan ang ngiti nila once na malaman nila na isa akong bampira pero, napaka-imposibleng yatang mangyari iyon dahil baka kutsain lamang nila ako, at husgaan.

"Pa,"tawag ko kay papa.

"Hmmm?"lingon nito sa akin.

"Ang tanda ko na pala no?"saad ko."Kaarawan ko na pala sa makalawa at, mag-998 na ako. Pero, stay young pa rin ako."naka-ngiting saad ko.

"Oo nga pala! Kaarawan mo na sa makalawa at hindi ko man lang naalala?"nahihiyang saad ni papa." Wala pa akong regalo sayo pwedeng ikaw na lang ang mag-regalo sa akin? Tulad ng hindi tumatanda ang itsura kagaya mo kahit 997 kana."natatawang sabi nito.

"Kung kaya ko lang sana."sabi ko kay papa.

Oo, matanda na ako pero mukha pa rin akong highschool student. Ito ang parusa naming mga bampira once na tumapak ka sa mundo ng mga tao. Magiging bata ang itsura mo at hindi kana magiging matanda kailanman.

Pagkatapos naming kumain ay nagligpit na muna ako ng pinag-kainan namin bago tuluyang pumunta sa kuwarto.

Habang naghuhugas ako ng plato ay may natanaw akong anino sa gate ng bahay namin. Mula sa may kusina kasi ay matatanaw mo ang gate dito. Parang may nakatayo doon na lalake at nagmamasid.

Bigla akong kinabahan sa nakita ko kaya naman, minadali kong hinugasan ang mga hugasin at dumeretso sa kuwarto ko. Bubuksan ko na iyong kuwarto ko para pumasok ng biglang....

*ding dong!

She's a Vampire![COMPLETED] [UNEDITED]Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon